(Lana's POV)
" Naku Lana magpaka bait ka doon, mag-aral ka ng mabuti, ipadadala lang naming ang allowance mo buwan-buwan, palagi ka dapat manalangin sa Diyos. Mag-ingat ka sa Maynila." Naiiyak na sambit ni Sister Cath, naiiyak na din tuloy ako.
" Wag po kayong iiyak, naman eh!" hinihintay na ako ng bus pero nandito parin kami, nagdadrama.
"Sige anak, sumakay ka na, baka magalit yung driver." Pumasok na ako sa bus pero di paren mawala sa isip ko si Sister Cath.
Kumaway ako sakanya at tuluyan ng umandar ang bus.
Si Sister Cath ay guardian ko simula pa noong bata pa, actually para ko lang siyang mama, ang bata-bata pa niya nung binabantayan niya ako, ka isa-isang anak ng pinakamayamang pamilya sa probinsya pero mas pinili pa niya ang maging Madre,at siya ang tagapag mana sa kanilang Hacienda.
Kinakabahan ako na excited sa pagpunta ko sa Maynila. Actually hindi naman dapat sa Maynila ang pasya ko, pero pina-take ako ni Sister Cath ng entrance examination sa isang napakalaking unibersidad at sa kabaitan ng panginoon ay naka top 2 ako sa entrance examination at full scholar ako doon, kaya doon punta ko ngayon.
Matapos ang mahabang byahe ay nakarating na ako, binigay na saakin ni Sister Cath ang address ng nakuha niyang apartment.Pagdating ko doon, napanganga ako sa apartment, ang laki... Aish! Dapat hindi siya nag sayang ng pera para lang dito, okay lang naman yung simple lang.
Pagkapasok ko doon, tinuro na saakin ng landlady ang room ko, at isa isa kong inarrange ang mga gamit ko. Naalala ko na may binigay na regalo si Sister Cath bago ako makasakay sa bus, agad-agad ko tong binuksan at gusto kong maiyak sa regalong yun.
"Wow! Laptop, Cellphone at waaaahh! Anong gagawin ko rito?" may sobre na may 100,000 pesos ay may letra na may nakalagay na 'ipang bibili mo ng mga gamit mo at supplies mo.' Ang bait bait talaga ni Sister Cath.
Pero hindi ako marunong gumamit ng touch screen na cellphone, nakikita ko lang sa mga classmate ko nung high school pa ako, mabilis lang naman siguro matutunan to.Pag-open ko mayroon ng mga contacts.
Bukas na ang start ng klase at enrolled na ako, kailangan ko lang pumunta sa mall para bumili ng mga supplies at grocery. At hoy! Kahit probinsyana ako alam ko kung paano papunta ng mall, pumupunta kami rito ni sister tuwing may binibili siya.
Sumakay ako sa jeep papunta SM. Naalala ko pa noon ay ang national bookstore tuwing bumibili ng school supplies si Sister para ipamigay sa mga bata. Medyo marami-rami ang bibilhin ko since Civil Engineering ang course ko, ang mamahal ng mga gamit ng engineering, kahit ruler ang mahal. Pagkatapos kong bumili ng supplies, pumunta naman ako sa grocery. Kailangan ko ng bagong gamit para sa apartment, kaya umabot sa 20,000 ang pinamili ko.
Nagiisip pa ako kung bibili ako ng mga bagong damit, marami pa naman akong damit na pinamimigay ni Dona Lita( mama ni Sister Cath) gusto niya kasi ako, tinuturing na nga niya akong parang apo, doon kasi ako naninirahan...pero tumutulong din naman ako sa mga gawaing bahay.
Napagisipan ko na wag nalang, mabigat rin ang dala ko.
Ng dumating na ako sa apartment, inarrange ko ang mga gamit at nagluto.
Habang kumakain ako ay bigla nalang akong nalungkot, naiisip ko ang mga kaibigan ko sa probinsya at si sister Cath. Ngayon mag-isa lang ako dito, walang kasama.
matutulog ako ng maaga, nasa schedule ko kasi maaga ang pasok ko tuwing Monday. Ginalaw ko muna ang laptop ko at may mga games, may mga downloaded na rin na mga kakailanganin ko sa school. Si sister talaga, ang bait-bait, halos siya na ang lahat na nag-asikaso sa pagpasok ko rito.
BINABASA MO ANG
FAKE
RomanceKrystilana Soberano was a kind girl who lives at the orphan house with the sisters, not until she goes to a big university to finish her college. But a sudden situation comes and become destruction. Siya ay ulila na sa edad na 7 taon gulang matapos...