Wala akong ibang marinig kundi mga nakakabinging palahaw.
Takbo lamang ako ng takbo habang walang tigil sa pagbuhos ang aking mga luha. Madilim... binabalot ng kadiliman ang pasilyong tinatakbuhan ko ngayon. Kung may liwanag man ay ang liwanag na lamang ng aking relo ang tanging nagsisilbing gabay ko.
Ang dating Maliwanag at puno ng kulay na pasilyo ay nagmistulang impyerno sa karumaldumal na itsura nito...wala na ang dating kulay puting pader napalitan na ito ng magkahalong kulay ng pula't itim....at ng mga bakas na sumisimbolo sa sinapit ng mga tao dito.
Pagod na pagod na ko sa pag takbo ngunit kung titigil man ako...alam kong aabutan nya ako.
ano pa nga ba nag magagawa ko?
Hindi ko alam kung nasaan ang nga kasama ko...
hindi ko alam kung ilan pa saamin ang nananatiling buhay...
hindi ko alam..
hindi ko alam.
Pakiramdam ko'y sasabog na ang ulo ko dahil sa sakit na kanina ko pa iniinda. Patuloy parin ang pagdaloy ng aking luha.
Nakakita ako ng isang maliit na ispasyo. Sapat para makapagtago ako mula sa kanya. Ngayon na nakaupo na ko...ngayon ko lang naramdaman ang kirot sa aking ulo at pati na rin sa dibdib.Upang maibsan ang sakit na nadarama , ang tanging magagawa ko na lama
ng ay magdasal at kagatin ang aking labi upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay..Dios ko. Gusto ko nang bumalik.....
gusto ko nang bumalik sa dati ang lahat...
gusto ko nang mawala lahat ng bahid ng mapait na kasalukuyan...
Unti unti akong nakarinig ng mga yabag ng paa... hindi ito tumatakbo ..mistulang papalapit sa kinaroroonan ko..dahil dama ko ang bigat ng bawat paghakbang nya...palakas ng palakas ito at mukang malapit na sya sa kinaroroonan ko..
Huminto sa mismong harap ng pinagtataguan ko ang huling pagapak ng kanyang mga paa na nagbigay ng kaba sa buong sistema ko...
Nanginginig, naninigas ang katawan ko..
hindi...........hindi...
lalo lamang nagsitakasan ang luha palabas saking mga mata..
Dama ko ang takot dahil sa presensya nya...
hanggang sa.......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Ma-mamatay na ba ako?"
~*~*~*~*~*~
THANK YOU PO SA LAHAT NG NAGBASA! HAHA. BALE FIRST TRY KO SA GANITONG GENRE KAYA PAGPASENSYAHAN ANG KAPALPAKAN HEHE. PERO MAPAPANGAKO KO NA GAGAWIN KO NAMAN ANG MAKAKAYA KO PARA MAPAGANDA ANG DALOY NG KWENTO *wink* hihi. So yun lamang. Adios~ see you again haha magkitakita tayo muli sa chapter 1 ! Babush. Mwehehehehe *sabog floorwax with glitters *