SPACED OUT

9 0 0
                                    

"Makikita pa ba kita ulit?" tanong sakin ni Tristan. Nakasandal kami sa malaking puno habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay namin.

"Para naman tayong bago ng bago eh.  Siyempre naman. Ano ka ba." sagot ko sa kaniya.

"I'm sorry. I'm just afraid. Baka pag binitawan ko ang kamay mo hindi na kita ulit makita. Baka hindi mo na ako balikan." nababanaag ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Magkikita pa tayo. Promise." pagbibigay kasiguraduhan ko sa kaniya habang nakangiti. Mas hinigpitan ko rin ang paghawak sa kamay niya.

"Mahal na mahal kita..."  lumapit siya lalo sa akin. Bigla niya akong kinabig at binigyan ng magaan na halik sa labi matapos sabihin yon.

"I love you too."   nakangiting turan ko. Pagkatapos non ay niyakap ko siya ng mahigpit. Hanggang sa unti unti ko nang binitawan ang mga kamay niya...

Napangiti ako habang inaalala yung huling beses na magkasama kami ni Tristan.

Tristan. Maputi, matangkad, may maamong mukha, mabait, thoughtful, sweet. At higit sa lahat, mahal na mahal ako. Yayy. He's indeed the man of my dreams...

'Hay Tristan. Miss na ata kita...'

"Babe. Are you with me?" natauhan lang ako ng medyo lakasan na ni Jake ang boses niya at hawakan ang mga kamay ko na nakapatong sa lamesa.

"Ah. I'm sorry babe. What were you saying again?" sagot ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa restaurant. Kumakain ako kasama si Jake. Kakatapos lang ng klase namin at inaya niya ako na makipagdate sa kaniya.

"Something's bothering you Kate. Okay ka lang ba? Kanina kapa kase tulala diyan eh." Kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko ay alam kong seryoso na siya. Alam kong gusto niya lang na magkaron kami ng quality time together. Masiyado na kase kaming busy dahil graduating na kami.

'Oo Kate. Tapos parang lutang kapa sa t'wing kasama mo siya.' suway ko sa sarili ko.

"Ahn. Iniisip ko lang kase yung project na binigay ni Mr. Caballero. Feeling ko kase mahihirapan ako dun eh." I lied.

"What is it? Do you want me to help you?" sinserong alok niya.

"No thanks babe. Alam ko namang busy karin sa requirements mo. Kakayanin ko naman." nginitian ko pa siya para ipakita na okay lang talaga. Ngayon ko lang din napansin na halos di ko pala nagagalaw yung pagkain ko kaya nagsimula na din akong kumain.

"Okay. If you say so." sagot niya at nagpatuloy na sa pagkain.

"By the way, wala kabang naaalala ngayon?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Saglit akong nag-isip at inalala kung may schedule ako or event sa school na importanteng daluhan.

"Ahmm. Wala naman. Why?"  balik tanong ko sa kaniya.

"Not so important. 'Wag mo na isipin yon. Baka maging busy nga pala ako this coming week. Nawawalan na 'ko ng time sa girlfriend ko. Nagiguilty tuloy ako" malambing na sabi niya habang nakasimangot. Natawa naman ako sa iniasta niya.

"I'm fine. Ano ka ba! Naiintindihan ko naman yon. Busy ka o hindi basta mahal mo ako, kuntento na'ko dun.", malambing na sabi ko din sa kaniya.

"Ang korni mo babe. Are you sick?" seryosong seryoso ang mukha at parang nag-aalala talaga na sabi niya.

Hinampas ko siya bigla sa braso.

"Aww! Para saan yun? I'm just worried you know." reklamo niya.

PHANTASMWhere stories live. Discover now