"Tristan!" malalim na ang gabi. Tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid. Palingon lingon ako sa paligid at hinahanap siya. Alam kong nandito lang siya at inaantay ako.
Kasalukuyan akong nandito sa burol kung saan makikita mo ang kabuuan ng siyudad sa baba. Nasa tapat ako ng malaking puno kung saan kami madalas tumambay ni Tristan.
"Aaahh!!!" Napasigaw ako ng magulat dahil biglang may yumakap sakin mula sa likod.
"Sshh! Hey. Kate. Ako to." sabi ng pamilyar na boses na iyon habang nakapatong ang baba niya sa kanan kong balikat at hinigpitan ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa bewang ko. Napangiti naman ako nang mapagtanto ko na nakakulong ako sa mga bisig niya. Malamig masiyado pero parang hindi ko iyon maramdaman dahil sa presensiya niya.
Dahan dahan niya akong iniharap sa kaniya ngunit nakapulupot parin ang mga kamay niya sa akin. "Kamusta?" tanong niya habang deretsong nakatitig sakin. Bahagya siyang nakayuko dahil mas matangkad siya sa akin. Walang mga ilaw sa bahaging ito ng burol pero sapat na ang liwanag ng buwan para maaninag ko ang mala anghel niyang mukha.
"Medyo napagod ako buong araw pero okay lang naman." sagot ko sa kaniya habang nakangiti. "Ikaw. Kamusta?"
"Mas okay. Andito kana eh."
"Psh. Tara na nga." hinawakan ko ang kamay niya at nauna na sa paglalakad para hindi niya makita ang pagpipigil ko ng ngiti.
Naglakad kami papunta sa bench na di kalayuan sa punong madalas din naming puntahan. Nakaharap din ang bench na ito sa mismong siyudad kaya kapag nandito ka at gabi ay matatanaw mo ang magagandang ilaw na buhay na buhay sa paningin ko.
'Sabagay gabi lang naman ako lagi nakakapunta dito. Tss.' pambabara ko sa sarili ko.
Naupo kaming dalawa ni Tristan don. Hinawakan niya ang ulo ko at inihilig sa balikat niya. Magkahawak parin ang mga kamay namin. Tahimik lang kaming dalawa. Walang nagtatanong, walang nag-uusisa. Bukod sa kamustahan ay di na mas lumalim pa don ang pagtatanungan namin ng mga bagay bagay tungkol sa isa't-isa. Ito ang gusto ko sa tuwing kasama ko siya. Di ko maipaliwanag ang pakiramdam. Napakapayapa ng paligid. Nawawala lahat ng problema at isipin ko. Basta ang alam ko lang masaya ako kapag kasama ko siya at wala akong pinoproblema. Para akong saglit na nakakawala sa mga alalahanin sa buhay. Ipinikit ko ang mga mata ko habang dinadama ang hangin na dumadampi sa mukha ko.
Dalawang linggo na rin siguro ang nakalilipas mula ng una ko siyang makita at makilala dito. Yun yung panahon na naibagsak ko yung quarterly exams namin. Napagalitan ako ng matindi ni Dad nun... First time kasing nangyari yun eh. Tapos nung araw din nayon medyo nagkatampuhan pa kami ni Jake kaya masama talaga yung loob ko. Kinagabihan nung araw na'yon ko siya nakilala. Nakaupo ako sa may bench, nakaupo at umiiyak nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko at humawak sa balikat ko... "Miss are you ok?" Naalala ko pa na yun yung kaunaunahan niyan sinabi sakin. Medyo nagtaka pa ako nun at wala akong balak sagutin siya pero kahit di ko siya kinakausap ay nanatili lang siya tabi ko. At napagaan niya talaga ang loob ko. Hindi niya naman ako pinilit na mag open sa kaniya kaya hindi na ako nagkwento. Pero kahit ganun, nagsabi parin siya ng mga bagay na naging dahilan para mabawasan yung sama ng loob ko... Yun din siguro yung dahilan kung bakit mabilis na napalagay yung loob ko sa kaniya.
Magmula non ay halos gabi gabi na kami kung magkita. Nung una ay natakot ako... Di ko mapaniwalaan ang bilis ng pangyayari. Hanggang ngayon ay nananatiling estranghero siya sa akin. Mahirap paniwalaan ang sitwasyon namin pero nangyayari. Wala akong ibang alam tungkol sa pagkatao niya maliban sa pangalan niya. Kahit ang apelyido niya ay hindi ko alam. Ganon din siya sa akin.. Bukod sa pangalan ko ay wala na siyang ibang alam tungkol sa'kin... Siguro ay wala, hindi rin ako sigurado. Wala naman kasing nag-abalang magtanong sa amin. Basta ang mahalaga ay malinaw sa aming dalawa ang isang bagay...
"Kate..." narinig kong wika ni Tristan habang hinihimas niya ang mga kamay ko.
"Bakit?"
"Mahal mo ba talaga ako?"
"Mahal na mahal Tristan."
Hindi ako nagsisinungaling sa tuwing sasabihin ko iyon sa kaniya. Alam ko ang pakiramdam ng nagmamahal. Alam ko kung paanong naging importante sakin si Tristan at naging malaking bahaging parte ng buhay ko. Pakiramdam ko ay hindi ako kumpleto kung wala siya. Kakaiba ang pakiramdam na naidudulot ng presensya niya sakin. Makasama ko lang siya ay napakasaya ko na. Kontento nako don at di na naghahangad ng iba pa.
"Bakit mo natanong? Hindi ka pa rin ba naniniwala sakin?"
"Naniniwala."
"Yun naman pala eh. Ako naman magtatanong. Mahal mo ba 'ko?"
"Di ko na kailangang sagutin yan pero kung gusto mo, sige. Mahal din kita Kate..."
Tama siya. Alam kong di ko na kailangan pang itanong yun sa kaniya. Mas naipapadama niya sakin ang pagmamahal niya na kahit di na niya sabihin ay sigurado na akong mahal nga niya ako.
Nanatili lang kami sa ganoong posisyon komportable akong nakahilig sa kaniya at iniyakap niya ang mga kamay niya sakin. Ipinikit kong muli ang mga mata ko at ninamnam ang masayang pakiramdam na naidudulot ng nito sa akin.

YOU ARE READING
PHANTASM
FantasyEverything that happened just feels so right... I was so overwhelmed by this feeling that I almost forgot where I am. That I almost forgot that I'm not supposed to be with you. Because everything that we have right now is not true. Ako lang rin nam...