V

8 1 0
                                    

Author's Note:

Kamikazee pinapakinggan ko habang ginagawa to kaya ganto kinalabasan HrAHAHAHA 

---

Sinabi ko sa tatlo yung kalagayan ni Trix at siyempre iba't iba ang reaksyon nila.

Athena: SINONG TATAY? SIGURADUHIN LANG NIYANG PANANAGUTAN KA AH. KUNG HINDI BUGBOG SAKIN YON.

Aphrodite: KELAN PA? ANAK NG HESTIA TRIX ALDEA!!

Hera: Di ka tomboy? Pero bat mo sinuko agad ang perlas ng silanganan sa China.

Lahat kami napatingin kay hera, anong perlas ng silanganan pinagsasabi nito?

"Perlas ng silanganan?" nagtatakang tanong ko.

"Yung pinag aagawang teritoryo ng Pilipinas at China" seryosong sagot nya.

"Luh, patawa ka Scarborough Shoul yon. Hera Jill utak please" sabi ni Jess.

"Langya hahaha perlas ng silanganan amputa bobo naman dis gerl" natatawang sabi ni Athena

"Maka bobo to tange absent ako nung tinuro yun. Ikaw nga spell mo" naiinis na sabi ni Hera

Ngumiti ng nakakaloko si Athena "Spell lang pala ha, SCAR--- ewan peste tulog ako nung yan ang topic" naiinis na sabi nya pagtapos.

Tinignan ko yung dalawa ng maigi, may mali eh. Imposibleng hindi alam ni Athena yung spelling, eh yan Valedictorian ng batch namin eh. Pero kay Hera di na ko magtataka inborn na ata yan eh.

"MAGSITIGIL NA NGA KAYO, ALALAHANIN NATIN NA MAY PROBLEMA SI ALDEA, MGA ISIP BATA EH" sumigaw na sa inis si Jess papangaralan na kami nyan ate mode on, in 3.2.1

"Simulan natin sayo Hestia Trix, bakit, saan, kelan? Hindi ko kasi alam san ba ko nagkulang ng pangaral sayo/sa inyo" tas tumingin siya isa isa samin.

"Ikaw Psyche E-----" pinutol ko na agad ang sasabihin nya.

"Psyche yun lang ang itawag nyo sakin" may diing sabi ko

Sinamaan ako ng tingin ni Jess. Pero wala kong pakialam hanggang ngayon. Ayokong may tatawag sakin non. Sa inis ko lumabas ako ng music room.

Narinig ko lang bumulong si Trix pero hindi bulong yon kasi hindi nakatakas sa pandinig ko.

"Patay na, jess naman" paninisi nya

"FERNANDEZ! San ka pupunta?" Nakataas ang kilay na sabi ni jess

Lumingon ako at tinignan siya ng masama "Sa impyerno, sama ka?" seryosong sabi ko

Nagdire diretso na ko hanggang sa makarating na ko sa gate nila. Pakshet, pupunta pa pala kong ospital. Mahiram nga muna kotse ni Athena.

To: Athena Naureen

Oy pahiram susi, may pupuntahan lang ako. Bilisan mo ah.

SENT

Habang inaantay si Athena iniisip ko parin yung mangyayari naaawa ako kay Hestia baka itakwil siya pero kami lang ang makakapitan nya sa gantong sitwasyon. Tinignan ko ang paligid. Halatang mayayaman ang nakatira dito. Sa disenyo pa lang ng bahay at kung pano ito ginawa halatang milyonaryo ang mayari. Lahat ng garahe may higit pa sa tatlong sasakyan tas ang paligid malinis.

May biglang bumatok sakin at pagtingin ko si Athena pala

Sinamaan nya ko ng tingin "Ayan na, makautos to" sabi nya sabay abot ng susi at sumimangot

Diko na lang pinansin ang pag iinarte nya "Thank you, sabihin mo sa kanila, yung nakagawian na lang na kantahin natin sa linggo." At pagkatapos tinalikuran ko na siya

AlmostWhere stories live. Discover now