0.02

10 0 0
                                    

0.02

Eximius Academy

"PO?!" Napasigaw ako. Ano? A place where I belong? Saan naman 'yun? E hindi naman ako abnormal, werewolf or bampira e! Ginu-good time ba ako ni sir?

"Yes, Miss Grandis Louise. I know you are not a vampire, werewolf or anything that is revolving around your mind. And no, I am not kidding." Hala! Nabasa niya ba yung naiisip ko? Parang si Cole lang pala 'tong si Sir e! Mam-babasa ng isip! Huhu.

Napailing nalang siya at tinignan si Cole expectantly. Bumuntong hininga si Cole at tumingin sa akin at parang napanatag ang loob ko. Eh?

"Grandis, pinapa-dala ka ba ng parents mo sa ospital or clinic kapag nadidisgrasya ka o may sakit?" Tanong sa akin ni sir. Nagisip ako, parang wala namang time na pinadala ako sa ospital.

"Hindi po."

"That's because our DNA is special. Hindi ito maaring makita ng mga normal na doktor sapagkat malalaman nila na wala kang type ng dugo. I'm pretty sure na yung tumitingin saiyo na doktor ay isa ring eximius." Paliwanag sa akin ni sir. Pero ano daw? eximius?

"Ano po yung eximius?" Tanong ko sakanya. Humaygad. Nakakaloka naman sila! Baka naman baliw na sila?

Nakarinig ako ng tawa. Bumaling ang tingin ko sa kaliwa at nakita ko si Jade. Nandito pala 'to? Umubo siya at nagiwas ng tingin sa amin.

"Why Ms. Lazaro?" Tanong ng principal sa kanya.

"Nothing po hehe."

Tumingin na naman sakin si sir at nagsalita muli.

"Grandis, ang eximius ay ang tawag sa atin. Ang mga eximius ay mga tao na mayroong mga abilities such as levitation, time manipulation at kung ano ano pa."

"Ahh, OK-- Wait, what?!" What the fuck.

"Yes, Grandis."

Hinilot ko ang aking sentido at pumikit ng mariin. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay sir o ano. Pero kung totoo nga.. ibig sabihin ba nu'n ay eximius ang totoong magulang ko?

"Sir, pwede mag tanong?"

"Sure, I know you are confused." Sagot niya sakin na may kasama pang ngiti.

"Parehas po bang eximius ang mga magulang ko?" Tanong ko sa kanya na may halong antisipasyon. Paano kaya nila nalihim sakin ito?

"Oo Grandis. Ang eximius ay para lamang sa mga taong katulad natin. Kapag nagmahal ka at nakipagtalik sa mortal ay siguradong mamamatay iyon." So ibig sabihin ba nu'n ay parehong eximius ang mga magulang ko?

"Oh." Ang tangi kong nasambit. Woah. Information overload.

"So, ano, Miss Grandis? Are you going to accept the offer?" Tanong niya sakin. Napaisip ako ng malalim.

Ano? Ano ng gagawin ko? Sino sino ba ang makakasama ko dun? Sure ba ako na hindi nila ako jino-joke?

Pero paano ko malalaman kung hindi ko susubukan, 'di ba?

"Okay, fine." Oh my goooddd! ayan na Grandis.

"So it's settled then. Starting tomorrow ay doon ka na papasok." Sabi niya sa akin. May dinagdag pa siya.

Eximius AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon