baliktanaw

29K 954 47
                                    


Pawis, dumi at pagod,

mula sa maghapong pagkayod;

Para sa pagkain at salapi,

na minsa'y mumunti;

Hindi inakalang ganito ang hirap,

para sa aking mga pangarap;

Tila gusto kong muling sulyapan,

ang aking kabataan.


Laro, kain, tulog,

luho ay laging nakahandog;

Simpleng kasiyahan sa daan,

at mababaw na awayan;

Kay sarap maging bata,

ngayong ako'y tumatanda;

Ngayo'y hanggang alaala na lamang,

ang tila kahapong nagdaan.


***

Taludtod (Katipunan ng mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon