Chapter 6

114 10 0
                                    

Chapter 6

May practice tayo sa lobby
Tumango lamang ako at nag ayos na ng gamit

Pagkapunta ko sa lobby ay nagpapractice na sa modern dance sila Izzy

Hindi ko mapigilan ang pagkamangha

Niyayakap ko na ng mahigpit ang aking bag habang pinapanood sila

The way na gumalaw si Izzy ay ang cool niya dahil mukhang relax lang siya

Pero damn ang galing niya pano pa kaya pag nagcompetition na talaga

Pumapadyak padyak pa ako. Lalo na ng tiningnan niya ako kinagat ko kagat ko na ang labi ko wala na akong paki kung masugatan ako basta kailangan kong itago na kinikilig ako

Hanggang sa maramdaman ko ang pagpalo saakin

Bes kilig na kilig ka ah
Tumawa pa si Raizel

Bes ang cutie niya
Humagikgik pa si JC

Sinamaan ko siya tingin kaya tumigil siya

Hoy Savannah magpractice ka na!
Tumingin sa direksyon ko si Izzy

HOY SAVANNAH LEAL MAGPAPRACTICE KA O HINDI?
Napatayo agad ako at wala sa oras na nabato ko kay Raizel ang aking bag

Sumulyap ulit ako kay Izzy at nakita kong nakangisi siya

Nagtawanan si JC at Raizel kaya tumakbo na ako sa kahihiyan

Ate Alizee naman hindi mo naman ako kailangang sigawan
Hinawakan niya ang pisngi ko at bigla siyang tumingin sa direksyon nila Izzy

Crush mo si Izzy noh?
Pabulong na pang asar ni Ate Alizee

Hindi ako sumagot

OY MAY CRUSH SI HANNA KA---
Tinakpan ko ang bunganga ni Ate Alizee

Lahat nakatingin saamin kaya kinakabahan ako

Pagtingin ko naman sa nagpapractice sa modern dance ay nakatingin din sila except kay Izzy

Bumagsak ang balikat ko

Hindi ko alam. Matutuwa ba ako dahil hindi nakuha ni Ate Alizee yung atensyon niya?or dahil hindi nakuha ng pangalan ko ang atensyon niya?

Nagpractice ako ng walang ngiti sa labi. Ni hindi ako sumasabay sa tawanan nila Kyline

Nauna kami idismiss ngunit tuloy tuloy pa rin ang practice nila Izzy

Kanina pa ako dito nagcecellphone at kunyare napapangiti dahil sa message

Bigla akong nakatanggap ng mensahe kaya nawala ang ngiti sa labi ko

From: Alexander Santiago
Uy bata, pinapauwi ka na ng ama amahan mo.

Hala pinapauwi na ako ni daddy? Eh bat sakanya nagtext?

Nagcall naman saakin bigla si Alexander

Alam mo bang kanina pa ako kinukulit ng pinsan ko dahil pinapauwi ka na niya!
Naguluhan ako sa sinasabi niya

Pano mo magiging pinsan si daddy?
Tssk. Yan lang reply niya

Hindi ako nagsalita muna

Meaning ko. Si Alexandre yung kapatid mo pinapagalitan ako kasi hinahanap ka sa akin. Dinaig pa si tito sa pagiging daddy ah. Nice paki sabi sakanya pwede na siya mag anak
Tumawa nalang ako at kinuha ang aking bag

Nasaan ka ba?.
Tanong ko

nasa parking lot ng school niyo. Punta ka nalang. Bye couz
At binabaan na ako

Bye Hanna!
Malakas na sabi ni Ate Alizee habang tingin tingin kay Izzy

Tiningnan ko reaction ni Izzy kaso parang wala lang sakanya at tuloy lang siya sa pagsasayaw

Bumuntong hininga ako at umalis na

Sumakay na ako ng kotse ng pinsan ko

Saan tayo?
Tumaas kilay niya

Sa bahay niyo kami makikikain
Tumango ako at nilakasan ang volume ng music ng pinsan ko

Patapos na yung music na slow motion ng biglang may hindi familiar na intro ang pumalit

Mapapansin mo ba
Kaya ang tulad ko
Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata
Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa’yo
Kahit na hindi naman ako ang iyong kaharap
Oh chinito
Balang araw ay, malalaman mo rin

Tiningnan ko si Sky at natawa na kami pareho at ninext niya na ang kanta

Ngunit natamaan ako sa kanta

Mapapansin pa kaya ako ni Izzy?

Author's Note:
Sana patuloy lang po ang pagbasa niyo :)

The Fangirl's HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon