Chapter 2

3 1 0
                                    


XXX

2016, March

Malapit na matapos ang pasukan. Busy sila Augusta at September dahil di pa sila nagpapasa ng clearance nila sa ibang teacher. Parang tanga kasi e. Di pa sumabay sakin. Wala tuloy akong kasama dito sa boarding house.

Biglang nag-ring yung phone ko.

"Yow ma!"

"Umuwi ka na dito."

"Eee~ Bakit?"

"Bakit ka dyan! Unuwi ka na! Isang bus lang naman sasakyan mo dami mo pang arte." Sabay baba ng tawag niya sakin.

Miss lang naman ako nun, kung di ko lang alam.

Syempre di ko naman pwedeng tanggihan si mudra, so nag bihis na ko at pumunta ng amin. Malapit lang naman sa Manila. Sa north. 1hr or 45mins lang ang travel kung di traffic at walang ginagawang kalsada. Alam niyo naman, uso sirain dito yung maayos na kalsada. Road reblocking kuno. Pfft, if I know.

"CROSSING!!"

Nung huli ko pa atang uwi e nung new year. Nakakatamad kayang umuwi hehehe. Atsaka wala namang masyadong ginagawa dito e. Pinapataba lang ako ni mama kapag umuuwi ako dito, tae yan.

Pumunta muna kong chowking at bumili ng paborito kong chow fan dahil gutom na ko. At hindi pa ko kumakain simula nung gumising ako ngayong araw.

"Uy Mara! Hala!"

Dafuq?!

"He, Hi Kuya Elvis." Bigla niya naman akong hinug saglit dahil matagal na rin kaming di nagkikita since 2014, I think.

Lumingon naman ako sa likod niya, baka may aswang na sumulpot e.

"Ah, kanina kasama ko yun e, sobrang tamad kaya nauna ng umuwi sa bahay."

"Di ko naman po tinatanong" gusto ko siyang sakalin sa sinabi niya.

"Gusto ko lang sabihin bakit ba? Hahaha" asar niya.

Sa lahat ba naman ng makakasalubong, kuya pa ng ex mo. Seryoso ka ba talaga earth?

"Sige. Sabihin ko na lang sakanya nakita kita. Malay mo puntahan ka pa" humahalakhak na sabi niya.

Tangina nun ah?!

XX

Bumiyahe din kami agad pagkadating naming sa bahay nila September. May van sila kaya dun kami sumakay at hindi na namin kailangan pang mag commute.

Sa tingin ko ay sa probinsya din namin 'to. Pareho lang kasi ang tinatahak naming daan ngayon at kapag nakasakay naman ako sa bus. Iyon nga lang, mukhang sa hindi ko pa nararating na parte ng probinsya na 'to ang pinuntahan namin kasi, malamang, di ako pamilyar at di ako gala.

"San tayo bakla?" tanong ni A.

"Sa bahay nga ng lola at lolo ko." -Sept.

"Alam namin. Pero tangina, parang nasa gitna tayo ng kawalan hahahaha" sabi ko naman.

"Gaga. Don't worry, ililigaw natin dito si Augusta tapos magpapaparty tayo." -Sept.

"Lang may paki Sept. Tagarito rin kayo Mar diba?" -A

"Yip. Kaso mukhang malayo pa kami dito. Tagong tago bahay nitong si Sept e."

Pumasok na kami sa loob ng bahay ng lola at lola niya at sinalubong naman sila, oo sila, kasi sila naman talaga dapat. Malaki yung bahay ng Grandparents nila Sept. May malawak na space sa unahan na hindi nakasemento. May bakod pero Malaki ang sakop ng bakod. Kasunod noon ang mga puno at mga halaman at daanan. Medyo magkakalayo ang mga bahay ditto, di katulad sa mga naunang nadaanan namin na mukhang may maliit silang village.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UndoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon