Chapter two: Magulong pagkilala

33 0 0
                                    

Hindi ko naman malaman kung nasaan na ba ako ngayon,

palagi na lang ako nakapunta sa lugar na di ko alam

na para bang nasa ibang demensyon ako ngayon

Sa ngayon, malapit ako sa malinis na ilog

at nakaupo ako sa damuhan nakikita ko ang buwan na siyang sumisilaw sa madilim kong lugar

Mag isa lang akong nakaupo sa may damuhan

At pagkailang mga minuto, may lumapit sa akin

siya na naman......

Ang taong hindi ko kilala

"Andyan ka lang pala Cream, kanina pa ako hanap ng hanap sayo, San ka ba galing?"

Napatulala ako sa kanya, Hindi ko talaga siya kilala kaya hindi na ako nag dalawang isip na tanongin siya

"Sino ka?"

Tapos biglang nanlaki yung mata niya at hinawakan niya yung kamay ko

"Cream, Ba't di mo na ako kilala? Ako lang naman ang nag iisang kaibigan mo simula noong bata ka pa"

"HUH??? ahh ... ehh... hindi ko alam na may kaibigan pala ako sa panaginip ko"

"Hindi ito panaginip, totoo to! Maniwala ka!"

"Pasensya na pero hindi talaga kita maiintindihan.. Sige maiwan na kita"

Tapos tumakbo ako papalayo sa kanya

Ewan ko kung saan ako tutungo basta ayaw kong lumapit sa kanya natatakot ako na baka isa lang itong bangungot

Habang tumatakbo ako, Palagi kong nakikita ang ilog.

Parang ang lugar ay walang hangganan

Pero patuloy pa rin ako sa katatakbo

Nang mawalan na ako ng hininga, tumigil muna ako saglit at nagpahinga

Hanggang sa may lumapit sa akin na ibang nilalang

Hindi ko alam kung ano ang itsura niya dahil nakatabon lang siya ng maskara

Pero yung katawan niya ay parang isang tao. Maypagka brown yung buhok niya sa pagkakita ko

"Magandang araw sa iyo binibini, bakit ka ba nag iisa ngayon?"

Ewan ko lang kung anong e re reaksyon ko dito, hindi kaya araw ngayun kitang kita naman na gabi ngayon tsk..

"Dahil gusto ko, ayaw ko sa mga taong hindi ko kilala"

"Gusto mo ako ang mag pakilala sayo?"

"Bahala ka"

"Ako nga pala si Luke"

Ewan ko kung ano ang gagawin ko, dapat bang pagkatiwalaan tong taong to o hindi?

"Ako nga pala si----"

"WAG!!!!"

Nang lumingun ako, nakita ko naman yung lalaking dilaw ang buhok

"Wag kang lumapit sa kanya Cream. Hindi siya mapagkakatiwalaan"

Huh?? hindi ko siya maiintindihan

Tapos bigla niyang hinila yung kamay ko papunta sa kanya. kaya mukha na kaming nagyakapan

"Ano ba!!... Sino ka ba?" sabi ko

"Hindi ko muna ipapaliwanag sayo ngayon, dahil sigurado akong hindi ka maniniwala sa akin"

Ano ba ang pinagsasabi niya? Ang gulo niya

Tapos bigla niya akong hinila at tumakbo sa kung saan man niya ako dalhin

My Fallen DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon