HINDI ko na mabilang kung ilang irap na ba ang nagawa ko sa umaga na ‘to. Kakalapat pa lamang ng mga paa ko sa aming paaralan ay problema na naman agad ang sumalubong sa akin. What a very pleasant morning for me huh.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko muling inirapan ang lalake sa harapan ko."Sorry Mr. Lincon, but rules are rules. Hindi kita hahayaang makapasok sa loob ng paaralang ito hangga’t hindi mo tinatanggal 'yang mga peircings mo at hangga't hindi mo inaayos ang pagkakabutones ng polo mo." Matigas na utos ko sa isa sa mga estudyante ng RASUF (Ramona Alfonso Silvestre University Foundation). "You're a student, not a rock star." pahabol ko.
"Ms. President, hindi ka ba nagsasawa at nauubusan ng laway dito sa ginagawa mo?” bahagya siyang ngumisi sa akin. “Araw-araw mo nalang akong hinaharang dito sa gate to just spill those bullshits on me but look, you can’t stop me. Wala kang magagawa sa fashion ko okay? You’re just wasting your time.” He winked me kaya napangiwi ako. Nararamdaman ko na nagsisimula ng tumibok ang mga ugat sa sentido ko kaya muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago ako muling nagsalita.
Ang mga papasok na mga estudyante ay tumigil na rin sa kanilang paglalakad upang manood. Oh god this is not an fvcking show.
"Well Mr. Lincon as the Supreme Student President it's my job to discipline my dumb and stupid students...like you." Tinaasan ko siya ng Kilay. Nakita ko naman ang agad na pag kunot ng noo niya ng dahil sa sinabi ko.
"What did you just called me?” tanong niya at bahagyang humakbang palapit sa akin. “Dumb? Stupid?! Are you fvcking kidding me?! You fvcking annoying president!" muli akong napairap dahil sa sigaw niya. Hindi ako nagpatinag sa pwesto ko kahit sobrang lapit na niya sa akin. Ang lakas mang-asar neto pikon naman pala. He dared to shouts at my face huh?
"Mr. Lincon..." marahang tawag ko sa kanya sabay buntong hininga. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko ngunit tuluyan na yatang naputol ang natitirang pisi ng pasensya ko.
"What?!" muling pagtataas niya sakin ng boses na siyang naging dahilan ng tuluyang pagsabog ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung sinisigawan ako!
"Why don’t you just remove that fucking piercing off and get that three fvcking buttons of your polo closed and let's fvcking end this fvcking discussion!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya ngunit sadyang may pagkamatigas talaga ang ulo ng taong ‘to dahil pinagtaasan niya lang din ako ng Kilay.
Kahit kailan talaga ay panira ng umaga ang lalakeng ito. Simula ng mag transfer siya rito ay wala na siyang ginawa kundi labagin ang mga patakaran ng paaralan na ito at pasakitin ang ulo ko. Hindi rin naman sana siya makakapasok sa school na ‘to dahil sa mga bad records niya mula sa iba’t ibang school na pinanggalingan niya ngnit dahil ang kanyang lolo ay isa sa mga stock holders ng RASUF ay walang choice ang school admin kundi ang tanggapin ang hayop na lalake na ‘to.
"AYOKO!" Pagmamatigas niya. Sinimulan ko nang hilutin ang sentido ko dahil nanggigigil na talaga ako sa kanya.
That’s it I’m done, Malalate na ako sa klase ko at kailangan ko pang dumaan sa SSG Office. This thing has to end, now.
"You really don’t want to huh?" Mahinahong tanong ko at lumapit sa kanya.
"Yup, Ayoko." Sabi niyang muli at binigyan pa ako ng isang matamis na ngiti na mas ikinainis ko. Tangina mo.
Humakbang muli ako palapit sa kanya at hinawakan ang polo niya at dahan dahang inayos ang pagkakabutones nito dahil labas na ang dibdib niya. Narinig kong may sumipol mula sa mga nanonood na estudyante sa amin at mahihinang kantyaw pero hindi ko ito pinansin. I want to fvcking end this shit right now.
YOU ARE READING
The Game Of Raze
ActionSo you think it's just an another Game of Life and Love huh? Well let me tell you this. You got it all wrong. This is a real Game, A survival game that will test you to your fullest and will show you everything, Even your darkest downfall and wors...