Could it be worse?

24 1 0
                                    


Naghahalo ng kape si Maine habang iniisip pa din ang pinagsamahan nila ni Jake.

Hindi ko alam kung saan ako nagkamali, masaya naman kami nun pero bakit hindi ko namamalayan na lumalayo na pala sya sakin. Almost perfect na nga daw ang relasyon namin.

Nung araw na bigla nagtext sya sa akin na magkita daw kami, akala ko magpropropose na sya. Akala ko  plaplanuhin na namin ang buhay namin na magkasama kaming dalawa, akala ko lang pala yun. Dahil ang araw na yun pala ang dudurog sa akin. Dahil yung araw na yun tutuldukan na pala nya ang relasyon namin.

Hindi man lang nya sinabi kung san ako nagkulang o nagkamali bakit sa isang iglap lang ayaw na nya agad?


Nagulat si Maine dahil may humawak sa pisngi at pinunasan ang kanyang luha.

"Umiiyak ka na naman." kalmadong sabi ni Alden, naawa na naamn si Alden sa kanya hindi nya inaasahan na magkikita sila dito ni Maine. Mas lalong lumakas ang kutob niya na dapat nyang tulungan na buuin si Maine.

"Ikaw pala yan, kanina ka pa?" matamlay na sagot ni Maine.

"Hindi kakadating ko lang." Umupo si Alden sa tapat nito.

"Sa tingin mo babalik pa sya sakin?" tanong ni Maine at napabuntong hininga ito.

Napailing na lang si Alden, "kung masaya na sya sa iba, bakit ka pa nya babalikan? At kung mahal ka talaga nya hindi sya magiging masaya sa iba." hanggang ngayon hindi pa din kilala ni Alden kung sino man ang tinutukoy nito. "Palitan mo na lang sya, ang daming lalaki sa mundo na hinding hindi ka iiwan at ipagpapalit sa iba."

Mas lalong dumaloy ang luha ni Maine sa sinabi ni Alden. "Hindi ganun kadali yun, iniisip ko pa lang na palitan sya hindi ko na kaya."

"Mahal mo nga sya, pero...."huminga muna ng malaim si Alden "..pero nasasayang lang ang pagmamahal mo sa kanya." napatigil sya nang marinig nya ang mga sinasabi nya. Ang sakit ko bang magsalita? But the truth hurts. 


Humagulgol na si Maine. Hindi alam ni Alden ang gagawin nya kaya tumabi sya dito at niyakap sya. 





(And the tears come streaming down your face
When you lose something you can't replace
When you love someone, but it goes to waste )

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fix You - AlDubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon