Chapter Six: Letter to Juliet

78 1 2
                                    

It was a very long and tiring night, pero masaya. SOBRA. Incomparable yung saya na nadama namin kesa sa pagod na ibinuno namin sa pagpe-prepare para sa competition, worth it naman eh. Nag-enjoy na kami sa once-in-a-lifetime opportunity, nanalo pa kami. San ka pa diba? Kung tutuusin nga sobra sobra na nga ang nakuha namin, pero siyempre pinagpapasalamat naman namin sa Diyos lahat nang ito.

Nakahilata na ako sa kama ko na may ngiti sa labi. Sobrang saya lang talaga. Eto yung mga tipong sasabihin mo: "Okay, pwede na akong mamatay!". Pero siyempre hindi ko naman mini-mean yung sinasabi ko. HELLO? Ayoko pa mamatay no? Anyway, one-of-a-kind lang talaga yung experience namin at ang maganda pa dun hindi lang kami ang nag-enjoy at natuwa, pati na mga blocmates ko at barkada ko.

Right before I fall in a trance, napatingin ako sa table ko at nakita ko na parang may sobre. Oo nga pala, may binigay nga palang letter si Lawrence sakin. Naalala ko pa na sinabi niya nung binigay nya to na wag ko muna daw basahin, kapag nakauwi na lang daw ako ng dorm. Maybe time na para mabasa ko ang laman ng letter niya para sa akin. Pagkabuklat ko ng papel. WOW. Ang haba nang sinulat niya. Tatlong pages na single spaced at handwritten pa. Habang binabasa ko ang sulat niya, may mga tumatak sa aking mga salita na galing sa kanya. Eto yung pinaka-nakakuha ng attention ko.

"Alam mo Alex, nag-eenjoy akong kasama ka. Puro lang tayo tawanan, para bang walang ibang tao sa paligid natin. Ang saya lang ng mga ganung moments. Sobrang saya gusto kong gawin araw-araw. Napakabait mo, maganda, matalino kahit na medyo mataray ka lalo na kapag nagagalit or nagtatampo. Oh wag kang maiinis habang binabasa mo to ah. Baka kumukunot na naman ang noo mo :P. Sa totoo lang, natakot talaga ako nung nagalit ka sa akin. Hindi ko naman suakt-akalain na hindi mo magugustuhan yung biro ko. Siguro nga medyo insensitive sa part ko na parang pati yung bagay na yun pinaglalaruan ko kahit na seryoso yun lalo na para sayo. Hindi nga ako makapagconcentrate kapag nag-aaral kasi iniisip ko kung pano ako hihingi ng tawad sayo, kung kelan mo ako papatawarin at kung anong dapat kung gawin para hindi ka na magalit sa akin. Mas lalo ko pang naisip na napakasama kong tao habang nagpapractice tayo. Wala kasing emosyon ang mukha mo. Poker face lang. Kapag tumitingin naman ako sa mga mata mo para may piercing effect na nangyayari, pinagpapawisan ako kaya umiiwas na lang ako nang tingin.

Alam ko tapos na tong bagay na to pero gusto ko pa ring humingi nang tawad sa nangyari, hindi na mauulit. At kung mauulit man, sisiguraduhin kong hindi na biro yun. :)))"

Sa dinami-dami nang sinbi niya, yan ang pinaka-tumatak sa akin. Ayoko sana mag-assume or what pero para kasing may gusto siyang ipahiwatig sa sulat niya. Kaso hindi pwede kung totoo yung hinala ko. NO! Para kay Pierre lang ako eh. Feelingera lang talaga ako. Tama. Nagfefeeling na naman ako. Gayunpaman, kahit papano nakaka-touch naman yung sulat niya. At least mas magiging strong pa ang friendship namin. FRIENDSHIP lang ha. Wala nang iba pa. Alam ko iniisip niyo, at hindi ko nagugustuhan yan ha!

Sa sobrang pagod ko, pagkatapos kong basahin yung letter ni Lawrence. Boom! Pikit, tulog na agad. Grabe lang talaga ang pagod ko nun. Kaya kinailangan kong bawiin yung tulog ko.

- - - - - - - - - -

Sunday morning na. Grabe lang, eleven a.m. na ako nagising. Tulog mantika ako, nag-alarm pa naman ako ng 7 para makapaligo at makapagsimba nang alas 9. Deep slumber na naman kaya hindi nagising. Anyway, magsisimba na lang ako mamayang hapon kasama ang mga barkada ko.

Habang nag-aayos nang maduming damit na ipapalaundry, na-realize ko na kelangan ko palang puntahan si Jazz sa kwarto niya bilang nasa kanya pa yung camera ko.

"Jazz! Gising ka na ba? Kukunin ko lang sana yung cam ko."

"Yup! Coming."

"Nasayo ba cam ko?"

Soul Meets SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon