Pagbabalik Tanaw

24 3 0
                                    


Coleen's POV (White)

"Baby Coleen, aalis ka?" tanong ni Mama habang nakaupo sa couch at nanonood ng tv.

"Opo, papahangin lang sa labas" matipid na sagot ko, habang isinusuot ang jacket ko.

"Uwi ka ha, hahanapin ka ng Papa mo. Papauwi na yun"

"Sige Ma" humalik muna ako sa pisngi niya para magpaalam.

Papasok na ako sa sasakyan ko ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Kaya luminga-linga ako, ngunit wala namang tao.

Kaya pumasok nalang ako sa sasakyan at saka pinaharurot.

Lagi ko namang naramdaman na may nakatingin sa akin, pero di parin ako nasanay. Simula high school, hanggang college pati ang pagpunta ko sa Japan, parang laging may sumusunod sa akin.

Weird pero hinayaan ko nalang.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa lugar na palagi kong pinupuntahan tuwing na namimiss ko sila, ang tunay kong pamilya.

Alam ko na maswerte pa rin ako na kahit nawalan man ako ng mga mahal sa buhay ay may pumalit naman sa kanila at itinuring akong tunay nilang kapamilya.

Pero di ko maiwasang hanapin ang presensya ng totoo kong pamilya. Hindi naman nagkulang  sa pagmamahal na binigay sila Mama at Papa sa akin. Actually sobra-sobra pa nga, pero iba pa rin yung sayang nararamdaman mo sa tunay mong magulang at kapatid. Pangungulila yun ang tamang tawag sa nararamdaman ko ngayon.

Bumaba na ako ng at pumunta sa trunk ng kotse at kinuha ang dala kong kumot.

Pumunta na ako sa may damuhan sa ilalim ng isang puno ng mangga at inilatag ang kumot na dala ko tsaka humiga duon.

Wala nang tao ngayon dito, lagpas alas Diyes na kasi ng gabi kaya tahimik  na ang paligid.

Lagi kong hinahanap ang ganito katahimikang ito, yung tanging ingay lang na maririnig mo ay  ang mga dahon sa tuwing nahihipan ng hangin

Napapakalma ako sa tuwing nararamdaman ko ang ganito kalamig na hangin  na tila  humahaplos sa pisngi ko.

 Kasalukuyang nasa parke ako. Sa ganitong lugar  kasi kami madalas pumupunta ng pamilya ko sa tuwing mag bo-bonding kami. Mas gusto kasi namin ni Twinkle na  sumakay sa swing at sila Mom and Dad ang mag duduyan sa amin. Mahilig din kaming maghabulan tatlo nila Dad kaya lagi kaming pawisan.

Ang saya lang ng mga alaala nuon, ang sarap balikan.

Alam ko na hindi na ulit mangyayari iyon kaya nagkasya nalang akong alalahanin ang bawat masasayang alaala ng nakaraan.

HIndi ito ang actual na lugar kung saan kami gumagala noon. Pero kapag nakakita ako ng parke ay masaya kong binabalikan ang mga alaalang kanilang iniwan.

Tumingala ako at pinagmasdan ang napakadaming bituin na kumikislap. Ang ganda nilang pagmasdan, parang ang saya nilang lahat habang kumikislap at tila hinihikyat ka rin nilang maging masaya katulad ng sayang nararamdaman nila. Napakaganda nga ng mga bituin sa langit, pero kahit anong ganda nila hanggang tingin lang tayo. Parang buhay ang daming nating pangarap maganda, masaya, pero minsan hindi natin nahahawakan o nararanasan, madalas nakikita lang natin sa iba ang mga pangarap natin, hindi naabot. Ngunit hindi tayo tumitigil makamtan lamang ito. Pero para saan pa ang lahat ng pag pupursige ko kung wala na sila?

Kung hindi lang sana nangyari ang araw na iyon. Eh di sana ganyan din ako kasaya. Tumulo na naman ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan gamit ang kamay ko.

The Fiendish TwinWhere stories live. Discover now