#Starterpack

201 11 3
                                    

Simula

Princess

"I want to transfer to a new school po" magalang kong sinabi sa parents ko habang kami ay kumakain.

Napatigil naman si mama at papa.

"Why? May nambubully ba sa'yo sa school?" Nag aalalang tanong ni Mama.

I wanted to say yes pero alam ko sa sarili kong kaya ko silang labanan pero hindi silang lahat kase kailangan ko din naman ng kaibigan.

"No Ma, i want a new environment po, wala naman akong problema sa pagiging elite nung mga tao sa school pero as much as posible po gusto kong matutong maging independent."

"We can't just let you--" naputol ang sasabihin ni Mama ng hawakan siya ni Papa.

Na-ggets ko naman kung bakit overprotective sila sa akin, dahil sa lahat ng mga naging babies nila ako lang ang nabuhay, pero gusto ko din naman matuto.

"Hayaan mo na siya, alam ni Kisses ang ginagawa niya." Nakangiting sabi ni Papa kaya tumayo ako at niyakap siya.

"Thank you po papa, i love you"

"I love you too" natatawang sabi ni papa.

"Ano pa nga ba? Sige na payag na ko" nakangiting sabi ni Mama kaya lumapit ako sa kanya and hinug ko siya.

Bago magpasukan, nakapili na ko ng school ko at nagpaenroll kaya nag eempake na ko dahil ihahatid nila ako sa magiging dorm ko.

"Ipapasama ko nalang yung tatlong yaya mo" sabi ni Mama kaya napatigil ako sa paglalagay ng laptop at tumingin sa kanya.

"Ma naman, independent nga po eh" naka-pout kong sabi.

"Okay okay, I'm just worried" ihugged her, maya maya tinawag na kami ni Papa at bumaba na kami para sumakay sa kotse.

Pagkarating namin, umiiyak na niyakap ako ni mama at papa at nagpaalam.

Pumasok ako sa may building at may sumalubong sakin na isang babae at isang lalaki.

"Hi, I'm Bianca and this is Robi, ako ang tiga bantay ng dorm, nabasa mo nanaman yung house rules diba? May makakashare ka sa room, ibigay mo na kay Robi yung gamit mo para maakyat nya na." Kinuha ni kuya Robi yung gamit ko at sumunod kami kay Ate Bianca habang nag ddisciss siya ng house rules, mukha naman siyang mabait, nag aasaran sila ni Kuya Robi, akala ko nga mag boyfriend-girlfriend sila eh, magpinsan lang pala.

Pagdating sa room ko,binigay nila sa'kin yung susi at nagpaalam na, pumasok ako sa room at nakita ang isang babaeng payat na tahimik na kumakain dun sa kama niya kalapit ang poster ni Enrique Gil.

"Hello, i'm Kisses. Ikaw?" Napatingi. Siya sa akin at ngumiti.

"Uy! Ako nga pala si Maymay, buti naman may kasama na ko dito, mababaliw na ko kakatitig kay Enrique Gil pag mag isa ako eh" natawa naman ako sa kadaldalan niya kaya habang nag aayos ako ng damit sa cabinet, nakikipagdaldalan ako sa kanya, tinulungan naman niya ako.

"Mukha kang mayaman"

"May kaya lang " nag make face siya kaya natawa kami.

"San ka naka enroll?" Tanong niya habang magkalapit kaming nakahiga sa kama ko.

"Sa San Carolina University" napalaki ang mata niya at tumingin sakin.

"Pareho pala tayo eh! Kaso third year college na ko, ikaw?"

"First year college palang hahaha"

"Ay ang bata mo pala!"

"Oo nga eh Ate Maymay hahahaha" natawa din naman siya.

Sa sobrang daldal namin, nakwento ko na yung buhay ko pati na rin buhay niya hanggang sa nakatulog kami.

Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Ate Maymay sa school, mas nauna siyang makarating sa classroom niya kaya mag isa akong naglakad papunta sa room ko.

Ibang iba nga itong school na to kesa sa dati, but i think i can live with this.

Pagpasok ko sa room, umupo ako sa unahang part dahil yung likod marami ng nakaupo.

Lumingon ako sa likod at tinignan yung mga estudyante dito, maraming nagtatawanang teenagers sa likod, yung isang lalaki napatingin sa'kin kaya nag iwas ako ng tingin.

Nilabas ko yung phone ko at nagscroll sa twitter ng may mapansin akong nakaupo sa tabi ko, pagtingin ko yung lalaking napatingin pala sa'kin yun kanina.

"Hi." Nakangiti niyang bati, ngumiti din ako pero ng marinig ko ang hiywan ng mga tropa niya, unti unting nawala ang ngiti ko at nag iwas ng tingin, alam ko na yan.

"I'm Edward" nilahad niya yung kamay niya, i don't want to be rude kaya tinanggap ko.

"I'm Kisses" nginitian ko siya ulit pero iniwas ko agad yung tingin ko sa kanya.

"Alright Princess" napatingin ako dahil sa british accent niya, tumayo siya at umalis at bumalik sa mga tropa niya.

Napakunot ang noo ko at napahawak sa mukha ko, Ang init.

Knowing HerWhere stories live. Discover now