"Maybe this is the right time." bulong ni Maine sa sarili habang inaayos ang dalang pagkain na niluto nya kaninang umaga.
Nakatayo sya tabi ng poste habang sinisilip ang gate nila Jake. Napatago sya ng makitang may nagbubukas nito. Ayun, buti na lang si Aling Meding ang lumbas. Dahan-dahan sya lumapit sa kasambahay.
"Hello po, kamusta na po Aling Meding? Nadyan po ba si Jake?" bati niya agad. Napatingin lang sa kanya ang babae na tila ba kinikilala sya. At napangiti ito ng mamukhaan si Maine.
"Oh Menggay, ikaw pala yan. Namiss kitang bata ka." niyakap nito si Maine, "long time no see hija, kumusta ka na?" bumitaw naman ito agad sa pagkakayakap sa kanya pero nakahawak padin ito sa balikat nya. "Bakit napadalaw ka yata?" Hindi pa nakakasagot si Maine may tanong agad ito. Napangiti na lang si Maine sa reaction ni Aling Meding.
Naging malapit ito kay Aling Meding dahil sa lagi nyang pag bisita dito dati. Halos parang lola na nya ang turing dito.
"Ah, nadito po ako kasi bibisita---" hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang biglang bumukas ang pinto. Halos mabitawan na nya ang hawak nyang pagkain ng makita nyang may kaholding hands na babae si Jake. Nangilid agad ang mga luha nya sa mata habang nakadikit pa din ang tingin sa gawi nila Jake.
"wala po pala Aling Meding, kukumustahin ko lang po kayo. Mauna na po ako." hindi na nya hinintay na makasagot pa ang matanda at nagmadali na syang lumayo sa bahay.
Tila walang patututnguhan si Maine pero tuloy tuloy pa din sya sa paglalakad ng mabilis. "Ganun lang, ganun lang nya ako kabilis palitan? Bakit mukang ang saya-saya nya?"
Nakaramdam ng pagod si Maine kaya naupo sya sa gilid ng daan. "Kainin ko na nga lang ito, buti na lang hindi ko nabitawan kahit halos malaglag na sya sa panglalambot ko" binukas nya yung topper ware na naglalaman ng pagkain na paburito ni Jake. Nakatulala lang sya habang sumusubo ng pagkain.
"Ang sarap naman nyan." biglang may nasalita mula sa taas. Nagulat si Maine, lumingon sya sa kanan at kaliwa ngunit wala naman.
Bumaba mula sa puno ang nagsalita at naglakad papunta sa harap ni Maine. "Kanina pa kita pinapanuod. Bakit ka umiiyak? at bakit dyan ka kumakain?" nagulat at napatingala si Maine sa nasa harap nya. Nailahad ng lalaki ang kanyang kamay. "I'm Alden, ikaw anong pangalan mo?" Nag-iisip si Maine kung iaabot ba nya ang kamay nya para makipagshake hands, pero na isip nya na wala naman mawawala shake hands lang naman yun. Pinunasan nya muna ang luha nya bago abutin ang kamay ng lalaki. "Maine" matamlay nyang sabi.
Tinignan ni Alden ang kamay nya dahil may luha pa ang kamay ni Maine ng magshake-hands sila. "Sorry kung nalagyan kita ng luha." napangiti lang si Alden at tumabi sya kay Maine.
"Bakit ka mag-isa?" tanong nya. Hindi sumagot si Maine, kaya tinignan nya ito. Nakatingin lang ito sa kawalan, nangingilid na naman ang luha nya. Nang makita nyang tumulo ito, pinunasan nya ito gamit ang thumb nya. "Kung sino man yang nanakit sayo or nang iwan, hindi nya deserve yang luha mo." Napabuntong hininga si Maine.
"Gumising ako ng maaga, kahit halos napuyat ako maaral ko lang itong lutong ito. Ginawa ko ang best ko para maperfect ito." Napatingin si Alden sa kamay ni Maine, may mga paso at hiwa. Nakaramdam ng kirot sa puso si Alden kahit hindi pa nya alam ang buong kwento. Mabilis mapukaw ang damdamin nya lalo na kapag nakakakita sya ng babaeng umiiyak, kahinaan nya talaga ang babaeng umiiyak, parang may bumubulong sa puso nya na dapat nyang protektahan ang babaeng katabi nya. Hinimas nya ang likod nito na mas lalong nakapag paiyak kay Maine.
"Nakuha ko naman ang gusto ko, nagawa ko yung luto. Pero hindi ko pala sya kailangan. Dahil..." napatigil sya sa pagsasalita dahil lumuluha na naman sya. "...dahil masaya na sya sa piling ng iba, at wala na syang pakialam sa akin. Hindi ko alam kung nakita nya ako pero sana hinabol man lang nya ako." nalilito si Alden sa sinasabi ni Maine ngunit nakinig lang sya sa sinasabi nito. Halos inabot sila ng dilim sa pagkukwentuhan.
"Gumagabi na, gusto mo hatid na kita? Hindi safe na umuwing mag isa ang babae." tumayo sya para maiguide ito sa pagtayo.
"Hindi na, kaya ko na mag-isa.....dapat na akong masanay mag-isa" inayos na ni Maine ang gamit nya.
"Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo." pilit ni Alden dito. Naglakad na paalis si Maine pero sumunod na lang sya dito.
"Bakit nga pala na katamabay ka sa punong yun? Kanina pa ako kwento ng kwento pero ikaw hindi mo sinabi yung dahilan kung bakit ka nadun?" -Maine
"Lagi akong nakatambay dun, mahangin at malayo sa gulo sa bahay." paliwanag nya.
Naihatid nya si Maine hanggang bahay nila kahit pilit nitong sinasabi na kaya na nyang mag-isa pero wala naman itong nagawa dahil nakasunod sya dito.
"Ahm, bye! Maraming Salamat pala sa.....sa pagsama sakin." ngumiti ito, tila tumigil ang mundo ni Alden ng masilayan nya ang ngiti ni Maine. Mas lalo syang gumanda ng ngumiti sya. Nakasarado na ang gate nila Maine pero nakatulala pa din si Alden. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya pero may kakaibang init syang naramdaman sa dibdib nya. Umuwi sya na ganun lang ang nararamdaman.
Nakakapagod ang araw na ito. Kahit nakikinig lang sya sa kwento ni Maine, nakahiga lang sya sa kwarto nya habang nirerecall nya ang kwento nito sa kanyang isipan. "Kung sino man yang lalaking yan, hindi nya deserve ang luha ni Maine." bulong nya sa kawalan. Damang dama nya ang purong pagluha ni Maine at sinseridad sa bawat salitang binibitawan nito. Hindi ako makatulog.
Napabangon sya dahil sa ingay nanaririnig nya sa kabilang kwarto. Kinatok nya ang pintong ito, "kung ano man yang ginagawa nyo, bigyan nyo naman ng respeto ang bahay natin Jake"
(When you try your best, but you don't succeed
When you get what you want, but not what you need
When you feel so tired, but you can't sleep
Stuck in reverse)
BINABASA MO ANG
Fix You - AlDub
Fanfiction(Lights will guide you home) Susubukan kong maging ilaw sa madilim na daang tinatahak mo. (And ignite your bones) Alam kong pagod ka na at malapit nang sumuko, pero nandito lang ako para samahan ka, itayo ka sakaling madapa ka. (And I will try to fi...