Chapter 1

6 1 3
                                    


Sana kung gaanong kadaling mahulog sa isang tao, ganun din sana kadali ang lumimot.

"Naalala mo na naman siya?"

"Moved on na bakla! May iba na yon!"

"Manahimik nga kayo! Iniisip ko lang yung gagamitin natin sa project!" Leche talaga tong mga to. Sila ata di makamoved on e. Hayop. Kapag nakakalimutan ko na, ipapaalala na naman. Kung di ka ba naman talaga malilintikan oh.

"Pinaalala niyo pa! Naalala ko tuloy ulit! Napaka naman ng mga to!" Pinaghahampas ko sila ng ruler na hawak ko. Di ko naman natamaan kasi tumayo silang pareho at lumipat sa sofa namin. Mga panira ng buhay.

"Wushu. Kunyari pang ngayon lang naalala" -Augusta. Ang chaka ng pangalan niya no? Kasing chaka ng itsura niya pramis. 4'9 ang height. Medyo chubby Long rebonded hair. Minsan nanlilibre, madalas hindi.

"Wag kami Amara! Tangina ka Hahahahaha" -September. Yep. Weirdo mga pangalan nila. Naalala ko pa nga nung Grade7 kami tas first day, bigla na lang silang naghilahan ng buhok pagkasabi ng pangalan nila sa isa't isa e. Akala ko nga magkapareho sila ng magulang e. Nakakagago lang.

Si Sept naman mas matangkad lang sakin ng konti. E 5'2 ako. Wavy naman ang buhok nya na shoulder length. May set of 2 big eyes and a big mouth. Ikaw na lang bahala kung ililiteral mo.

"Tangina mo rin daw sabi ng project natin!" singhal ko kay September.

"Maganda naman ako kahit walang project"

"Sigurado ka September? Loko ka kapag tinanggal ka ni Amara, tignan natin kung mapasa mo yang ganda mo!"

At ako naman ay may hanggang balikat rin na buhok pero diretso, mga katamtamang laki ng mata, fivehead. All in all, maganda naman ako. Oo, makapal na mukha ko. Pero mas makapal mukha nitong dalawang kasama ko.

"Maganda naman talaga ko ah?"

"IPILIT MO PA!" sabay naming sabi ni A (Yun na lang daw itawag namin sakanya. Arte no?)

"Makauwi na nga!" -Augusta

"Ge. Tulog muna ako A" sabi ko.

"TANGINA NYO NAMANG DALAWA E"

XXX

2014, August

"Masaya ka naman kahit wala ako diba?"

"Ha? Pinagsasabi mo?"

"Nakakatawa ka nga ng wala ako e. Edi hindi mo na ko kailangan."

"Problema mo hoy? Bumalik ka dito."

XXX

OO na. Ang bata ko ng lumandi. Nakakairita pero nangyari na e. Sarap kong sakalin paminsan minsan.

Kapag naaalala ko yun. Parang ang engot naming pareho. O ako lang talaga? Kasi diba, kapag di ka na binalikan, o kinausap man lang sa matagal na panahon, wala na kayo diba? Lalo na kung di maayos yung huli nyong pagkikita. Pero... bwisit ako.

XXX

2015, August

After 1 year.

"Hello?"

"..."

"Hello?!" tinignan ko yung caller id pero number lang ang nakalagay. Ayoko namang murahin kasi baka si mudra o pudra itey. Baka mabigti ako ng wala sa oras mga bakla!

"Sino ba to?! Ma? Pa? Nag iba ba kayong number? Aga aga tumatawag kayo. Di nyo ba alam na natutulog pa ko? Parang others naman oh!"

"Break na ba tayo?"

UndoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon