Chapter Six

1 0 0
                                    

Chapter Six: The Drug Addict

"Hey wait sandali lang, let me take you to your home!" pagpupumigil niya

"Salamat nalang!!" agad akung bumababa sa staircase nila, nagsitinginan sakin ang mga maids nila na parang ngayun lang sila nakakakita ng artista.

Pagbukas ko ng pinto, sinalubong kaagad ako ng 3 aso, kahit na takot ako ay ipinagpatuloy ko lang ang pagtakbo hanggang sa paglabas ko ng gate, exakto namang may humintong taxi sa labas nila kaya nakasakay ako kaagad.

Mabilis akung pumasok sa studio at nanghiram ng damit kay Lynn para may mabihis ako, amoy alak pa kasi ang damit ko.

"Huy Juv, bilisan mo, 55 minutes nalang On Air na ang program mo. Saan ka kasi nagpupunta?! tanong sakin ni Lynn

"Long story, Bhestie", tinungo ko kaagada ang Restroom at nagmukha akung robot sa bilis ng paga-ayus. Kasalan kasi ito nung mukong, hindi man lamg ako ginising.

[Time's Up]

"And we are ON AIR in one, two and three"

Good aftie, lalabs and bebi ko, nakatutok na naman kaya sa radyo ano?, winiwish niyung sana tv nalang yan para makita niyo ang perfectly disaster kung mukha, hhahahah...

Welcome back po uli sa HOPIA, ang bagong and trending na program sa radyo. We would like to thank all our listeners dahil trending tayo kahapun.

Okay para di na kayo mainip, simulan na natin ang ikakawang stotyang handig sa atin ng HOPIA, at ito ay pinamagatang

"THE DRUG ADDICT, ADDICT SA DRUGS"

--------

Nagsimula ang storyang ito, sa isang binatang, nafall in love at naging foul in love, drugs ang naging sagot niya rito pero tama ba ito?

"Joemar!!!!Buksan mo tong pinto" sigaw ni Nay Maria, na patuloy parin sa pagkatok sa pintuan ng bahay ni Joemar, na parang martilyung hindi napapagod sa kakapukpok.

"Ano ba 'yan, kay agaaga, boses nanaman ni Nay Maria nanaman ang pumupukaw sa mahimbing kung tulog" agad na bumangon si Joemar sa kanyang higaan at pinagbuksan ng pinto ang Nay Mariang naghihintay

"Ano pong meron, Nay Maria"tanong ng binata

" Ay nagising ba kita Jojo, ay nako anak sorry, ito na pala kasi yung pinalabhan mo sa'kin"

"Ah....ganon po ba, sorry po kung pinaghinatay ko po kayo" paumanhin ni Joemar habang kinukuha ang mga damit na pinalabhan.

"Sige Anak, aalis na ako at pupunta pa ko sa palengki, kabilin-bilinan ng papa mo na bilhan daw kita ng mga gulay, para hindi ka raw mangayayat"

"Ah sige po salamat" sabay pasok sa loob ng kaniyang kwarto.

--------

Si Joemar ay isang half-japanese na kasulukuyang nag-aaral sa Ataneo, Hapon ang kaniyang ama at Pilipina ang kaniyang ina ngunit bata pa siya ng sila'y iwan nito. Simula ng pumanaw ang kaniyang ina ay si Nay Maria na ang nag-alaga sa kaniya habang ang amang hapon ay nanatili sa Japan upang asikasuhin ang kompanya. Isang beses lang kada taon kung umuwi ito sa Pinas kaya wagas kung magpadala sa naiwang anak. Nasanay narin si Joemar kaya di na siya nangungulila.

--------

"Babe, hintayin mo ako" sigaw ng isang dalaga na kanina pa sugod ng sugod kay Joemar

"Jonna Ano ba?" tanong ni Joemar

"Anong ano ba? Kanina pa kita tinatawag pero kanina mo parin ako dinededma, Babe, is something wrong?" tanong ni Joemar

"Okay...yes, there's something wrong, bakit ka nakikipag-usap kay Ariel, di ba alam mo namang may gusto sayo ang mukong na'yun and why aren't you answering my calls" sabay talikud

"Babe sorry na, my phone was confiscated by my dad last night, kaya di ko ma-answer calls mo, sorry na bae, bati na tayo" rason ng dalaga

Matapos sabihin ni Jonna ang rason ay agad siyang yinakap ni Joemar, nangangahulugang bati na sila.

"Sureness?" tanong ni Jonna

"Oo" simpleng sagot ni Joemar

----------

3 days after........

"SanA magustuhan ni Babe tong gift ko sa kanya, ang bilis talaga ng oras, 4th monthsary na namin ngayun. Pagnagmamahal nga naman"

Agad naman siyang sinalubong ng kaniyang kaibigan na si Michael Ishii, "Pre, bakit mukhang hinihingal ka?" tanong ni Joemar

"Pre wag ka sanang mabibigla" tugon ng kaibigan, halata sa mukha nito ang pagaalala

"Ano yun pre....may nangyari ba kay Jonna?" tanong ng binata

"Oo" maikiling sagot ni Michael

"Nabangga ba si Jonna?, Pupuntahan ko siya hali ka samahan mo'ko" nagaalalang sambit ni Joemar

"Huh?!....Anong pinag....sasabi mo?... Dude... ang... OA mo, pero.......honestly mabibigla ka....talaga sa sasabihin ko...." sabi ni Michael habang hinihingal, kaya inalalayan siya umupo ng kaibigan sa malapit na bench.

"Ganito kasi yun....Habang naglalakad ako sa loob ng basketbal court, syempre alams na, naghahanap ng Pokémon, may nakita akung Jiggly malapit sa comfort room, kaya sinubukan kung dakpin, jackpot kasi walang tao sa buong court, eksakto rin naiihi ako kay pumasok ako sa comfort room....." Hindi na niya natuloy ang nangyari kasi agad siyang sinabihan ni joemar ng "Just get to the point"

"Okay sige na...so ayun..eksaktong pagpasok ko, may nakita akung Pikachu, another jackpot, kaya kajit naiihi ako, ay sinubukan kung pigilan ito, tapos.....may narinig akung kaluskos sa pinakahuling comfort room, kaya linapitan ko, syempre curious lang, pasilip sana akung titingin pero natigilan ako ng may marinig akung boses, boses ni Mr. Ahma"

"Boses ni Ariel!!!Tapos anung sunod na nangyari?" tanong ni Joemar, biglang nabuo sa isip niya na baka may nangyari sa kay Ariel at sa kasintahan....

"Para makasiguro.....binuksan ko ang camera ng phone ko tapos, pasilip kung itinutok sa maliit na espasyo na pagkakabukas ng pinto, at bad timing, nakalimutan kung i-off ang flash kaya mabilis akung lumabas sa comfort room, paharurot sa pagtakbo palabas ng court at dumiretso sa kabilang comfort room malapit sa canteen, tiningnan ko ang captured photos, yung una ay medyo malabo at di naaaninag ang itsura ng tao pero sa ikalawang photo ay nakita kung......" Biglang bumaba ang tingin niya at malungkot na sinabing,"Nakita ko si Ariel at Jonna naghahalikan" kinuha rin niya ang phone niya at sinend ang larawan kay Joemar, Tiningnan kaagad ni Joemar ang larawan at halos hindi rin siya makapaniwala at makakibo sa nakita, nagmala istatwa ang dating niya, nabitawan rin ang regalo na para sa kasintahan na naglalaman ng isang kuwentas, sa pagbagsak ng regalo bumukas ang pendant ng kuwentas at sa loob nito ay larawan ni Joemar at Jonna. Nanlumo ang binata habang di namamalayang bumubuhos na ang kaniyang mga luha, "Sorry bro, hindi ko na sana sasabihin sayo kasi ayukong masaktan ka pero di rin kaya ng konsensiya ko", " wala kang kasalanan Michael, salamat nga pala at aga mong sinabi sa'kin" nanginginig na pagkasabi ni Joemar, kasabay ng pagbuhos ng kanyang luha ay ang pagbuhos rin ng malakas na ulan, inalalayan siya ng kaibigan papunta sa kotse nito at hinatid narin sa apartment.

---------------------------------------------------


HOPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon