STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP
WITH MR. POPULAR
//GOALS #1//
NAKATITIG lang si Zoe sa repleksyon niya sa salamin. Inaangat niya ang zipper ng plaid skirt niya. Unang araw ng pasok ngayon sa Goldencrest University. Napahinga na lang siya palabas habang tinitignan ang kabuuan ng kaniyang uniform. Dahil first day ngayon, required silang isuot ng kumpleto ang kanilang uniform.
Tamad na tamad pa siyang pumasok dahil dapat naman talaga ay nagbabakasyon pa siya ngayon. Nag-skip na nga siya ng isang sem nang mag-California siya kaya naman naghahabol siya ng mga courses ngayon kung gusto niyang maka-graduate on time.
Where do I even begin? tanong niya sa sarili. Ang daming nangyari sa nakaraand anim na buwan na hindi na niya alam kung paano pipira-pirasuhin iyon. Ay, bahala na nga!
Kinuha na niya ang bag niya mula sa kaniyang pink na upuan. Dito sa Goldencrest, naka-dorm sila. Bawat kwarto ay may apat na tao. At bawat babae ay may sariling "nook" (see picture) na nagsisilbing closet, study table, at higaan.
Hindi tulad ng ibang roommates ni Zoe, hindi siya excited sa unang araw nila. May mga paruparo sa tiyan niya pero hindi ganoon kalala. She is supposed to be touring in Europe right now. Pero ayun na nga... nangyari na ang nangyari.
Medyo nagulat pa siya nang paglabas niya ng elevator sapagkat si Jet ang agad na bumungad sa kaniya. Kakaliko niya pa lang ay nakita na niya ito agad na nakasandal sa maputing window sill. Hinihintay siya. Umangat ang sikmura niya at nakaramdam siya ng mabilisang pagtibok ng puso niya. Marahil sa kaba at gulat.
BINABASA MO ANG
(STATUS #2) Status: Still In A Relationship With Mr. Popular
Teen Fiction"So, it's you and me again, huh, Jet?" Akala ni Jet naka-get over na siya kay Zoe. Halos kalahating taon din ang lumipas bago niya itong muling nakita. Pero sa kalahating taon na iyon, hindi lamang ang pag-alis ni Zoe ang nangyari. Naipasara...