PROLOGUE.

239 0 0
                                    

March 1st.

Nasa harapan ako ngayon ng gate ng isang bus terminal. Bitbit-bitbit ang tatlong bag. Isang pink na maleta, isang yellow bag pack at isang leather shoulder bag na bigay lang saken. 

Start na ng summer kaya medyo marami narin ang tao dito sa terminal. At ako? Ano naman ang ginagawa ko dito? Sabihin na lang naten na nandito ako para magbakasyon din tulad ng marami. Ang pagkakaiba lang, ung saken ay with a twist. Dahil ang bakasyon ay hindi lang simpleng outing o relaxation. Ang bakasyon ko. Ay isang bakasyon na may misyon. Sa english, A vacation with a mission.

Mission. Parang Mission Impossible ni Tom Cruise. Parang gaming missions sa mga rpg games. Pati na rin yung Mission Statement sa isang company o isang organization parang ganun na rin. Basta Mission. Misyon Period. Kailangan ko pa ba talagang iexplain. Pakisearch na lang sa google yung meaning.

At ano naman ang misyon ng isang lokalokang babaeng tulad ko. 

Ang misyon ko?

Hmm. Simple lang. Ang misyon ko lang naman ay hanapin si True Love. TL. Tunay na Pag-ibig. Wagas na Pagmamahal. Ano pa bang pwedeng itawag dun? Basta. True Love. Sounds crazy no? Hindi niya kasi ako mahanap hanap eh. Kaya ako na lang ang maghahanap sa kanya. Sabi nga mga friends ko nababaliw na ako, mahirap daw kasi yun, lalo na pag hindi mo alam kung ano talaga ang hinahanap mo. Pero ako. naniniwala akong sa kasabihang if there's a will, there's a way. Pano ko mahahanap kung hindi ko hahanapin..

Ang true love kasi napakailap. Ang tagal dumating. 24 years na kaya akong naghihintay. 24 years na naghahanda sa pagdating niya. Pero hanggang ngayon wala pa rin. Zero parin ang lovelife ko. Single. No boyfriend. Matandang dalaga. NBSB. Manang. Tigang. Ano pa bang pwedeng ibigay na title saken. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano talaga ang true love? Kung ano ang feelings, pakiramdam ng nagmamahal o minamahal? Ang alam ko lang ay ang literal na meaning nito na mababasa mo sa mga libro, kay google. o sa mga dialogues na maririnig o mapapanood mo sa mga teleserye, koreanovela, jdorama, o anime. Isama na rin naten yung mga pinagsasabi ni Papa jack. Joe D Mango, o kaya kay Papa Dan.  Ayun lang ang alam ko sa true love. 

Kaya nga dumating ako sa desisyong ito.

Iiwan ko ang lahat. Nagresign ako sa trabaho. Iniwan ko ang bahay na minana ko sa mga magulang ko. Iniwan ko ang facebook, tumbler, ska twitter. Pati ang cute kong shihtzu na si cutie, pinaubuya ko muna dun sa friend ko. Ika nga, i left everything behind. Para lang mahanap ang true love na yan.

I will search for love. 

I will search for love for 100 days before i turn 25.

Bakit 100 days? Wala namang special sa 100 days. Wala naman din kasi akong magagawa eh. 100 days na lang kasi ang natitirang araw bago ako mag 25. Kahit gusto kong pahabain wala na akong magagawa. Aaah!!!! 25. Ayokong umabot sa edad na yon na hindi man lang nararanasan ang mafall in love. Ayoko. Baka mamaya tuluyan na akong maging NBSB forever. (knock on wood)

So i decided.

If love can't find me. I will find love.

San ba dito yung bus number 2?  Ayun. Nakita ko nasa bandang gilid ng stasyon. Maaga pa pero sasakay na rin ako.

<Ring...Ring...Ring> Phone ko yun. Hay nako, nakalimutan kong ioff yung cellphone ko. Tsss. Isa pa naman sa protocol ko, no cellphone during mission. Istorbo lang eh. Basta last na to ha. After this, off na talaga ang phone ko.

"Hello, B2."tawag ko kay Grace na bestfriend ko. Ako si B1(Bestfriend #1) sya naman si B2 (Bestfriend #2).  Uso kasi nun sina Bananas in Pajamas. Kaya kahit korny, carry lang, nakasanayan na eh. Saka nakakatamad nang palitan.

 {B1, nasa istayon ka na ba.]

"Pasakay na nga ako eh." Kung hindi ka lang istorbo. hehe. Medyo mean ang side comment ko sa kanya pero love ko tong bestfrend ko.

[HIndi ka na ba mapipigilan? Medyo delekado kasi yang gagawin mo. Mag-isa ka lang tapos malayo pa yung pupuntuhan mo. Sure ka na ba.]

"Dont worry B2. Alam mo naman strong tong kaibigan mo. Kaya relax-relax. Everything will be ok. Saka diba yung place naman na pagstastayan ko ay sa inyo. Ikaw na nga ang nagsabing safe dun. Saka for ilang days lang naman."

[Ilang days? 100 days kaya yun. Pero...Haaaay. Mukhang di na talaga kita mapipigil. May dala ka bang gamot. Yung bonamine mo. Yung biogesic. Yung diatabs.]

"Bestfriend ba kita o nanay."

[Alam mo naman na nang nawala yung mga magulang mo, tinuring na naten ang isa't isang magkapatid. Diba tuwing nagkakasakit ka...] Tsss. Ayan na naman siya magstastart na naman magdrama. Two years lang naman mula nang mamatay ang both parents ko dahil sa isang accident. Kung di ko lang love tong bestfriend ko. Binatukan ko na to sa phone. 

"Miss. Pwedeng magtanong kung anong oras na?" may nagtanong saken habang hinahayaan kong magdrama si B2 sa phone. 

"Ahmm."tumingin ako sa relos ko."mga quarter to 5."

"Mabuti naman hindi pa late."napatingin ako sa nagtanong. 

Bumungad saken ang killer smile ng lalakeng iyon. Ang GWAPO!!! 

"Thank you miss."

 "Ahmm. Eh.. Ano...Ahmm."kainis bakit ba pautal-utal ako. Kaya bago pa ako makapag your welcome. Umalis na yung poging lalake.

 Hindi kaya siya ang lalakeng ito ang nakatadhana para saken. Weeeee...

Sinundan ko ng tingin ang paglalakad ng lalakeng iyon. 

Sana bus no. 2. Sana bus no. 2. Sige na Lord. Pasakayin mo siya ng bus no. 2. Hoy pogi sumakay ka ng bus no. 2. Pleeeeeease.

Hoy. Hoy. Wag dyan sa bus no. 3 pangit dyan. Sira-sira ang upuan dyan. Sa bus no. 2 malakas ang aircon. Hindi pa ako nakakasakay ramdam ko na ang lamig. Hehe.

Lumiko siya. Yes. Tapos nagstop. Ano ba? Pasuspense pa. Hanggang sa.

AYUN. Sakto. Sumakay siya sa Bus no. 2. YAHOOOO!!!!

Thank You Lord. THIS IS IT! THIS IS REALLY IS IT IS IT. This is the sign. 

"B2. Aalis na yung bus. Sige. Bye."pagputol ko dun sa phone kahit di pa tapos sa pagdradrama ang bestfrend ko. Ok lang yun. Maiintindihan naman ako ng kaibigan ko. Ngunit ang true love mahirap baliwalain lalo nat nasa harapan mo na.

True Love Here I Come!!!!!

100 days with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon