My JOB

41 5 0
                                    


Coleen's POV


"Hayyst ba't ang tagal, inaantok na  ako" inip na inip na sabi ko sa sarili dahil halos labinlimang minuto na ang nakalipas, eh waka pa ang inaabangan namin. Tsk. ganun ako ka mainipin lalo na pag kulang ako sa tulog. limang oras, oo limang oras  lang ang tulog ko dahil inumaga ako sa paghahanap ng impormasyon ng mga taong pumatay nga magulang ko.


"Eh di matulog ka muna, gisingin nalang kita pag andyan na inaabangan natin. Hahaha" si Blake partner ko.


Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin, gago to lalo niyang pinainit ang ulo ko. Alam ko naman kung paano niya ako gigisingin eh, paaandarin niya ang sasakyan tapos pag nakabwelo na aapakan nalang basta-basta ang brake. Oh! Diba ang harsh, mauntog ka ba naman.


Babatukan ko sana siya ng agad siyang makalayo. "Whoa! Joke lang, ito naman" sabi niya habang nakataas ang kamay.


Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan, na nakapark sa gilid ng kalsada. Hinihintay na dumating ang taong huhulihin namin. Narinig ko na nag ring ang phone ko kaya sinagot ko agad. Si Tany pala, may nag lagay kasi ng device sa sasakyan nung target namin kaya agad itong na trace kung saan.


"Hey! White stay put lang kayo jan ha. Paparating na ang target jan sa location niyo after 5 min." And yes ako si Agent White, yan ang tawag nila sa akin short for White Demon, di ko alam bakit yan ang tawag nila sa akin eh, malamang dahil mabait  ako sa personal kong description but sa kanila? Naku ewan!

 Althea Coleen Peterson yan ang tunay kung pangalan, pero nung mapunta ako kila Papa pinabago ko ang pangalan ko kasi alam ko na hahanapin ako ng mga taong gusto kaming patayin. Ako na ngayon si Coleen Hobert, di ko na pinabago ang second name ko, kasi yun ang gusto ko. Period.


"Copy that"


"Ready?" tanong ni Blake kaya nginitian ko lang siya. Pumunta na ako sa gitna nang kalsada tsaka umupo duon, indian sit. Pagtingin ko kay Blake naiiling lang. Tsk. Bakit ba?, eh di ko type ang pag tayo eh. Dahil nakapwesto kami sa bungad ng pagliko ng kalsada medyo may distansya nga lang, ay hindi talaga malalaman ng paparating kung may nag-aabang sa kanila. Napangiti ako ng may narinig na akong sasakyan, malayo narin ito sa lungsod kaya wala masyadong sasakyan.


At di nagtagal ay nakita ko na ang sasakyan, halatang nagulat ang nagmamaneho nito pero tinuloy parin niya ang pagmamaneho papunta sa akin. Malayo pa naman kaya nag ready na ako, at ng nakita kung nag labas ito ng baril ay agad ko siyang pinaputukan at pati na ang gulong ng sasakyan. Kaya dahilan para gumewang ito at bumangga sa malaking bato.


"Tsk kala mo mauunahan mo ako" sambit ko sa sarili tapos iiling-iling na tumayo sabay pagpag ng pants ko. Si Blake naman agad na pumunta sa kotse upang i-check. At sumunod narin ako.


"Bumaba ka jan"utos ni Blake sa lalaking target namin. Sa balikat lang pala natamaan, mabuti naman at hindi napuruhan dahil pwede pa namin siyang mapakinabangan. Bumaba naman ang lalaki at akmang susuntukin na niya si Blake pero agad naman niya napigilan ang braso nito tsaka inikot at nilagay sa likod sabay kabit ng posas. Hayyst nanglaban pa talaga.

The Fiendish TwinWhere stories live. Discover now