Unexpected
"Goodmorning Maam." Bati sa akin ng mga kaibigan ko sa shop. I'm not used to call them workers lalo na at hindi lang serbisyo ang binibigay nila sa akin. Tinuturing rin nila akong pamilya.
"Goodmorning din Liz. Marami bang benta?"
Everytime kasi na sales day ay ubos agad ang clothes sa shop. Although may natitira pero sobrang konti nalang rin.
"Halos paubos na nga eh. Siguro maaga tayong magsasara ngayon."
"May lakad ka ba pagkatapos nito?"
"Wala naman. Uuwi na ako sa bahay. Dumaan nga pala si Tristan dito kanina. May pinapasabi siya. 8 pm susunduin ka raw niya sa bahay niyo. Mag dress ka daw wag kang magsuot ng jeans sabi niya."
"Okay thanks. Aalis na rin pala ako maya-maya. Magsara nalang tayo pagkatapos ng lunch."
Nagpatuloy na kami sa work. After how many minutes natapos na rin. Balak kong pumunta kay Sam. Nababagot kasi ako eh mamaya pa naman yung lakad namin ni Tristan. Dun ko na rin pala balak mag lunch hahaah makakatipid ako nito.
Balak ko sana siyang i text para makapaghanda siya kaso wala nga pala akong number niya.
Nandito na ako ngayon sa elevator. Nakatunganga. Baka magulat si Sam dahil basta basta nalang akong sumusulpot. Hahaha bahala siya.
Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o hindi. Kasi naman eh. Bat ko ba naisipang dito pumunta? Hahahah baliw.
Alangan namang tumunganga lang ako dito , kinatok ko na . Ilang segundo ang lumipas nang pagbuksan niya ako ng pintuan.
"Oh? Elyze bat ka nandito?"
Makikikain kasi ako eh. Joke lang. Wag naman ganyan Elyze.
"Wala kasi akong magawa tsaka mamaya pa yung lakad namin ni Tristan. Naisipan kong puntahan ka. Sabi mo naman diba na puntahan kita anytime ko gusto?"
"Oo nga sinabi ko yun sayo kanina. Di ko naman inakalang dadalaw ka agad. Nag lunch ka na ba?"
"Hindi pa eh. Dito ko sana balak kumain...kung okay lang sayo."
"Ano ka ba! Oo naman no. Teka... Nagluto kasi ako kanina iinitin ko lang."
Pumunta siya sa kitchen . Syempre sumunod ako.
"Ikaw ba? Nag lunch kana ?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Ang ganda ng timing mo. So ganto, sabay tayong nag breakfast kanina at ngayon sabay naman tayong mag lulunch? Hahaha"
"Tapos na yata yang iniinit mo."
Nakikita ko kasing umuusok na siya. Baka masobrahan.
"Magkwento ka nga tungkol sa inyo ni Tristan. Like yung mga gawain niyo nung highschool days and etc."
"Seryoso ka ba? Dapat nga ikaw nagkukwento eh."
"Wala lang.. Tsaka palagi ka niyang naku kwento sa akin. Gusto na nga kitang makita in person eh kaya lang nag aaral kapa nun. Sige na Sam, magkwento ka na!" Oh diba, close na agad kami.
"Ordinary things."
"Like what? Be specific naman."
"Ang demanding mo ah. Ordinaryong mga bagay gaya ng... Ahm ano ba?"
Siraulo to ah. Ako tinatanong kung anong ginagawa nila noon.
I rolled my eyes but not in a sarcatic way ah.
"Wala akong masabi eh. Ano to throwback? Wag nalang ako. Kayo nalang or ikaw. Magkwento ka nalang tungkol sa buhay mo."
"Hala, bakit nalipat sa akin. Sige. Ako si Elyze Charmagne Castro. Yung Magne ko is silent g pagbinasa mo. Andaming namamali dyan eh. Nakakainis at nakakasawa na silang e correct. 21 years of existence , engaged with Tristan Vertebra , nag iisang magandang anak nina Victoria at Julio. Yun lang"
Ngumiti ako sa kanya ng napakalapad.
YOU ARE READING
Stucked in love
RomansElyze Charmagne Castro is the famous owner of an expensive clothing brand in the Philippines . She is engaged with Tristan Vertebra. She's contented with the things she has now. Until trials tests their love loyalty and trust towards each other. Ely...