XYBER's Pov
Maaga akong gumising para maaga din pumasok ng school.. Nasanay na ko ng ganito.. kapag kase di ko inagahan, baka pagkaguluhan na naman ako sa gate gaya nung unang araw ko dito..
Anyway, Im Xyber Vince Gamboa.. 16 years old.. 4th year highschool student of VillaMor Integrated School.. Matalino, Mayaman, Hearthrob.. at maraming fan girls.. pero isa lang ang wala sakin.. Love Life..
Ethan's Pov
Hi.. Im Ethan Joseph Villamor.. 16 years old.. mayaman.. matalino.. gwapo.. kaso nga lang medyo masungit.. pero kahit ganun madami parin nagkakagusto sakin.. well, ganun talaga pag gwapo.. Meron akong isang bestfriend sa Campus na PAGMAMAY ARI ng pamilya namin.. si Xyber.. Maaga sya pumapasok dahil ayaw nya pagkaguluhan.. At ako naman, Late pumapasok dahil gusto kong maglakad sa hallway ng walang kahit na sino.. At ang makikita kong maglalakad sa hallway na kasabay ko, ginagawa kong alipin.. kaya ang ending nagpo-force quit sila..
EVANA's Pov
Im Arianna Denise Alverstone.. 16 years old.. Napaka ganda ko, napaka sexy, napaka talino, napaka yaman.. Hehe Joke lang yun.. isa po kong nerd.. ang ganda ng name ko no? Di ko po yan name.. Evana Clarrise Lopez po ang tunay kong name.. at yung unang name na pinakilala ko, ay ang pinaka sikat ngayon sa campus na babaeng bagong transfer.. sobrang ganda nya at sexy.. yun nga lang, medyo lampa.. nakita ko kase syang natapilok.. muntik na nga syang madapa ehh buti walang tao nun.. hehe sana maging close ko sya..
"Eva! Sabay na tayo pumasok.." Napatingin ako sa tumawag sakin.. isa lang naman ang tumatawag sakin sa nickname na yun.. at sya rin ang nagimbento ng tawag na yun sakin..
"Okay Luc.. tara na.."
Lucas's Pov
Sabay kaming naglalakad ni Eva.. Kada umaga ang sobrang ganda nya.. sa tanghali ang ganda ganda nya.. sa hapon napaka ganda nya parin..
Anyways, Im Lucas Hansford.. 16, 4th year student.. may banda ako sa Campus at isa ako sa mga campus crush.. Pinsan ko nga pala si Ethan..
Arianna's Pov
Hays!! Ang malas malas naman ng araw na to! Kainis yung shoes ko nasira na naman..
"Hi miss, okay ka lang?" Tumingala ako sa lalaking kaharap ko.. tatlo pala sila.. mga mukhang chaka..
"Oo okay lang ako.." sagot ko..
"Diba ikaw yung kilalang new transfer dito? Ikaw si Arianna.. tama ba?" Sabi nung isa pang chaka.. hmm? Kilala na ko dito? Ambilis naman kakapasok ko nga lang ehh..
"Sorry mga kuya pero di ko alam ang sinasabi nyo.. sige una na ko..." akala ko hahayaan nila kong makaalis pero bigla nila kong hinawakan sa braso.. tinangka kong alisin yung kapit nila pero nasasaktan lang ako..
"Ano ba?! Malelate na ko kelangan ko ng umalis!" Abang pinipilit kong kumawala may dalawang lalaki naman ang biglang dumating at pinagbubugbog nila yung mga lalaki..
"Alam nyo na kung saan ang kalalagyan ninyo!" Sigaw nung lalaking maangas pero mukhang mabait..
"Miss, okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" Lumuhod yung lalaki sa harap ko habang ako naman dahil sa pagpupumiglas ko kanina nung binitawan ako tumalsik ako.. tsk ang gaan ko kase.
"Ah-eh.. oo ayos lang ako.. salamat sa inyo.." nginitian ko silang dalawa pero yung isa mukhang masungit..
"Anyway, Im Ethan, and his Xyber.. and you?" Ahh so Ethan pala Name nya.. nice bagay kase ang amo ng mukha nya..
"Ahm, Im.. Arianna.." Nakipag shake hands sya sakin at inalalayan akong tumayo..
"Dont worry, ligtas naman dito sa Campus eh sadyang may mga nakakalusot lang na bullies.. tsaka, anong ginagawa mo dito dapat nasa room ka na ahh? Start of Class na.." sabi nya habang nakatingin sa relo.. wow ang cute nya..
"Nasira kase yung sapatos ko tsaka papunta na talaga ko sa room kaso nga lang yung mga lalaki kanina.." tumingin sya sa paa ko.. nakita nya yung left shoe ko na wala ng heels.. mababa lang naman yun kaya di ko alam kung bakit natanggal pa!
"May mga extra shoes sa PR.. halika papahiramin kita.." Hinawakan nya yung kamay ko at hinila na ko kaso nakatapak ako ng tinik.. letche kinikilig na ko ehh! Panira..
"Aww!" Napaupo ulit ako sa damuhan sa sobrang sakit..
"Nagdudugo na.. halika.. sumakay ka sa likod ko.." lumuhod sya patalikod sakin.. piggy back ride ba sinasabi nya?
"Come on dude, late na tayo.." Inis na sabi nung kasama nyang mukhang masungit..
"Tsk, anong gatas ang ininom mo at nag aalala kang malate?" Natatawang sabi ni Ethan kay Xyber..
"Tsk! mauna na ko sayo.." Tapos parang naglaho syang parang bula..
"Pabayaan mo na sya.. sakay na.." sumakay na ko sa likod nya..
Yung PR pala na sinasabi nya ay Private Room.. nakakahiya nga dahil nalaman kong pamilya nya ang nagmamay ari ng school tapos nagawa kong sumakay sa likod nya..
"Ahm, Ethan, sadya na bang masungit si Xyber?" ngumiti muna sya bago sumagot..
"Nah.. ang totoo nyan, mabait talaga sya.. medyo, di lang marunong ng tamang manners.. pero pagnakilala mo sya, dun mo makikita ugali nya.." tumango tango nalang ako..
Nakarating kami sa PR nya at ang laki! Kasing laki ng kwarto ko sa mansion ni Daddy sa LA..
"Wow.." bulong ko nung maibaba nya ko sa sofa habang nakatingin sa mga mwebles..
"Kukuha muna ko ng first aid para dyan sa paa mo.."
"sige Ethan.. salamat.." nginitian nya ko bago umalis..
"*KRIIINGG!! KRIIINGG!!*" Nagutla ako sa biglang pagtunog ng cellphone ko..
Tinignan ko kung sino yung natawag.. Unknown number..
"Hello? Sino po sila?"
"Di ka parin nagbabago.. napaka lampa mo parin Yana.." Biglang naghalo halo ang emosyon sa dibdib ko.. si Xyv!! Tumawag si Xyv!!
"H-hello~~*toot.toot*" Biglang namatay yung tawag.. aysh wala pa naman akong load..
"Sinong kausap mo?" Tanong ni Ethan..
"Ahm, unknown.. hehe.." Ginamot nya na yung sugat ko.. tapos pinapili nya ko ng sapatos..
"Grabe ang gaganda.. sigurado ka bang PR mo to? Baka kase babae ang may ari nito tapos nanguha tayo.." nag aalala kong sabi sakanya..
"Dont worry, yung mga sapatos na yan sa young sister ko yan.. dito nya pinalagay kase di na kasya sa PR nya.." so ibig sabihin pati yung bunso nyang kapatid may PR?
"Baka magalit sya.."
"Di yan.. mabait yun.." pumili na ko.. hayss first day ko pa naman pero may isang klase na kong nalagpasan.. malas..
"Late na tayo ng 45 minutes, may 15 minutes pa.. tara sa canteen.. Treat mo ko.." diba mayaman sya? Dapat sya manlibre sakin..
"Okay.. total tinulungan mo ko, ako na bahala sa foods natin today!" Masaya kong sabi..
"Sige ba! Sama na natin si Xy~…" napahinto ako at napatingin sa kanya kahit nakatalikod..
sinong Xy?? Si Xyv?? O baka naman si Xyber yun?
"Hey! May problema ba? Masakit ba ulit yung paa mo?" Lumapit si Ethan sakin ng may pagaalala..
"Ahh! Wala ito! Tara na.." pinilit kong alisin sa isip ko yung Xy na sinabi nya habang magkasama kami..
*****------------
HI GUYS!!
Yung pronunciation ng Xyber ay Sayber.. yung Xyv naman ay Say-vi.. yan para walang malito..
Salamat sana tuloy nyo pagbabasa!

BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionEveryone wishing for a real Time Machine.. A machine that can help you to change what you did wrong from the past, and the machine can help you to be with someone special from you again.. But there has a limit.. You don't know what will happen if yo...