Thirteen

10 0 0
                                    

Matapos kong iniwan si Mike na nagtataka agad akong humanap ng lugar na ako lang mag-isa. Mabuti naman at merong malapit na sapa dito. Ngayon ko lang napansin na magandang pwesto ang nahanap nila Veronica.

Hindi masyadong maputla ang mga dahon dito. Medyo berde nga ito dahil sa tulong ng sinag ng araw.

Napahangad ako para salubungin ang sinag ng araw, minsan lang ito lumalabas kaya sagarin na natin. Nakapikit ako habang nilalasap ang init na dala nito.

Kung gaano naman kasinag ang araw, ganun naman kadilim ang nararamdaman ko.

Napa buntong hininga nalang ako at napatitig sa daloy ng maliit na sapa. Napansin ko ang iilang maliliit na bato at pinulot ito at isa-isang inihagis ito ng mahina sa sapa.

Napa buntong hinga ako ulit. I haven't been so down like this before ng dahil lang sa...

Tangna. Ng dahil lang sa.. Ugh. I am so immature. Things like that are a waste of time, remember Trynna. You weren't like that before and you aren't like that until now. Nadadala ka lang sa bugso ng damdamin.

"Onga, nadadala ka lang sa damdamin. Lumaban ka nga Trynna, labanan mo yang nararamdam mo."

"Labanan ang alin?"

"Ah!" Napatalon ako ng wala sa oras sabay hawak sa kumakabog kong dibdib. "Wag kang nang gugulat Leandro oh!"

He smirked. My God, he smirked.

"Di naman kita ginulat ah. Ikaw lang tong nagugulat ng di naman ginugulat." He sat beside me and like what I did, pinulot niya din yung maliliit na bato sabay hagis sa tubig.

Napatitig ako sakanya ng saktong lumingon naman siya sa sakin. Nagulat ako nang makitang mayroon paring sugat ang labi niya.

"Wait.. It's not fully healed yet?" I said with creased forehead.

Napahawak naman siya sa labi, puno ng pagtataka.

"I thought that would heal you, just like what it did to me. I know iba yung kulay pero akala ko, mawawala yung sugat pero.. it's still there."

He raised an eyebrow. "It doesn't fully heal the wound but it heals the pain inside. Gagaan yung pakiramdam mo. Sa loob ka niya ginagaling."

"Gagaan pakiramdam mo?" I said bewildered. "Talaga?!"

"Yeah, but how did you know about thatㄧ uy, asan ka pupunta?"

I hurriedly went looking for Mike. Muntikan pa akong nadapa nang papatayo na ako. Leche, baka yun na ang sagot sa nararamdaman ko. Kahit isang lagok lang nun baka maibsan tung sakit na nararamdaman ko.

Tanginang nararamdaman to.

Nilibot ko na yung boung bahay, wala si Mike sa labas. Baka nasa loob. I ran to the front door when I heard Leandro calling me.

"Huy, Trynna!" Sinusundan pala ako neto. "Ano bang nangyayari sayo?"

Hindi ko siya pinansin at pumasok sa loob. Saktong nasa may upuan lang si Mike at kakalagay niya lang ng bote sa katapat niyang mesa.

The SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon