Dahil sa tagumpay sa kaniyang propesyon ay nalibang nang husto si abegail at isinubsib ang sarili sa kaniyang career. Isa siyang kinikilalang dermatologist sa buong bansa, at kahit sa ibang bansa ay kilala na rin ang kaniyang kahusayan,Lalo na sa mga bansa sa asia.
Marami nng mg taga-japan,malaysia at hongkong ang komunsulta sa kaniya tungkol sa mga sakit sa balat n madali namwn niyang nabigyan ng lunas.
Nalibang nga I abegail sa kaniyang trabahho at pansamantalang niyang nakalimutan ang kaniyang lovelife. Simula nang maging doctora siya ay ang propesyon na lamang ang pinagtuunan niya ng pansin ,
Ang mga manliligaw niya ay parang palamuti lamang sa kaniyang buhay bilang isang babae. Bagay na hindi nakaligtas sa kaniyang mga magulang.
"Abegail,masyado ka yatang nalilibang sa iyong trabaho at nakakalimutan mo na ang paglipas ng panahon,alalahanin mo na hindi ka bumabata at kailangan mo rin namang harapin ng sarili mong kaligayahan." -wika sa kniya ng ina nang araw na iyon."Ang ibig nyo ho bang sabihin ay kailangan ko nang mag-asawa?" -nangingiting tanong ni abegail sa ina.
"Hindi naman sa pinagtatabuyan kita para lumagay sa tahimik, ngunit ikaw na lamang ang natitirang walang asawa sa inyong magakapatid." -paalala nito sa kaniya.
"Ma pana-panahon ho ang pag-aasawa, nag ka taon na wala pa akong mapisil sa aking mga manliligaw."
"walang mapisil,o talagang ayaw mong mag karoon ng kaugnayan kahit na kaninong lalaki dahil sa kahinhinan mong iyan," kumukumpas pa ang kamay na sani nito sa kaniya.
"mama,marami nga akong manliligaw, subalit ano ang magagawa ko kung isa man sa kanila ay walang makapukaw sa aking damdamin," - sabi niya sa ina ng katotohonan.
"bente nuebe ka na, at ang gusto ko sana ay magkaroon ka na ng asawa bago ka magtrenta." -ina.
"alam ninyo, mama, natutuwa ako sa inyo?" -naiiling na sabi niya sa kaniyang ina habang umiinom siya ng fresh pineapple juice.
"at anu naman ang nakakatuwa sakin?"
"iyong mga nanay ay ayaw mag-asawa ang kanilang mga anak, samantalang kayo ay ipinagtayabuyan pa ako," -sagot niya sa kaniyang ina.
"ayoko kasing magkaroon ng anak na matandang-dalaga," - nakataas ang isang kilay na sabi ng ina.
lingid sa kanilang kaalaman ay narinig ni dino ang pinag-uusapan nilang mag-ina.
"ALMA,huwag mong ipagtulakan ang anak natin sa pag-aasawa,baka basta na lamang iyan dumampot ng lalaki sa kalsada ay himatayin ka," -sabat ni dino sa usapan ng mag-ina.
"hindi naman ako papayag ng mangyar
i iyon." -tigas na sabi ni alma sa asawa.
"mama,hayaan ninyo at simula ngayon ay bibigyan ko ng panahon ang aking sarili," - pangako ni abegail sa ina.
alam niya kung bakit nag-aalala ang kaniyang ina sa hindi niya pagkakaroon ng kasintahan sa edad niyang iyon, at hindi lang siya nagpapahalata sa mga ito na maging siya ay dinadalaw din kung minsan ng pag-aalala.Ngunit hindi naman niya magagawang basta na lamang mag pakasal sa isa sa kaniyang manliligaw para lamang magkaroon ng asawa at anak.
"Mama,ang mabuti pa ay magpahinga na muna kayo at pupunta muna ako sa clinic," - pagkiwan ay paalam niya sa ina para matigil na muna ang pag-uusap tungkol sa kaniyang pag-aasawa.
"abegail,bakit hindi mo subukang dumalo sa mga pag titipon,alam ko na maraming nag-iimbita sa iyo sa mga party ngunit kahit minsan ay hindi kita nakitang dumalo sa mga ganoong klase ng kasayahan." -sabi ng kaniyang ina sa kaniya.
"hayaan ninyo at gagawin ko ang payo ninyo, baka sakaling doon ko makilala ang aking prince charming."
nagmamadali na siyang umalis upang hindi na niya madinig ang iba pang sasabihin ng kaniyang ina.
mabilis ang naging pagmamaneho ni abegail ng kaniyang sasakyan nang makita niyang mahuhuli siya sa kaniyang appointment sa isa niyang pasyente.
At muli niyang naklimutan ang lahat ng kanilang pinag-usapan ng kaniuang mga magulang nang simula niyang gawin ang gustong ipabago ng psyenteng iyon sa katawan nito.
...........*
...........*guys sana magustuhan nyo siya.
sorry sa mga wrong spelling.
first ko kasing mag sulat kaya pasensyahan nyo nalang ok?
vote,comment, and share. 😉
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Tibok ng Puso (ROMANCE)
RomanceSi maria abegail ay isang kinikilalang dermatologist sa buong bansa . gayunman ay wala na siyang panahong unahin ang kaniyang love life. Hanggang Si maria abegail fernandez ay umibig sa isang lalaking natagpuang walang malay sa kalsada. Hindi mata...