Chapter 14

2 0 0
                                    

Kea's POV

"Feeling ko talaga kanina babe kaya mo ng pumatay ng tao." Tumatawang sabi ni Van.

"Kaya ko na talagang makapatay ng tao kanina kung hindi ka lang naki-epal!" Galit na sabi ko habang nilalantakan ang isang gallon ng avocado ice cream ko.

Dinala ako dito ni Van sa Ice Cream Parlor para tanggalin ang inis ko at nag-tagumapay siya dahil nawala na kahit papaano.

"Babe, ngayon ko napatunayan na mahal mo talaga ako." Sabi niya at ang kolokoy parang kinikilig pa.

"Mukha talaga tong abno!" Sabi ko habang tumatawa.

"Baby may gusto ako puntahan!" Sabi niya at nag-pout.

"O saan naman?"

"Sa playground!" At itinaas niya pa ang dalawang kamay niya.

Ohmygoshhh!! Meron akong boyfriend na mas isip bata pa sa totoong bata.

"Sige after natin kumain ng ice cream pupunta tayo sa playground." Sabi ko at ngumiti.

Nag-liwanag naman ang mukha niya mabilis na kumain.

Mabilis lang namin kinain ang ice cream namin at pumunta na ng park.

"Waaahhh! Duyan! Tara dun tayo!!" Sabi niya at hinila ako papunta dun sa duyan.

"Upo ka tapos itutulak kita!" Sabi niya ng nakangiti.

Umupo naman ako sa swing at dahan-dahan niya akong tinulak.

"Ano kayang gagawin mo sakin kapag niloko kita?" Bigla niyang tanong.

Teka?! May plano ba siyang lokohin ako?

"Hmmmm. Baka wala na akong magawa. Kasi kung lolokohin mo ako that means nabawasan na yung love mo for me, that means hindi ka na masaya at kuntento sakin. Baka umiyak na lang ako ng umiyak at hindi ko na ipagpilitan ang sarili ko sayo." Naisip ko bigla kung anong mangyayari kaya napaluha na lang ako.

Naramdaman kong medyo humina yung pag-tulak sakin at naramdaman ko na lang na may biglang yumakap sakin.

"Shhhhh. I'm so stupid to ask that impossible question. Do you think I can don that? Never babe! Never ko yun gagawin kasi kahit tignan lang kita sumasaya na ako. Kahit wala kang ginagawa sumasaya na ako. Kaya imposible na lokohin pa kita baby. Baka ako na mismo kumitil sa buhay ko kapag nakita kitang nasasaktan. Di'ba wala na tayong hiwalayan?"

"Oo naman. Forever and always na tayo di'ba?" Sabi ko habang lumuluha pa din.

"Ayun naman pala eh. Sorry babe. Sorry dahil tinanong pa kita." Yakap niya pa din sakin at hinalikan niya ako sa noo.

"It's okay. Atleast alam na natin pag-nangyari yun."

"Don't worry. That will never happen, okay?"

Niyaya niya na lang ako sa mall para mag-date para daw makabawi siya.

Bawi pala ha! Magdusa ka!

"Babe naman! Halos lahat na ata ng kainan dito nakainan na natin eh! Hindi ka ba nabubusog? Bat ba kasi ang takaw-takaw mo? Hindi ka naman tumataba!"

"Edi mag-hanap ka ng girlfriend na parang manok kung kumain o kaya girlfriend na mataba!" At naglakad na ulit ako.

"Hala siya! Joke lang yun! Kahit hindi ka na kumain o kaya kahit kasing laki mo na si big mama mahal na mahal pa din kita!" At inakbayan niya ako. "Tara arcade na tayo!"

Wala na akong nagawa dahil hinila niya na ako.

"Waaaaahhh! Ang cute!!" Sabi ko ng makita ko ang life-size teddy bear na kulay white dun sa nakasabit at makukuha mo lang kapag naka-ipon ka ng ticket.

"Gusto mo ba yun?" Tanong ni Van kaya tumango naman ako.

"Miss magkano yan?" Tanong niya dun sa nagbabantay.

"Ay sir, kailangan niyo pong makaipon ng six thousand tickets para makuha niyo to. Hindi po siya for sale." Sabi naman nung nag babantay.

"Ganun ba?" Binigay niya yung card niya at pinalagyan ng worth five hundred pesos na token.

Una naming pinuntahan ay ang basketball dahil dun siya magaling. Marami naman kaming nakuha na tickets pero kulang pa din.

Next naman ay dun sa meron na hinuhulugan na bola. Pero na-kailang try na hindi niya pa din nakukuha ang 100 or yung jackpot kaya nabadtrip na siya.

Ang dami pa naming na-try pero kulang pa din. Hayss.

"Wala na akong token sa card ko bad trip!" Sabi niya na halatang inis na inis na.

Pumunta ulit siya dun sa counter at pinilit yung nagbabantay pero ayaw talaga.

"Halika na nga." Sabi niya at hinila ako palabas ng arcade.

"Where are we going?" Takang tanong ko.

"Basta." Maya-maya pa ay pumasok kami sa McDonald's at um-order na siya.

"C.R lang ako." Sabi niya at hinalikan ko sa lips.

Nag-cellphone lang ako ng nag-cellphone dahil ang tagal ni Van.

Maya-maya pa ay nagbulungan ang mga tao at nakatingin sa likod ko.

Dahil sa curiosity ay lumingon na din ako.

"Oh my." Ayan lang ang nasabi ko ng may makita akong teddy bear na kulay white na siguro 8 ft. At katabi nun si Van.

Napangiti naman ako at napakamot siya sa batok niya.

"Well dahil na bwiset ako kanina dahil hindi ko nakuha yung bear na gusto mo. Bumili na lang ako. Nagustuhan mo ba?" Hindi ko na siya sinagot at tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya.

"I love it. Thank you babe." And I kiss his lips.

Thank You, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon