KINAGABIHAN ay mag kasamang nanood ng television sina lance at donya Rosario,nagkataon naman na ang reply ng gawad parangal ng pangulo kina maria abigail at ang kaniyang ina ang palabas.
"Napaka galing ng doctorang iyan," hindi napigilang sabi ni donya Rosario habang titig na titig ito sa magandang mukha ni abigail.
"Sigurado ba kayo na siya ang nakapagpagaling sa supermodel na iyan.?"
-Parang walang believe na tanong ni lance sa abuela ng marinig niya ang papuri nito sa nasabing dermatologist."Matagal ko nang sinusubaybayan ang career ng batang iyan at siguro ako na siya nga ang tunay na nakatulong kay maita soriano." -puno ng tiwalang sagot ni donya rosario sa apo.
Hindi alam ni lance kung bakit parang mabigat ang loob niya kay maria abegail ,pero agad din niyang pinalis ang damdaming iyon dahil wala naman siyang pakialam dito.Isa pa alam niya na malabong magkadaupang-palad silang dalawa, dahil hindi naman siya mahilig magpunta sa mga fasion show at iba pang gathering na madalas puntahan ng nasahing doctora.
"Batang-bata pa ay malayo na ang nararating ni maria abegail,sana ay siya nalang ang babaing mahalin mo." hiling pa ng kaniyang lola na nakagimbal naman sa kaniya.
"lola,hindi ho mangyayari ang sinabi niyong iyan," tigas na pag-ayaw niya sa sinabi nito.
"bakit mo naman nasabi iyon, hindi mo ba nakikita na nakapakaganda ni abegail?"
"hindi naman ho kagandahan ang basehan ko sa pagpili ng babaing mamahalin, at saka may girlfriend na po ako at mahal ko si jennifer."
"hindi naman kita pipilitin sa aking kagustuhan,ang sa akin lang naman ay baka sakali dahil napakapalad ng lalaking mapupusuan ng babaing iyan." wika pa nito sa kaniya.
napangiti na lang siya nang marinig ang sinabi nito.
NANG sumunod na araw ay muling nagkita sina lance at jennifer.
"lance, ano ang sinabi ng lola mo tungkol sa relasyon nating dalawa?" -tanong ni jennifer sa kaniya.
"jennifer, hindi ka gusto ni lola, ngunit huwag kang mag-alala dahil tayong dalawa naman ang nagkakaintindihan," -sagot ni lance sa kasintahan.
"may pagkakataon ka pa naman para mapalapit kay lola,huwag ka na lang magpahalata na alam mo kung ano ang saloobin niya sa iyo," -magpapalakas-loov niya dito.
"lance,mahal na mahal kita at hindi ko makakaya kung mawawala ka sa akin," -wika nito sa lola pang pinalungkot na tinig.
"mahal din kita at hindi ako papayag na paglayuin tayong dalawa ni lola," -alo niya dito bago niya ito ginawaran ng halik sa pisngi.
Yumakap si jennifer nag mahigpit sa kaniya para ipadama na talagang mahal siya nito, at ginanto naman niya ng higit na mahigpit ang yakap na iyon.
"Paano na ang balak nating magpakasal?" -kunwang nag-aalalang tanong nito sa kaniya
"Hindi muna natin masasabi kay lola balak nating iyon, hayaan mo muna na magkaroon kayo ng pagkakataon na mapalapit sa isat isa,"
"Alang-alang sa pagmamahal ko sa iyo ay gagawin ko ang lahat para maging malapit sa akin ang kalooban ni lola rosario."
"iyan ang gusto ko sa iyo,malawak ang iyong pang-unawa at kaya mong ipadama sa akin ang iyong pagmamahal," -aniya bago niya ito muling hinalikan sa pisngi.
"Lance,kailan nga pala makukuha ng papa ang nilo-loan niya sa bangko ng kaibigan mo?" - ungkat nito sa kaniya ng tungkol sa perang hinihiram ng ama nito sa bangko ng kaniyang kaibigan na ginagarantihan naman niya.
"Bukas ay tatawagan ko si ricky para alamin ang tungkol diyan."
"Maraming salamat, kailangang-kailangan na kasi ni papa ang perang iyon, at wala naman kaming ibang inaasahan kung hindi ang iyong pangako," -biglang lumambing ang tinig na wika nito.
"Don't worry, siguradong approve ang loan ng lapa mo."
"Siguradong matutuwa ang papa kapag nalaman ang sinabi mong iyan, matutuloy na rin ang negosyong balak niyakapag nakuha ang perang nilo-loan niya sa bangko." -maluwag ang pagkakangiting sabi nito sa kaniya.
"bakit kasi ayaw pang tanggapin ng papa mo ang tulong na inaalok ko sa kaniya, hindi na sana siya maghihintay kung pumayag ang papa mo na ako na lang ang magpahiram ng pera sa kaniya."
"Lance ayaw ni papa na humiram ng pera sa iyo dahil boyfriend kita at ayaw niyang lumabas na pera mo lang ang ko, kaya sana ay maunawaan mo kung bakit ganoon ang kaniyang naging desisyon." -mapapaunawang wika nito.
"Naiintindihan ko.Siya nga pal,baka hindi ako makadalaw sa iyo sa mga susunod na araw, aasikasuhin ko lang ang lupang binibili ko sa tagaytay," -may himig-pagpapaalam na sabi niya sa kasintahan.
"Okay lang,pero huwag mong kalilimutan na tawagan ako," -sagot nito.
:::::::****
:::::::****enjoy sa pag-babasa. 😄😄
follow mw on
twitter: TheRealEkah30 and
instagram: centenoeryka
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Tibok ng Puso (ROMANCE)
RomanceSi maria abegail ay isang kinikilalang dermatologist sa buong bansa . gayunman ay wala na siyang panahong unahin ang kaniyang love life. Hanggang Si maria abegail fernandez ay umibig sa isang lalaking natagpuang walang malay sa kalsada. Hindi mata...