Sa bahay naman ng mga MARTINEZ nang mga sandaling iyon ay kasalukuyang iponakikilala ni lance sa kaniyang lola rosario ang kasintahang si jennifer.
............**
............**"lola,siya ho si jennifer ang girlfriend ko," -wika ni lance sa kniyang lola nang bumaba ito buhat sa ikalawang palapag ng bahay na iyon.
"magandang umaga ho," -magalang na sabi ji jennifer sa kaniyang abuela.
"magandang umaga naman,hija, ikaw pala ang babaing ipinagmamalaki nitong aking apo." -matamis na pag kakangiting sabi ni donya Rosario sa kasintahan na ng apo.
"Lola,nagpahanda na ho ako ng ating almusal sa may swimming pool, ang mabuti pa ay doon na lamang tayo mag kwentuhan," -masiglang sabi ni lance sa abuela bago niya inalalyan ang dalawang babae sa paglalakad patungo sa nasabing lugar.
Habang naglalakad ay hindi naiwasan ni jennifer ang paghanga sa mga mamahaling muebles na nakita nito, alam ng dalagana ang ibang mga kagamitan sa sala ng mga MARTINEZ ay antique at hindi biro ang halaga.Dahil doon ay lalo nitong napatunayan na talagang mayaman ang pamilya ng boyfriend.
"Ano naman ang negosyo ng pamilya mo,jennifer?" -tanong ni donya Rosario matapos silang maupo sa upuang nasa gilid ng swimming pool at nahahabungan ng isang malaking payong.
"Nasa real estate business po ang parents ko," -magalang na sagot ng dalaga sa kniyang lola.
"Ilan taon ka at ano ang natapos mo?" -muling nagtanong ng kaniyang abuela sa kaniyang kasintahan.
"twenty five na ho ako at tapos po ng kursong Business management."
"pareho pala kayo ng kursong tinapos ni lance," ani ni donya Rosario at nakatitig ito ng matiim sa kniyang girlfriend.
"lola,makaktulong si jennifer sa pamamahala ng ating negosyo oras na makasal kaming dalawa," -sabi ni lance sa abuela kahit alam niya na pinag-aaralang mabuti ni donya ang mga kilos at pananalita ng kaniyang kasintahan.
"Natural lang naman iyon,dahil wala namang ibang magmamana ng aking kayaman maliban sa iyo," - sagot ni abuela sa kaniya.
Kakaibang kaligayahan naman ang sumapuso ni jennifer nang marinig ang naging kasagutan ni donya rosario.Inakala ng dalaga na tanggap na ito ng matanda para maging manugang sa apo.Naging magiliw ang kaniyang kasintahan kaya inakala din niya na tanggap na ito ng matanda.
"LANCE,puwede ba kitang makausap nang masinsinan?" -tanong ni donya rosario sa apo matapos yang ihatid ang kasintahan sa bahay ng mga ito.
"tungkol ho ba saan ang pag-uusapan natin?" -tanong ni lance sa abuela.
"tungkol kay jennifer," -maikling sagot nito sa kaniya.
"Ano naman ho ang pag-uusapan natin tungkol kay jennifer?" -andap ang kaloobang tanong niya sa matanda.
"Hijo,matagal mo na bang kilala si Jennifer,at kailan pa nagsimula ang inyong relasyon," -pormal ang anyong tanong sa kaniya.
"Anim na buwan ko na hong nakilala si Jennifer,at mahigit dalawang buwan ho ang relasyon naming dalawa.Bakit ninyo naman naitanong ang bagay na iyan sa akin?"
"Dahil hindi ko gusto si jennifer para sa iyo. at kung maaari ay layuan mo ang babaing iyon."
"lola,mahal ko ho si jennifer, at ang akala ko naman ay okay na siya sa inyo," -halatang naguguluhang wika niya dito.
"Hindi lang ako nagpahalata kay jennifer kanina,ngunit kaiba ang tingin ko sa nababaing iyon,Alam ko na hindi gagawa ng maganda ang ganoong klaseng babae kaya hanggang maaga pa ay layuan mo na siya."
"Hindi ko na ho magagawa ang gusto ninyong mangyari," -tiim-bagang na sabi niya dito.
"Hindi kita pipilitin sa ngayon,Dahil gusto kong makita mo ang ugali ng babaing napili mong mahalin.Subalit hanggang maari ay iwasan mo na makasama ang babaing iyon dito sa pamamahay ko," -Sabi noto sa kanya bilang pagtatapos sa kanilang pag-uusap.
Napabuntong hininga na lamang siya nang tumalikod ang kaniyang lola Rosario,Alam niya na malaking problema ang kaakibat ng pag-ayaw nito kay jennifer. Subalit wala siyang magagawa kung hindi sundin ang tibok ng kaniyang puso, Pipilitin nalang niya na mailapit ang kalooban ng kaniyang lola sa kasintahan upang hindi ito maging sagabal sa knilang relasyon.
.........*****
.........*****guys updated nlng ah. medyo busy kasi school,maraming gingawa. pero ta try ko para matapos n siya hahaha..😉😀😀😀
VOTE, COMMENT AND SHARE 👇:*
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Tibok ng Puso (ROMANCE)
RomanceSi maria abegail ay isang kinikilalang dermatologist sa buong bansa . gayunman ay wala na siyang panahong unahin ang kaniyang love life. Hanggang Si maria abegail fernandez ay umibig sa isang lalaking natagpuang walang malay sa kalsada. Hindi mata...