Prologue
Girlfriend
Tristeen
Aaron's back! After four years... I made sure that I dressed up well and put on some light makeup. Ayaw pa naman no'n na masyado akong naglalagay ng kolorete sa mukha ko. I just let my long straight hair down because I remember him saying that he likes it this way.
Pupunta kami ng family ko sa early dinner sa bahay ng mga Ledesma. Pagkatapos ko sa pag-aayos ay lumabas na rin ako sa kwarto ko at niyaya na sina Mommy na umalis na kami. Ang bagal pa ng younger brother ko na si Lance kaya napagsabihan ko na rin.
"You're too excited, ate." he just said at nagbabagal pa rin!
Kalaunan ay bumaba na rin kami and headed straight outside of the house to the waiting cars.
I was nervous inside the car. Apat na taon din kaming hindi nagkita. Pero kilala na namin ang isa't isa mula pagkabata. Marami na kaming alam sa isa't isa at napagdaanan. Kaya alam kong magiging maayos din kami pagkatapos ng mga nangyari. I was still hopeful for us.
Sinalubong kami nina Tita Eris sa pinto pa lang ng bahay nila. She's Aaron's step-mom. Halos siya na rin ang nagpalaki kay Aaron dahil sa abroad nagtatrabaho at nakatira ang Mama nito. Sobrang bait ni tita. I would always remember her baking us our favorite cookies noong mga bata pa lang kami.
"Tristeen," sinalubong niya ako ng yakap.
I hugged her back. "Tita,"
Nakita ko naman ang pag-irap sa akin ni Rachel. I understand... We used to be so close to each other. Wala siyang kapatid na babae kaya ako na ang tinuring niyang ate. Both of his older siblings are male, Aaron and Jarvis.
"Sinundo pa nina Axel at Jarvis si Aaron sa airport." Tita Eris said.
Giniya na kami nito sa kanilang dining area. Maraming pinahandang pagkain si Tita para sa pagbabalik ni Aaron. Nakita ko roon ang mga paborito niya. Napangiti ako.
Unlike before ay marunong na akong magluto ngayon. The four years that we were apart I studied and learned to cook. Dahil gusto ko pagbalik niya palagi ko na siyang ipagluluto lalo ng mga favorite niya.
"Mom, nandito na sina kuya." nakangiting tawag ni Rachel kay Tita Eris.
Una akong napatayo mula sa hapag. Kasunod na ni Rachel sina Tito Axel at Jarvis... and Aaron. Who was still as handsome as ever. Wala masyadong nagbago sa kaniya kung mayroon man, it's his cold stare...
I prepared a smile. My heart was thumping and I wanted to immediately go to him and welcome him with a hug. But I stopped myself from doing so. At pinauna ko muna sina tita na makalapit sa kaniya. Tita Eris hugged Aaron and welcomed him back. Sumunod na rin na lumapit sa kanya ang family ko. Kinumusta si Aaron nina mommy at daddy.
Until I was the last one to greet him and welcomed him back, too. "Aaron," I hugged him. I missed him so much.
While I didn't feel his arms around me. Nang kumalas ako sa yakap ay halos wala pa rin reaksyon ang mga mata niya. He didn't look happy to see me at all. And it broke my heart.
"Let's eat!" narinig namin si Tita Eris.
Bumalik na kami sa mga upuan namin. And then we started eating. I was glancing at Aaron who was smiling and conversing with his family. Okay din naman siya sa pamilya ko. Sa akin lang hindi. He wouldn't even look my way. Nagbaba nalang ako ng tingin sa pagkain ko.
"Kuya, sino 'yong girl na kasama mo sa picture na sinend mo sa 'min ni Kuya Jarvis, ha?" Rachel teased his older brother.
Muli akong nag-angat ng tingin. Naabutan kong nakangiti si Aaron sa sinabi ng kapatid niya. Girl? Simula noong nangibang bansa si Aaron ay nawalan na ako ng personal na communication sa kanya. He wouldn't anymore want to communicate with me. Parang pinutol na rin niya ang ugnayan naming dalawa... And I can't blame him for doing that. I was at fault.

BINABASA MO ANG
Mistakes and Promises
General FictionWhen life's too perfect for Tristeen Dela Cuesta who was living a good life being the heiress of the Dela Cuestas, having a perfect family, good friends, and her perfect boyfriend, Aaron Jaxon Ledesma, she tend to ruin everything. When Aaron left h...