Chapter 22

5.5K 85 0
                                    

Mich's POV

Alam niyo yung mga scenes na nahuli yung heroine na tumatakas sa mga bad guys sa mga movies?

Or yung time na nahuli ka na ikaw pala ang kumakain ng nakatagong chocolates ng ate mo?

Or yung time na nahuli ka ng nanay mo sa isang lugar galit na galit dahil nahuli ka at ng boyfriend mo-na walang kaalam alam nung nanay mo may boyfriend ka in the first place?

Ladies and gentlemen, parang ito yung mga moments na yun.

Palakpakan niyo ako. Standing ovation.

Lumapit siya sa akin, galit na galit. Yung tenga niya mapapansin mo namumula ito, yung mata niya ay parang naging yelo at yung labi niya  ay nakaporma ng baliktad na ngiti.

Tinignan niya ako sa mata, dahil dun naramdaman ko bumibilis ang takbo ng puso ko. Nararamdaman ko na nanginginig ako. Yung phone ko ay in-off ko pero hawak hawak ko parin ito. Kinagat ko yung mga labi ko. Palapit siya ng palapit, ako naman paurong-or should I say "backwards ".

He licked his lips. "hindi mo sinasagot ang tanong ko" sabi niya kasama ng kanyang malalim at malamig na boses.

"I-I-uh..." I stuttered. Patuloy parin siya lumalapit at patuloy ako lumalayo sa kanya.

He locked his eyes on mine. "ano? Spit it out"

"umm.. ano.. kasi.."

Nadapa ako, good thing yung kama sinalo ako. Napaupo ako pero narealize ko na wala na akong daan para makatakas. Hindi ako pwedeng hindi mahuli sa kanya.

Nilapit niya yung mukha niya hanggang sa yung noo namin ang nagkadikit. Naramdaman ko yung hininga niya-minty ang amoy . Fudge, yung thought na yun mas lalong tumakbo yung heartbeats ko.

"ano?" sabi niya. He licks his lips again. I bit my lip.

"w-w-wala" Inalis ko yung mata ko sa kanya. Nararamdaman ko yung init ng hininga niya. Namula ako.

"wala? Oh?"  sabi niya

"wala nga sabi eh. " yumuko ako para hindi ko makita yung mukha niya at para mautago yung kaba ko.

"I'm sure na wala kang intensyon na pumasok sa kwarto ko" he said with a sarcastic tone. "bakit ka nga ba pumasok? Ano ang plano mo?"

I feel his hot breath on my left ear. Lalong uminit ang mukha ko. Pinikit ko yung mata ko para ma-imagine ko na panaginip lang ito.

"Michaela Joyce, sagutin mo ako" bulong niya "or else.."

O my gosh.. Lalong bumilis yung tinok ng puso ko sa pagbanggit ng buong pangalan ko at mas lalo itong bumilis sa or else niya. God, please help me. Mamaya baka--you know--- ang mangyayari sa amin. Isa pa, nasa kwarto kami at nakaupo ako sa kama niya. If ever mangyayari yun, please please please gumamit siya ng protection!

I, Michaela, swear na may maduming utak pero sa sitwasyon ngayon, yun na ang maiisip mo.

Pinikit ko ng mahigpit yung mata ko. Mayamaya ay naririnig akong tawa. Dinilat ko yung mata ko, nakita ko siya tumatawa, nakaupo sa lapag habang hawak hawak niya yung tiyan niya.

My Fiancé is the school Principal  COMPLETE (Status: Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon