Continuation...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Samer's POV
Nandito ako ngayon kung saan madalas akong pumunta tuwing vacant na, pero this time wala na kong klase na dapat pasukan.
Kaso ayoko pang umuwi kaya dumiretso ako dito.
Nakapagtataka kasi wala siya. Ugh. This is what I am talking about.
Naaalangan akong wala siya dito kasi sinanay niya ako.
Hay, nasaan na kaya 'yon?
Habang naghihintay... yes, I'm waiting.
Isinaksak ko sa tenga ang earphone ko at nakinig ng music. Eto 'yung pang-relax ko, music. Yumuko ako habang nakikinig hanggang sa...
Nagulat nalang ako na may pumatak na tubig sa braso ko.
Napagising tuloy ako. Wala na palang mga tao, sabagay. Madilim na kasi. Pagabi na.
Tumingin ako sa orasan ko, it's already 5:15 pm. 2:30 pa ko nandito.
Nagpunta kaya siya? Nakatulog na pala ako kakahintay sakanya.
Pero kung nagpunta siya malamang ginising na ako no'n. So, ibigsabihn hindi siya nagpunta. Ano kaya nangyare do'n?
Tumayo ako, at naglakad.
Basang basa ako dahil wala naman akong payong, kesa mag-commute at pagtinginan ako ng mukha akong basang sisiw, naglakad nalang ako.
Pagdating ko sa bahay. Agad agad akong pumunta sa kwarto ko para maligo at magbihis para di ako magkasakit.
Tinawag lang ako nila Mommy nung kakain na, pagkatapos noon nagpunta ulit ako sa kwarto para magpahinga. Hindi na ako lumabas do'n.
One week passed...
Habang nagbabasa ng libro sa tambayan ko...
"Hello Samer." Masayang sabi sakin nitong babae na 'to.
Aw. Namiss ko siya, isang linggo na din ang nakalipas tapos ngayon lang siya nagpakita.
Tinitigan ko siya, parang may iba sakanya. Medyo maputla 'yung labi niya tsaka parang kakaiba 'yung itsura niya.
"May sakit ka ba?" Tanong ko sakanya. 'Yung boses na kasing lakas ng boses ng taong normal na nakikipag-usap.
Ngumiti lang siya sa'kin. A genuine smile.
"N-namiss kita." Sabi ko almost stammering, pero kasing lakas pa din ng kanina.
I realized to talk to her in this way, para naman hindi niya ako tinatawanan whenever she doesn't hear what I say.
"Talaga?! Omaygaddd! Hahaha. I miss you too, Samer." And now, she's back at herself.
I miss her laugh, tho.
"Sorry, may inasikaso lang ako nung nakaraang linggo kaya hindi kita napupuntahan dito." Sabi niya.
"Okay lang, atleast nandito ka na."
She smiled and lumapit siya sakin. She gave me a tight and warm hug. I hug her back.
Although hindi ko masyadong nafeel 'yon, alam kong namiss niya talaga ako dahil kita sa ekspresyon niya na binigyan niya ako ng isang mahigpit at mainit na yakap.
Pero bakit hindi ko nafeel? Manhid na ba ko? O siguro dahil matagal ng walang gumagawa no'n sakin?
"Buti nalang pala, dito ang favorite spot mo no? Hindi matao. Tago."
YOU ARE READING
This Angel
Short Story"Why I always have this one? When I know to myself that I doesn't deserve it?"-Sam Erica Pontevedra