CHAPTER 3

872 13 0
                                    

Jho's POV

Leche 'tong si Beatriz. May pa date date pa siyang nalalaman ah? Leche talaga. Leche leche leche!!

Pero hihi. Di naman ako tumanggi, siyempre. Manglilibre yun. Foods ulet!! 😅

Kaya kumilos agad ako. Dumiretso ako sa room namin ni ate Ells tsaka nagready at nagbihis.

White shirt, black short shorts, tsaka sneakers, okay na 'to. Baka sa UPTC lang ako dalhin netong kapreng to. May pa date date pa 'tong nalalaman, pero diyan lang pala kami sa tabi-tabi tatambay. Hay nako. Napaka ewan ho netong si Beatriz 😂

So ayun. Lumabas na 'ko sa room after kong mag-ayos ng sarili.

Hinanap naman ng mga mata ko si Beatriz. Di pa lumalabas sa room niya eh. San ba yun?

J: Beaaatriiiiiiz! Nasan ka na ba?!

Pasigaw kong sabi. Eh siyempre, baka nagbibihis yun. Ayoko namang pumasok agad sa room nila Trey, baka makita ko na naman yung-

B: Wait there, baby! Gimme 3 minutes more.

A-ano r-raw?

Wait there, baby! Gimme 3 minutes more

Wait there baby

Baby

Juskopo. Ano raw??? Baby??? Ano bang nangyayari sa Beadel na 'to? Ba't ganito siya saakin ngayon???

Baby??????

Uhm. Nag lo-loading pa ho siya sa utak ko 😅

Pero pisti! Ba't feeling ko namumula at nag-iinit yung mukha ko ngayon?

OH MY GOSH. NO WAY. NO! 😭

DI PWEDE TO. ERASE JHOANA. ERASE. NANG-AASAR LANG YAN SI BEATRIZ. UULITIN KO, NANG-AASAR LANG Y-

Naputol yung pag-iisip ko, dahil biglang bumukas yung pinto sa room nina Bea at Trey.

Ow. Em. Ji.

Shet naman! Bakit ba ako nagkakaganito? 😭

Shetbolz. Sorry pero, PUSANG MEOW! ANG GANDANG GWAPO PO NG BESTFRIEND KO NGAYON 😭

Kahit naka navy blue shirt at white short shorts siya plus naka cap and sneakers! Shet. Lakas parin ng datingan niya jusmiyo.

How to be you po????

Nakakainlove talaga. Pero joke lang! Di pwede yun noh. Nasa stage pa ng pag mo-move on ang bestfriend ko. Tsaka may crush ako ngayon eh! Hihi 😅 pero uy. May secret ako.

May nag-iisang girl crush naman talaga ako eh. Walang iba kundi si, Beatriz lang! Hehe 😂 wala lang. Girl crush lang naman eh. Wala naman yung malisya. Tsaka, straight ako noh. Wag kayo.

Biglang naputol ang pag-iisip ko dahil biglang nagsalita si Beatriz.

B: Jhow! I said let's go.

J: A-ah. Hehe. O-oo s-sige. Let's g-go na.

Leche naman to oh. Ba't ba ako nauutal.

So ayun, pumunta kami sa parking lot. Pagdating namin sa sasakyan niya, pinagbuksan niya agad ako ng pinto.

Hays, napaka gentlewoman talaga netong kapreng 'to 💕

After nun, nginitian niya ako na para bang wala ng bukas.

Haluh siya. Ba't siya nakangiti ng ganun 😂

Minsan, creepy rin 'tong si Beatriz eh.

So ayun. Ngumiti rin ako tsaka pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya. Then pinaandar niya na yung sasakyan, tsaka siya nagdrive papunta kung saan niya man ako dalhin. Wala ho akong kaalam-alam kung san kami pupunta, so go with the flow nalang. Hoho

Secretly Falling For YouWhere stories live. Discover now