#MeetingThem

164 12 6
                                    

CHAPTER 2

Umiling iling ako at ibinaba ang kamay ko sa mukha ko, normal naman sigurong kiligin diba? Ang gwapo kaya! Lalo na yung accent niya na mas nakakagwapo.

Tinignan ko ang phone ko at tinext si mama na nasa school na ko.

"Hay nako naiirita nanaman ako sa mukha niyang mag best friend na plastik na yan!" Napatingin ako sa umupo sa kalapit ko, napatingin din siya sa'kin at ngumiti.

"Sorry hahaha, i'm Fenech and this is Rita" Nag hi naman si Rita kaya ngumiti ako sa kanila.

"I'm Kisses" pareho silang maganda, maganda ngumiti si Fenech, si Rita naman mukhang mahiyain.

Umupo silang pareho sa kalapit kong upuan, kalapit ko si Fenech.

"May isa pa kaming friend kaya lang mamaya pa yung pasok niya, mabait yun si Vivoree" nakangiting kwento ni Fenech, nginitian ko siya.

"Oo nga pala, sino yung pinag uusapan niyo kanina at parang inis na inis kayo?" Nawala ang mga ngiti nila, si Fenech mukhang galit, si Rita naman napairap na lang.

Tumingin sila sa likod kung saan nakapuwesto si Edward kaya di ako masyadong makalingon, ang awkward kaya.

"Nakikita mo yung babaeng grabeng kumapit dun sa isang Gwapo?" Tinignan ko yung tinuro ni Fenech, iisang lalaki lang naman ang may nakacling na babae sa braso eh, si Edward.

Napatingin si Edward sa'kin kaya napabalik ang tingin ko kay Fenech.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Yan si Higad este si Heaven, ganda ng pangalan no? Di bagay sa kanya" umirap si Fenech kaya natawa ako, ang cute niya kase.

"Yun naman si Kristine, yung kalapit nong isang gwapo, best friend yan ni Higad" napatingin ako kay Kristine, maganda naman siya.

"Bakit ba higad ang tawag mo kay Heaven?" Inosente kong tanong.

"May Paolo na kase yan, tapos pag nandito siya sa room may Edward siya, grabeng makaPDA jusko!" Sabi ni Rita.

Napatango naman ako at bumalik ang tingin sa pintuan ng room.

Maya maya dumating na yung prof at siyempre nag introduce yourself, naeexcite ako pag may ganito eh.

Pagkatapos ng klase hinila ako ni Fenech at Rita sa isang vacant room.

"Ayoko talaga ng 3 hours vacant natin, ang boring masyado eh" reklamo ni Fenech.

Napatango kami ni Rita.

"Guys! Grabe ang traffic nakakainis!" Napatingin kami sa babaeng sinusuklay ang maiksi niyang buhok, maganda siya at mukhang model.

"Late ka nanaman kaseng gumising" Fenech.

"Nga pala Viv, eto si Kisses, Kisses si Vivoree" pakilala sa'kin ni Rita.

Ngumiti ako at nakipag shakehands sa kanya, ngumiti si Viv at inakbayan ako.

"Ganda niya no?" Sabi ni Fenech.

"True, kamukha mo si Janella Salvador na may halong Marian Rivera" Viv.

Tumango naman si Rita at ngumiti.

"Magaganda din kaya kayo!" Bawi ko.

"Oo squad tayo ng magaganda Hahahaha" Fenech kaya nagtawanan kami.

Maya maya tumunog yung phone ko at tinignan ang text.

" Guys papuntahin ko dito yung friend ko ah" tumango naman sila at nagkwentuhan ulit kaya pinapunta ko si Te May.

Biglang bumukas yung pinto.

"Hi Te May! Fenech,Rita, Viv this is Ate May" ngumiti sila nag hi.

"Infairness ang gaganda niyo!" Comment ni Ate May.

"Pwede tayong model" natatawang sabi ni Viv.

"Oo tapos sali tayo sa Abs tapos ipapartner nila ako kay Enrique Gil!" Sabay hawak sa bibig na parang naiiyak at kinikilig.

Natawa kami kaya umupo kami at nag kuwentuhan. Pinaikot namin yung mga upuan.

"Alam niyo ba kanina lumapit sa'kin si Edward" napatingin silang lahat sa'kin na parang may sinabi akong nakakagulat.

"Nilapitan ka?ni Edward?" Fenech.

Tumango ako

"What?" Viv

Tumango ulit ako

"Diba selective  yun? Di siya friendly." Te May, si Rita naman nakanganga lang.

"Crush ko nga siya eh tinawag pa kong Princess with british accent" sabi ko habang kinikilig, natawa naman sila at pinisil yung pisngi ko.

"Oy Kisses ah, wag kang ma-ffall dun kay Edward, may gusto yun kay Higad eh." Fenech.

"Oo nga" Rita

Biglang bumukas yung room at nakita namin si Edward kasama ang mga tropa niya, syempre nandoon si Heaven.

Nakita kong may binulong kay Edward yung isang lalaki kaya napatingin sa'kin kaya nag iwas ako ng tingin.

"Pa-share ng room ah?" Nakangiting sabi ni Heaven.

"Wala na bang ibang vacant room dito sa San Carolina?" Nakataas ang kilay na sabi ni Fenech.

"Wala. Kung meron lang hindi kami makikishare dito" pambabasag ni Kristine, napalapit naman si Ate May samin.

"Sampalin ko na ba?" Pabulong na sabi ni Ate May kaya medyo natawa ako, tumango naman si Fenech habang nagpipigil ng tawa si Rita at Viv.

"Anong tinatawa tawa mo jan?" Nakataas ang kilay na baling ni Heaven sa'kin.

"Oh nothing, natatawa lang ako sa mukha mo" hirit ko kaya natawa naman sila Viv.

Susugurin niya sana kami kaya lang pinigilan siya nila Edward at binulungan kaya tumigil at umupo sa kabilang side ng room, hinati nila yung room sa dalawa, nilagyan ng madaming upuan siyempre sa pangunguna ni Higad.

Nagtatawanan kami ng biglang may tumawag samin kaya lumapit kami sa mga upuan.

"Yong! Ano ba?" Higad.

"Let him" sabi nung isang di ko kilala.

"Ako nga pala si Yong" nakangiti niyang pakilala kaya ngumiti din ako at tinanggap yung kamay niya.

"Alam mo Yong okay ka naman samin eh, welcome ka dito sa side namin" Te May.

"Nah di ko kayang iwan si Edward, kung kami lang ni Aizan eh why not?" Pabulong na sabi ni Yong.

"I'm Aizan" ngiti nung umakbay kay Yong kaya nagpakilala ako.

"Hi Kisses, I'm Marco" nakipagshakehands siya pero parang may tinitignan sa likod, nung tinignan ko kung sino yung tinitignan niya, napaiwas agad ako.

"Marco, you're welcome here" sabi ni Viv.

"Nah Viv, we can't leave Edward" pabulong nasabi niya.

Bumalik sila sa pwesto nila at ngumiti samin.

Nagkuwentuhan ulit sila Fenech pero di ko makalimutan yung tingin ni Edward kanina.

Bakit ang sama ng tingin nya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Knowing HerWhere stories live. Discover now