Chapter Three: Realize

67 2 3
                                    

Thank God it's friday! Finally, friday na which means kinabukasan weekend na. I'm so excited kasi after a week of staying here sa elbi, makakuwi na rin ako at last. Homesick na homesick na kasi ako. Alam ko medyo exaggerated to pero feeling ko 1 taon na rin akong namamalagi dito kahit sa totoo ay isang linggo pa lang naman talaga.

Kakatapos ko lang maglunch kanina nang mag-isa. I KNOW. Forever alone right? whatever. So what kung mag-isa diba? Anyway, ang plano kasi namin ay right after ng class naming lahat eh sabay-sabay kaming uuwi sa QC. Kung hindi ako nagkakamali, mga six nang gabi pa ang huling klase ni Bryan. Siya kasi ang may pinakalate na klase sa amin so naturally, kelangan pa namin siyang hintayin.

As I was walking my way to class, narealize ko kung gaano kainit ang panahon. Biruin mo ba naman, tirik na tirik ang araw tapos ni wala man lang ulap sa kalangitan. Yung pag-itim ay wala namang kaso sa akin kaso kung ganito kainit na tipong nililitson na ang buong katawan ko ay hindi ko kayang indahin. Buti na lang din at hindi gaano kalayo ang kailangan ko lakarin from my previous class to the next one. Konting lakad lang andun na.

"Hi Alex!"

"Uy, hello."

"Uuwi ka ba mamaya?"

"Oo eh. Sabay sabay kaming uuwi nang mga high school classmates ko. Ikaw ba?"

"Sad to say pero hindi eh. Sabi ko kasi sa Papa ko eh mga next week na lang."

"Ah ganun ba. Ako siguro ang hindi uuwi next week."

"Okay. Sige mauna na ako ah. May klase pa kasi ako."

"Sige Candice, kita na lang tayo mamaya sa dorm."

"Later."

- - - - - - - - - -

Habang nagtuturo si Ma'am tungkol sa history ng Chemistry sa lab eh nakatunganga lang ako sa labas ng pinto ng kwarto. Siesta hour ba naman kasi. Papikit pikit na nga ang mga eyelids at sobrang pakikipagsapalaran ang ginagawa ko para lang mapigilan ang tuluyan kong pagtulog.

Siguro napansin ni Pierre ang pagkaka-antok ko kaya naman kinalabit niya ako mula sa likuran.

"Psst! Naghehead-bang ka na diyan sa kina-uupan mo kanina pa."

"Antok na antok na kasi ako."

"Baka mapansin ni ma'am yan. Puyat ka ba?"

"Oo. Nag-movie marathon kasi kami ni Candice kagabi."

"Kaya naman pala eh. Mawawala din yang antok mamaya pag nag-execute na tayo ng experiment.

"Paturo na lang nang gagawin ko ha hindi ko kasi narinig instructions ni ma'am."

"I got you covered."

Sa mga oras na yun ay hindi ko na inisip ko na ang hitsura ko habang nakikipag-usap kay Pierre.

Hindi naman siguro ako ganun kapangit kahit puyat na puyat pa. Yaan na nga. I have no time to deal with petty things.

Hindi naglaon ay nawala din ang antok ko. Tama nga ang sinabi ni Pierre, siguro kaya ako antok na antok dahil naka-upo lang ako. Konting galaw lang pala ang kailangan para ma-shake off ang antok.

Natapos ang klase namin nang 4 sa hapon. Tumungo muna kami sa 7-eleven para bumili nang makakain.

"May gusto ka bang bilhin?"

"Busog pa ako eh."

"Pilipino ka nga talaga."

"Ano?"

"Wala. Sabi ko Pilipino ka."

"Bakit nga?"

"Eh hindi mo naman sinagot ang tanong ko. Ang sinabi mo lang busog ka pa."

Soul Meets SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon