Prologue

130 3 7
                                    

(Alarm clock ringing...)

Kring! Kring! Kring!

(Biglang nawala ang ang nag iingay na tunog.)

7 am. Monday morning. Matagal ko nang ginigising ang sarili ko gamit ang tunog ng alarm clock, pero sa tinagal tagal kong ginagawa yun, hanggang ngayon, bwisit na bwisit pa rin ako dahil alam ko kelangan kong gumising ng maaga dahil papasok na naman, or for this particular instance, may pupuntahan ako and for Heaven's sake, ang aga aga pa nya. Can't it wait a little bit longer?

Habang nakahiga ako at nakatitig sa ceiling habang sinasabi sa utak ko ang mga salitang yun, napatingin ako sa orasan, and to my surprise 7:45 na. Can you believe it? I spent 45 minutes wasting time? Bago ko pa sisihin ang sarili ko, bumangon na ako dahil 8 sharp pa ang kitaan namin nila Jasmine, Ethan, Bryan, Kayla (ang bestfriend ko) at ang kakambal nya na si Pierre.

Dali dali akong tumakbo at naligo at sa kalagitnaan nun, sumigaw si mama at ang sabi nya..

"Alex, tumawag si Kayla. May pupuntahan raw kayo ngayon at late ka na naman daw. Bilis bilisan mo na anak, but don't forget to eat breakfast."

 "Yes Ma!" Great! That's one characteristic na akong ako. Ako na ang palaging late. Kelangan pa talaga ipangalandakan? Anyways, I was almost done fixing myself up nsng makita ko na 8:15 na pala.

Shoot. 8:15 na. Kill me now, sigurado ako papatayin na ako nang mga yun.

Then i looked for my phone only to find out 10 missed calls and 21 messages galing kay Kayla. Eto na talaga to. I'm dead for sure.

"Ma, aalis na po ako, I already ate my breakfast."

"Ok anak, ingat sa byahe ha? Be safe."

"I will Ma. Bye!" sabay beso sa mama ko habang ang mga paa ko handang handang na makipag sapalaran sa pagtakbo.

- - - - - - - - - -

"As usual, late na naman ang babaeng yun. We're going to college and she hasn't even thought of changing her tardiness habit!"

O.M.G. Galit na si Kayla, sakto naman pag baba ko sa jeep yun agad maririnig ko. Well, i have to think of a good excuse.

"Hi guys! Sorry late na naman ako." Kabado ako habang sinasabi ko to lalo na't narinig kong nainis na si Kayla.

"Hoy babae! Do you know what time is it?'

"8:48 sa watch ko."

"I see. So 8:48 na pala. Just so you know, 8 am sharp po ang napag usapan. VIP VIP-ihan tayo ganon?"

"Sorry naman daw. Late na ako nagising."

"Palagi namang ganyan eh. Hmpf!"

"Kayla dear, at least andito na siya diba? We might as well get going right guys?"

Buti na lang sinalo ako ni Jazz.. Jasmine de la Cruz ang full name nya, siya ang pa tweetums sa grupo namin. Kikay, siya rin un. A typical high school girl you would think of, well technically we're not high school students anymore. Anyway, kahit typical girl siya palaban din yan. I remember one time nakipagsabunutan siya sa school dahil sa isang gossiper na hindi siya tinitigilan.

"Ok, ok. you have a point. Let's get going then."

And salamat at nakalusot na ako dun. Siya nga pala si Kayla Ysabelle McGrath, a British-Filipino teenage girl form London. Back in 2006 pa sila dumating dito. Naging classmate ko siya nung 1st year high school na kami. Bestfriend ko siya pero hindi pa rin siya sanay sa pagiging late ko palagi which is hindi ko naman masisisi, pinaghintay ko ba naman sila nang ganun katagal.

While we were heading to the mall. Nakita ko nagkukulitan na naman sila Ethan, Bryan at Pierre, you know boy stuff. Kahit na mukha na silang matatanda sa hitsura nila (kasi naman ang tatangkad nila) eh para parin silang mga bata.

Si Bryan Policarpio, ang matinik sa chicks. Lahat ata nang magaganda sa school namin nung high school naging girlfriend niya. Magaling ba namin kasi mambola. Pero seriously, mabait naman siya.

"Alex."

Si  Ethan Flores naman ang geek ang grupo. Yup, geek siya. Isipin nyo na lang ung mga usual na geek, yung tipong nagsusuot ng eyeglasses, man of few words, ganun siya. Pero may hitsura naman siya kahit geek siya. In fact may gf siya ngayon, junior namin ang gf niya, si Christine. Going strong naman daw sila sabi ni Bryan.

"Alex.."

And yung last ay si Pierre Dylan McGrath. Kambal siya ni Kayla, fraternal twin. Halos pareho lang sila nang ugali ni Kayla. Mabait, Mapagkakatiwalaan, Respectful, except that Kayla is a nagger. Maingay talaga siya.

When I first saw him in school, my jaw dropped. He was so perfect. For that moment, na stun ako. Until now, crush ko pa rin. Crush lang naman, walang masama di ba?

"Alex. Look out! Sigaw ni Pierre.

What happened? Lost in thought and space ba ako? Di ko man lang namalayan na ung traffic light ay green pa pala. Kaya pala parang may kanina pang tumatawag sa pangalan ko.

"Oh my! Ok ka lang Alex?" Concerned na tanong ni Jazz.

"Ba't di nyo siya piniglan tumawid?!" Galit si Kayla.

"Eh... Nauuna kaming maglakad di'ba? Kayo na yung nasa likod namin di ba Ethan?" Kumamot pa sa buhok si Bry.

"Well.. Magkasabay nga kami ni Bryan maglakad. And we thought kasabay nyo siya maglakad." Nerbyos na sinabi ni Ethan

"So ganon? Kasalanan pa namin?" Ang naging reply ni Kayla.

"Ok ka lang Alex?" Tanong ni Pierre.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot kasi muntik na ako madisgrasya o dapat ko bang ipagpasalamat yung nangyari kasi sinagip ako ni Pierre. Kahit na bestfriend ko ang twin sister niya, mabibiling ko lang sa daliri ko ang naging pag uusap namin. Iba kasi ang section niya nung high school kami. Sa star section sila ni Ethan. Section A kami nila Kayla nun all throughout nung high school.

"O.. Ok lang.. na.. man.."

Ewan ko ba at ba't nauutal ako eh ok naman talaga ako.

"Haaay salamat naman." Sabay na pag-sigh ni Kayla.

"Hmmm... Ehem... Girl, magtititigan na lang ba kayong dalawa diyan? Bilis sumingit ni Jazz kahit kelan talaga.

At tumayo na nga ako at naglakad na parang walang nangyari.

"Last day pa naman natin tong magkakasama sama lahat bilang mga high school students." With the matching pa-sad voice ni Bryan.

"Drama much? OA mo Bry. Super. Haha!" Pangungulit ni Jazz..

"Iisa pa rin naman ang magiging school nating lahat ah." Pagsingit ni Ethan.

"Lahat naman tayo tutuloy sa UPLB eh." Sabi ni Kayla.

Oo nga pala. Sa makalawa na nga pala ang simula ng pasukan. College life na, how i miss high school life. Pero kelangan umusad ang buhay, tuloy na tuloy na ang College chapter nang mga buhay namin. 

But wait, bago pa akong tuluyang magpaka emo. Laking gulat ko nang bumulong sakin si Pierre.

"Ingat ka sa susunod. Baka wala ako para iligtas ka."

End of the world na ata, kaya nya nasabi yun. O.M.G. Did those words really come from his mouth? First, hindi ko inexpect na bubulong siya sa akin. Second, HINDI KO AKALAIN NA ANG MGA SALITANG YUN ANG LALABAS SA BIBIG NYA.

Napa smile na lang ako. Pwedeng na caught-off guard ako? Buti na lang nasa bandang likod kami at nasa unahan silang apat. Baka nagtataka kayo kung alam ni Kayla ang tungkol sa pagkaka-crush ko sa kambal niya. Hindi niya alam yun. Oo, bestfriend ko siya pero di niya alam. Nakakahiya eh kapatid niya kasi at kakambal pa niya.

Dahil sa mga sinabi niya, alam ko magiging masaya ang araw na 'to. :)

Feel free to put in some suggestions or express your reactions and comments. :D

Soul Meets SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon