I: The First One

22 5 0
                                    

SINGKO.












I. The First One.

Third persons point of view.

"Nagbabagang balita.

Ayon sa mga testigo isang binatilyo ang natagpuang patay sa isang eskinita malapit lamang sa kanilang eskwelahan. Napagalaman din namin na ang binatilyong ito at nagngangalang Frederick Goddard isang graduating student sa Chirstian's College. Lubhang kalunos lunos ang sinapit ng binatilyo. May mga cctv footage na nagpapakitang na hit and run pala ang kawawang binata. Nakakapanlumo ngang lubusan, dahil ang binatilyong ito ay isa pa namang suma cum laude sa nasabing eskwelahan.

Narito ngayon ang kanyang ina upang magbigay pahayag patungkol sa kanyang anak na namatay. " - mahabang pahayag ng reporter sa telebisyon.

"Ano po ang nararamdaman nyo ngayon?" Tanong ng reporter sa isang matandang babae na halos hindi na makadilat sa sobrang pag iyak.

Hinawakan muna ng ginang ang mikropono gamit ang kanyang nanginginig na mga kamay at nagsimulang magsalita, "Na-napakasakit ma- walan ng anak. *hagulgol* da-dahil napakabuti nyang tao. At ma-pagmahal na a-anak....sana magkaroon ng hustisya para sa anak ko. Kung sino ka man. Maawa ka at makonsensya sa kung anong nagawa mo. At tandaan sana ng mga magulang na ibayong pag iingat sa kanilang mga anak lalo sa mga graduating students dahil napaka dalas nilang mahila ng kamatayan." Matapos sabihin ito ng ginang ay muli nyang isinubsob ang kanyang muka sa kanyang mga palad at umiyak.

"Sana nga po malutas na at mabigyang hustisya ang kalunoslunos na nangyari kay Frederick Goddard. At muli po isang paalala sa mga manunuod at mga magulang na ibayong pag iingat sa mga anak lalo na sa mga graduating students dahil prone to accidents sila. Ako po si A-" Pinutol na ni Dave ang pagsasalita ng reporter sa telebisyon. Sa sobrang inis ay pinatay nya na ito at ayaw ng mapakinggan muli.

"Huu prone to accidents ka dyan! Pakyu to the bones.! " sigaw pa nya.

Agad naman syang tumayo at akmang aalis na ng pigilan sya ng kanyang nanay.

"Oh papasok kana? Ingat ka Dave ah." Sabay halik sa pisngi ni dave.

"Nako Nanay sila mag ingat sakin! Aba pogi yata to at macho pa! Tsk " pagmamayabang pang sabi nito sa kanyang ina. Napailing iling na lamang ang kanyang ina sa kahanginan ng kanyang anak.

Tuluyan na ngang pumasok ng eskwelahan si dave habang hindi maalis sa kanyang isip ang balita na nakita nya kanina.

*Pak!!*

"Aray!" Angil ni dave.

"Tangina pre! Goodmorning!" Tawag ng kanyang kaibigan matapos siyang batukan nito ng pagkalakas lakas.

"GAGO ! ANO BANG PROBLEMA MO ANG AGA AGA?! HAH?!" Ganting sigaw naman ni Dave sa kaibigan nyang si Neal.

"Haha bakit ba ang aga-aga ang init ng ulo mo? Hahaha tulala ka nanaman kasi. Ugok ! Ginigising na nga kita ikaw pa galit?! Pakyu pre pakyu ! Haha" natatawang sagot naman sa kanya ni Neal.

"Lanya ! Sino hindi magagalit eh nambabatok ka?! Sige ikaw kaya batukan ko ! Matuwa ka kaya?!" Akmang babatukan na nya si Neal pero nakaiwas ito.

"Woah pre easy! Haha i'm just joking joking. You chill chill muna bago touch me ! Haha." Sagot nito sa kaibigan.

"Hay nako bahala kana nga dyan! Nakakabadtrip kalang eh." Pagkasabi nya non ay tinalikuran na nya si Neal na sya namang humabol sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SINGKO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon