Narrator
Napakalakas na sigawan ang dumadagundong sa mansyon nila Anastacia dahil sa pagtatalo nila ng kanyang ama na si Don James.
"Dad i am twenty six, alam ko na ano ang tama at mali besides kaya ko na magdesisyon for myself. hindi niyo ako kailangan diktahan. since i was a kid, sa pagpili ng laruan, damit, sapatos lahat ikaw at ang step mom ang nagdedesisyon. ayoko iwanan si grandma but you force me to study in New york kaya hindi ko man lang nakasama si grandma sa mga huling sandali ng buhay niya. then now what dad? you and step mom will decide sino mapapangasawa ko? kung sinong makakasama ko habangbuhay! Its a big big big no way dad. Im very sorry.'
Sigaw ni Anastacia sa kanyang ama habang nanginginig ang boses nito at hindi tumitigil ang pagpatak ng luha.
"Will you please give respect to me atsaka sa family ni Andrei! hindi ko akalain na babastusin mo ako sa harapan ng napakadaming tao Anastacia. sa ayaw at sa gusto mo? you will marry Andrei, Okay Anastacia?'
Sigaw ni Don James sa anak na si Anastacia, Habang hinihimas ang kanyang likod ng ama at Ina ni Andrei na nakasaksi sa pag-aaway ng mag-ama.
Wala naman sabi sabi na umakyat si Anastacia sa kanyang kwarto, at hindi pinansin ang sinabi ng kanyang ama. sobra sobrang kahihiyan ang nararamdaman ni Don James sa pamilya ni Andrei, sapagkat napakalapit na kaibigan nito ang ama ni Andrei.
"Kumpadre, mukhang hindi mo mapipilit si Anastacia. hindi maaring ikasal sa iba si Anastacia O si Andrei sapagkat kailangan ay sa atin lamang iikot at ating mga kayaman.'
Salita ng ama ni Andrei na si Dona Romulo.
"Wag na natin pilitin ang mga bata, James kung ayaw ni Anastacia wala tayo magagawa dun.'
Salita naman ni Donya Lucy kay Don James.
"Kilala niyo ako Kumpadre at Kumadre, kapag sinabi ko yun ang masusunod! hindi pwede basta basta na lang putulin ang nakagisnan ng dalawang pamilya dahil lamang sa ayaw niya'
Salita ni Don James na nagngingitngit sa galit.
Narrator
Habang sa kwarto ni Anastacia, si Anastacia ay nakasubsob sa kanyang unan at wala parin tigil ang iyak.
Nag-iisip ng paraan paano masusuway ang nais ng kanyang ama.Anastacia
Hindi niya ako mapipilit sa gusto niya mangyari, mali na na ipilit niya sakin pati yun bagay na maari kong pagdusahan habangbuhay. kahit kailan hindi ako magpapakasal sa lalaki na yun, dahil kahit kailan hindi ko pinangarap mag-asawa ng lalaki! dahil babae ang gusto ko, babae ang gusto ko makasama at hindi lalaki.
Kailangan kong tumakas ngayon gabi, bahala na kung saan ako mapadpad. ang mahalaga makalayo ako sa impyernong bahay at buhay na to.
Narrator
Kinuha ni Anastacia ang iilan niyang mga damit sa kanyang kabinet, at iilan sapatos. Nilagay niya ito sa kanyang malaking maleta, nilagay rin niya sa bulsa ng maleta ang kanyang mga alahas sapagkat alam niya na mapapakinabangan niya ito, dahil oras na lumayas siya tiyak na ipapasara ng kanyang ama ang kanyang mga credit cards. kasama ng mga alahas sa bulsa ng bag ang pera niyang mga natabi pa. malaki rin ang cash na dala niya maari na siya makalayo gamit ito.
Dahan dahan siya lumabas ng kwarto, dala dala ang susi ng kanyang sasakyan. binuksan muna niya ang gate ng mansyon pagkatapos ay sumakay na ito sa sasakyan at wala sabi sabi na hinarurot ito, mahimbing ang tulog ng mga gwardiya kaya wala nakapansin sa kanyang pagtakas.
Habang nagmamaneho sa direksyon hindi niya alam saan ang patungo.
Anastacia
San kaya ako pupunta nito, wala ako pwede pagkatiwalaan na kilala ako. dahil sa panahon ngayon halos lahat nasisilaw na sa pera. Kailangan ko na lang muna makalayo dito sa Batangas.
Narrator
Ilang oras rin ang byahe ni Anastacia hanggang sa nakarating siya ng Maynila. litong lito si Anastacia sa pasikot sikot na lugar sa maynila. Naghanap ito ng hotel na pwede niya pansamantalang tirahan. Ilang minuto habang nagbabaybay nakahanap naman siya ng isang simpleng hotel sa maynila. pinasok niya ang sasakyan sa parking at bumaba na nga ito dala ang isang maleta.
halos mapatulala na naman ang mga trabahador ng hotel habang naglalakad si anastacia.Isang napakagandang dalaga ni Anastacia, Matangkad na slim ito, maputi na balbon ang kutis. ang buhok ay straight hanggang bewang at itoy kulay dilaw. napakatangos ng ilong, maganda ang mga mata at mayroon makipot na mapupulang labi ito.. siya ay kahanay ng mga modelo hindi lamang sa pilipinas maari rin siya isabay sa modelo ng ibang bansa.
Anastacia
"Hi, goodmorning. Im Annie, may available room ho ba? Just for me only.'
salita ni Anastacia sa receptionist ng hotel. pinili niya palitan ang kanyang pangalan upang huwag siya makilala oras na may maghanap sa kanya.
"We still have one available room for you mam'
salita naman ng cute na receptionist kay Annie.
"Okay beautiful, can i ask for the keys?
and please guide me coz this is my first time here.'salita pa ni annie habang nginingitian ang receptionist ng hotel,
Narrator
Sinamahan ng receptionist si Annie hanggang sa kwarto nito, at ng maihatid na ay nagpaalam na ito at iniwan ng mag-isa si Annie.
Habang nagaayos si Annie ng mga damit naisipan nito na lumabas at bumili ng makakain.
Madilim pa ang paligid sapagkat Alas kuatro pa lamang ng umaga habang naglalakad si Annie nakarinig siya ng sigawan sa madilim na bahagi ng kalye.
************
YOU ARE READING
Shes A Billionaires Daughter
Historia Cortathis story is about two womens fell in love with each other. a simple straight woman name kristine cruz will meet anastacia patterson the billonaires daughter. magkakakilala sila sa hindi inaasahang lugar, oras at pangyayari. paano nahulog ang loo...