One Shot

59 6 0
                                    

Pat's POV





"Pat okay lang ba kung mauna ka nang umuwi? May pupuntahan pa kasi ako."

Kahit na sa loob-loob ko ay gusto kong tumutol sa gusto mo ay pinilit ko pa din na ipakita sa'yo ang matamis kong ngiti.

"Sige okay lang..."

Gustong-gusto ko sa'yong itanong kung saan ka pupunta pero wala akong lakas ng loob.

Gusto kong mag bulag-bulagan sa kung anong nangyayari sa relasyon natin ngayon pero hindi ko magawa...

Gusto kong sabihin sa'yo na nasasaktan na ako pero naduduwag ako.





"Pat ano ba! Pag-aawayan nanaman ba natin 'to? Diba sinabi ko na sa'yo? Kailangan ko nang umuwi!"

Second anniversary na'tin pero hindi manlang tayo nakapag-celebrate kasi sinabi mong may gagawin ka pa kaya kinailangan mong umuwi agad.

Importante pa ba ako sa'yo?

Kung oo...

Pwede ko bang maramdaman ulit yun galing sa'yo?

Kasi tangina! Ang sakit-sakit na e!





"Jancen... I love you."

Dati ay halos ipagsigawan mo sa lahat na mahal mo din ako.

Pero ngayon...

Kahit bulong manlang ay wala na akong marinig sa'yo.





"Anong nangyari sa'tin Jancen? Mahal mo pa din naman ako di ba?"

Ayokong umiyak sa harap mo pero hindi ko mapigilan.

Ang bigat na sa kalooban ko Jancen.

"Huwag kang mag-eskandalo dito sa hallway Pat. Tumigil ka na."

Ang sarap mong sapakin ng paulit-ulit pero hindi ko magawa.

Kasi ayaw kitang saktan.

Kahit na sobra-sobra na yung ipinaparamdam mong sakit sa'kin...

Hindi ko magawang gumanti sa'yo.





Ang dami nang nagsasabi sa'kin na hiwalayan kita pero ang lagi kong isinasagot sa kanila...

"Hindi ko kakayanin pag nawala s'ya sa'kin."

Hangang kelan nga ba kita kayang tiisin?

Kung sana ay hindi ako na-inlove sa'yo ng todo ay kakayanin ko pa...

Pero hindi e!

Hulog-na hulog ako sa'yo...

Nung una naman sinalo mo naman ako.

Pero bakit naman bigla mo na lang akong binitawan?

May nagawa ba ako?

Ingatan Mo Sya [ONE-SHOT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon