Unang hinanap ng mga mata ko ay ang upuan ni Mr. Killer Smile. HIndi ko pa kasi alam kung anong name niya kaya binigyan ko muna siya ng isang nickname. Diba ang sweet. Hihi. Nickname pa lang kinikilig na ako. Madali lang naman siguro siyang hanapin dito dahil sa pogi nyang yun Im sure standout ang poginess niya among sa mga pasaherong nandito sa bus.
At hindi nga ako nagkamali, kaagad kong naispatan ang gwapo niyang mukha na nakadungaw sa may bintana. Nasa bandang gitna siya sa kanan ko at mukhang wala siyang katabi. Ayos to, bakante. Pwede akong tumabi sa kanya.
Nagulat ako ng biglang napatingin siya sa direksyon ko. Napatingin tuloy ako sa iba ng di oras. "Nasan na ba yung upuan ko." Pasimple kong lusot.
Napansin kaya niyang nakatingin ako sa kanya. Shock. Nakakahiya. Baka isipin niyang stalker ako. Para makaiwas sa suspetsa nagkunwa-kunwari akong naghahanap ng upuan. Pero ang totoo isa lang naman ang gusto kong upuan at iyon ay sa tabi niya. Weeee.
Sa pagkukunwari, napansin ko na wala pa ring nakaupo sa kahelerang katapat ng upuan ni KS (short for killer smile). Swerte. Bakante. Ayos to. Aisle lang ang pagitan namen.
With poise akong umupo sa pwestong yun. Pacute ng kaunti. Baka kasi mapatingin ulit siya sa aken, at least camera ready ang beauty ko.
Nang nakaupo na ako saka ko lang naisip na baka reserve seat itong naupuan ko at baka mamaya may umangkin. Malamang may umangkin, halos lahat kasi ng upuan dito reserved na. Ako nga seat no. 24 ang napareserve ko. But for now wala pang nagrereact sa pag-upo ko. Kaya so far so good. Sana nga wala nang umupo dito. Sana nagbackout na siya at hindi na sumakay. Sana sumakit ang tiyan niya at bukas na lang magbakasyon. Joke lang. Hindi naman ako ganun kabad mag-isip. Sa ngayon wala pa namang gustong umupo dito besides saken. I'll cross the bridge na lang when i get there.
pasulyap-Sulyap Ka't Kunwari'y
patingin-Tingin Sa Akin
di Maintindihan Ang Ibig Mong Sabihin
kung Mayro'ng Pag-Ibig Ay
ipagtapat Mo Na Sa Akin
agad Naman Kitang Sasagutin
Lihim kong kinakanta ang walang kamatayang song ni Tootsie Guevarra habang pasimpleng sinusulyapan ang gwapong mukha ng kahilera kong pasahero. Ang lakas makahighschool ang ginagawa ko. Yung parang may secret crush ako sa campus crush ng school ko at dahil sa hindi ko masabi sabi ang nararamdaman ko, hanggang tingin lang ako. Waaaah. Kiligers. Highschool na highschool lang. Ito na kaya ang tinatawag nilang love at first sight.
Nagsimula ng magsakayan ang iba pang pasahero. As of now, wala pa ring umaangkin ng seat ko. Kaya lang naantok na ako. Iglip muna ako.
----------
"Miss..."
"Miss..."
"Miss.."
Haaaa. May tumatawag ba saken? Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
"Miss. Excuse me. Dyan kasi ako nakaupo." bumungad sa akin ang nakakatakot na mukha ng isang sanggano na may hikaw pa sa ilong.
"Ha?" tanong ko sa kanya habang kinukusot ang mga mata ko. Ilang minuto ba ako nakatulog.
"Miss. Bingi ka ba? Sabi ko dyan ako nakaupo."biglang lumaki ang butas ng ilong niya.
Waah. Nakakatakot. "Sorry. Sorry." kaagad akong napatayo hanggang sa
*toink*
Napauntog ako nang di oras sa baggage rack. "Aaaraaay. Ang sakit."
"OK ka lang miss."
BINABASA MO ANG
100 days with you
HumorCassandra's plan for summer is to spend her 100 days searching for true love. But how will she find love if she's going to be stuck with an arrogant boy who knows nothing but making her summer miserable by making her a house slave for 100 days.