1ST DAY: Where the magic started
KYLE'S POV
One of the most memorable moments I have is when she smiled at me. I didn't expect na sa ganitong paraan ko sya mapapasmile. Pano ba naman kasi. Nilibre ko na nga sya ng pass dito sa EK, sinundo ko pa sya, ipinaalam ko pa sya ng maayos. Tapos sa kaduwagan ko lang sya magiging masaya? Anong klaseng tao to, napaka mean. Pero hindi ko maexplain kung bakit ang gaan ng feeling ko sa kanya, knowing na ang mean nya sa akin.
"Yieeeey! Turn na natin after that round!" She seemed so excited. Siguro matagal nyang hindi naramdaman yung ganito. Thanks to me. Hahaha ang kapal ng mukha ko.
"Yay! Turn na natin!" Nako kinakabahan ako. Umiikot na ang sikmura ko. Grabe talaga. Kung hindi lang sya siguro di ako pumayag sumakay dito.
At sumakay na nga kami sa Space Shuttle. Nagstart na umandar itong coaster at nasusuka na ako, seryoso.
"Gusto ko na bumaba!!!! Pababain nyo ako!!!!!!!!!!!" Hindi ko na talaga kaya! Please ayoko na dito parang awa nyo na!!!!!"
"GRABE ANG DUWAG MOOOOOO!! HAHAHAHAHAHAHA!!!" At nagawa pa akong tawanan??? Ibang klase talaga.
Sobrang extreme ng ride! Sobrang sumakit din ang ulo ko. Grabe talaga anong kinaganda nitong ride na to?!
"Ang saya no?" Sinabi ni Clay pagbaba namin ng ride nay un. Masaya?! Please naman maawa ka naman sa akin.
"Hehehe." Wala eh, wala na akong masabing iba.
Bigla ulit nawala yung smile sa mukha nya. Ano yun, temporary lang? Grabe ano bang problema nito talaga? Bi-polar ata to eh.
"Tara kain! Nakakapagod yung ride." Niyaya nya akong kumain at nagsmile ulit sya kahit halata namng pilit yung smile nya.
Pumunta kami sa food court at bumili ng pagkain. Nung kakain na kami, napansin kong tahimik lang sya.
"Ayos ka lang ba?"
"Ahh, ayos lang ako. Hahaha. Nakakahilo nga yung ride no?"
"Sabi sayo eh, kaya ayoko dun eh. Sige na kain ka na."
"Baliw anong kain ka na, sabay tayo kakain diba? Kaya kumain ka na rin."
"Hahaha oo naman. Sige tara kain!"
Grabe mukhang hindi kumain ng isang linggo ah. Kumain na lang ako habang tinitignan syang sarap na sarap sa pagkain.
"Grabe ang tagal ng huli kong masarap na kain. Ibang klase. Ang sarap ng pagkain dito friend."
What? 'friend'?
Boom! Friendzoned. </3
I paused a bit. Her words linger in my mind, as if they're being tattooed.
"Natahimik ka? Anyare sayo?"
"Uh.. Wala naman. Bakit?"
"Malamig na yang pagkain mo. Kainin mo na. Patapos na ako oh. Awkward naman kung kumakain ka pa tapos ako tapos na. Daliiiiii! Habang may pagkain pa ako sa plato."
"Oh.. Okay."
Ano ba yan bakit ba ako biglang naasar! Tsk!
"Ang hirap mag-move on no? Lalo na kapag sobrang attached ka dun sa tao."
Bakit bigla sya nagbanggit? Namimiss nya siguro yung ex nya...
"Ah.. Oo syempre. Pero nasa tao naman yun eh kung makakapagmove on ka o hindi. Siguro masyado mo kasi syang iniisip kaya di ka makapag move on."
BINABASA MO ANG
18 Days of Magical Existence
Ficção AdolescenteDoes magic really exist? Will it change everything that is already broken?