Chapter 1

98 2 0
                                    

Nam's POV

"Uy alam mo ba Nam? Break na sina Mika at Henry mo."

WHAT THE---!? SERYOSO?!

"Di nga?"

"Oo nga! Sayong sayo na si Henry."

Tulalang tulala ako sa balita ni Jeya sakin. Dapq. May pag asa pa ako? GHADDDDDDDDDDD!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

At home. Finally! Pagkadating ko na pagkadating sa kwarto ko, agad kong hiniga yung likod ko sa kama. Medyo sumakit kasi maghapon kaming nag exam.

Pumasok na naman sa isip ko yung balita ni Jeya sakin kanina. Henry and Mika are now officially broke up!!! Matagal tagal ko ring hinintay ang pagkakataong ito!

Agad kong kinuha yung laptop ko. I need to stalk him first. Sinearch ko kaagad sa search box si Henry.

"John... Henry Bautista..."

*Click*

Sht! Ang gwapo nya parin talaga wtf.

Actually, di ko sya friend sa fb. Sabi kasi...

"Unable to send friend request." Inamo facebook. Ang bad mong hayuf ka. Hindi ka gwapo tandaan mo yan okeh?!

Kahit papano di naman naka private mga post nya kaya nakikita ko bawat post nya. Famous kasi to. Heartthrob sa buong campus kaya siguro marami nang friend kaya di na maka accept. Arte kasi ni pareng facebook.

*Scrolling down*

"Hmmm... Suddenly the spark between us disappeared and everything that we once called magic turned into something tragic. -d.d"

Ayos nag credit pa. Hahaha. Totoo nga. Break na sila. Dami kong nakikitang reactions sa post nyang yun. Umabot na sa 600± yung likes kasama yung mga reaction in just 30 minutes.

Karamihan sa reaction yung sad emoji. Ano to? Gaguhan? Kunware sad kayo pero deep inside nag pipyesta yang mga laman loob nyo bati buto.

Madaming nainis nung naging sila ni Mika. Madami namang nag paraya na lang. Tsaka duh. Wala namang silang ano kay Henry. Duh.

Teka. Travel muna ako sa TL ni Mika.

"Mikayla... Gregorio."

*Click*

Si Mika friend ko na sya actually sa facebook. Matagal na. Hindi pa sila ni Henry. Mabait si Mika. Wala ka nang hahanapin sa kanya. Minsan ko na rin kasing kaibigan yan si Mika. Kaso nung naging busy na sya, hindi ko na sya nakakausap.

Uhmmm... Actually, di ako nagalit nung naging sila ni Henry. Tanggap ko yun pero syempre umaasa parin ako no.

*Scrolling down*

"I left you because I have no any choice to stay. Goodbye."

Sht. Tagos yun ah? Luh? Si Mika ata ang nakipag break. Putaena. Hala bakit kaya?

Hmmmmmm.......

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nasa canteen ako ngayon. Hindi na naman pumasok si Jeya. Problema nung babaeng yun? Lonely na naman ako dito.

"Ate no ketchup please... Thank you." -ako.

Inabot sakin nung nag bibigay ng meal sa canteen yung fried porkchop (I know. Sosyal talaga campus namin chareng). May allergy ako sa ketchup e. Kaya bawal ako.

Pagkakuha ko ng pagkain ko, naririnig ko na naman mga bulungan ng mga schoolmates at classmates ko. May issue na rin kasi ako dito at buong campus alam yun.

Ganito kasi yan. May kumalat na scandal video dito last year ng isang student ng campus na babae at yung school guard namin tapos yung itsura nung babae, nakasalamin tsaka naka ponytail. Payat din kaya napag kamalan na ako yun.

Sobra sobra yung pagka depress ko nun. Pati magulang ko nadadamay sa issue na yun. Kaya ni isa wala akong ibang kasama o kaclose kundi si Jeya lang.

Ilang beses ko na rin ipinaliwanag ang lahat na hindi ako yung nasa video pero pilit parin nila yun. Hindi ko na alam anong pwede kong gawin para paniwalaan nila ako nun. Hanggang sa napagod na lang ako at tinanggap ang katotohanang yun ang pinaniniwalaan nila.

"Uy si Ms. S nandito na naman."

"Oo nga. Bat kaya hindi pa sya ma kick sa campus?"

"Siguro pati school staff nilalandi nya o kaya may nangyare na sa kanila."

Putangina tong mga to. Namumuro na sakin tong mga to pero sanay na ako. Wala na akong magagawa.

Padaan ako sa harap nila nang bigla nilang tinalisod ang paa ko. Buti mahigpit ang pagkaka hawak ko sa dala ko at hindi ako nasubsob.

Hindi ko na lang pinansin yun at umupo na lang ako dun sa dulong bakante ng upuan para kumain. Hanggang ngayon tinitignan parin nila ako at tinatawanan.

Pinepretend ko na lang na kunware ako lang mag isa sa mundong kinauupuan ko ngayon at kumakain.

"Nam?" Isang boses lalaki ang lumapit at tumawag sakin sa harapan ko.

Unti-unti kong inangat ang ulo ko para tumingin sa kanya kasi parang familiar yung boses nya.

Pag angat ko, nakita ko ang magagandang ngiti na isinalubong sakin ni Henry. Yes. It's Henry. GHADDDDDDDDDDD!!!

*****************

A/N: halu to all of u! First time lang ng utak ko makapag halikot ng mga gantong klas ng story kaya pagbigyan. Hahahaha.

Abangan: bakit kaya linapitan ni Henry si Nam? Dito na ba mag uumpisa ang pagiging rebound ni Nam para sa broken hearted na si Henry? Bakit nga ba iniwanan ni Mika ang perpektong si Henry? Abangan sa susunod na Chapter ng Every BH Needs a Rebound.

Enjoy Reading!!! 화이팅!

Every BH Needs a ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon