Henry's POV
Papunta na ako ngayon sa bahay ni Nam. Di ako sure sa binigay na address ni Daniel. Humingi kasi kami kay Jeya ng address nya at ibinigay nya naman ito kasi nga supportive kuno sya saaming dalawa ni Nam.
"Dude, sa tingin mo ba tama tong binigay nung Jeya yung address ni Nam?" nasa kabilang linya si Daniel. kausap ko sya ngayon sa telepono. Kilala kasi ni Daniel yung Jeya kasi madalas nyang makitang magkasama yung dalawa.
"Oo sure yan!" sagot nya at binabaan ko na sya ng telepono.
May mga dala ako ngayong flowers at chocolate. Alam kong makaluma yung concept ng style ko ngayon pero mukha namang magugustuhan nya e.
Mas makabubuti kung magtanong tanong na rin ako kung saan ang bahay ni Nam.
Inopen ko yung window ng kotse ko sa side ko. Linapitan ko yung mga nag iihawan na may mga kumakain na dalaga. Marami ding nagtitinginan sa sasakyan ko at laking gulat nila nung binuksan ko yung bintana ng kotse ko.
"uhm... miss? pwedeng magtanong?" ngumiti ako sa mga ito at bigla na lang silang nagbulungan na parang kinikilig pa na ewan.
"sure mr... pogi." sagot nung isang babae na may hawak na isaw.
"saan ba dito bahay ni Nam Buenacosta?"
"Ahhh si Nam! Ayun lang oh." tinuro nya yung bahay na kulay white ang gate.
Kinuha ko yung isang ferrero rocher na isang box at inabot sa kanya as a thanks gift kasi di sya nagdalawang isip na sabihin sakin ang bahay ni Nam.
"Salamat." laking gulat nya nung binigay ko yung chocolate. may mali ba sa ginawa ko?
Ipinarada ko sa isang bakanteng pwedeng pag parkingan ng sasakyan yung sasakyan ko. Pumatungo na ako sa gate nila at inayos ng polo at buhok ko.
*ding dong*
naghintay ako sa pag response sa pag doorbell ko at lumabas ang isang cute na batang babae. Ang cute nya sobra. siguro mga 7 eto pero ang cute nya. medyo kamukha nya si Nam. baka kapatid nya.
"Bakit po kuya? sino po kayo?" mahinhin nyang sabi habang nasa pinto pa lang sya ng bahay. di sya lumapit sa gate.
"nandyan ba si Nam?" tinanong ko na sya.
"ay opo. nasa banyo po e. tumatae. bakit po?"
"kaibigan nya ako e. may gusto lang sana akong ibigay."
lumapit sya malapit sa gate at tinitigan ako sabay hawak sa baba nya.
"hmm...." tinignan nya ako mula ulo hannggang paa at nagisip ng mga 5 seconds.
"osige. pasok ka muna kuya." sabay pinapasok na nya ako. siguro naman naging mukhang presentable ako sa paningin nung bata. hehe.
pinapasok nya ako sa loob at nakita ko sa loob yung parents nya nasumalubong saakin. naka apron pa mommy ni Nam at nakapambahay ang daddy nya.
"good evening tita, tito." binati ko sila at nagmano sa kanila.
napakunot noo sila. siguro dahil na rin sa ngayon lang nila ako nakita at tinawag ko pa silang tita at tito.
"ATE BILISAN MO NANG TUMAE DYAN! MAY BISITA KA! GWAPO ATEEEE BILISAN MOOOO!" napatingin ako dun sa cute na bata kanina na kinakatok si Nam sa banyo.
"SINONG BISITA?!?! NAG DADASAL PA AKO SA BANYO PAKISABI WAG ATAT!" biglang sumigaw si Nam. Natawa na lang ako na patago.
"uhm iho, kaano ano mo si Nam?" tinanong ako ng mommy ni Nam habang tinititigan pa rin ako.
"uhmm... kaibigan po ako ni Nam."
"ay jusmiyo iho. minsan lang magkaroon ng kaibigan yan at ang pagkakaalam ko si jeya lang ang kaibigan ni nam e. meron pa pala siyang kaibigan. kay gwapo gwapo pang binata." -tita.
"haha. di naman po tita."
bumukas ang pinto sa banyo at lumabas na si Nam. naka uniform parin sya hanggang nagyon kaso hagard na hagard mukha nya tapos gulo gulo ng buhok at nakatucked in shirt pa.
"sino ba kas----" hindi natuloy ang sasabihin nya nang makita ako na nakangiti sa kanya.
kitang kita sa mukha nya yung pamumutla nya na parang lalong nadagdagan yung kahihiyan nya.
"HENRY?!" -Nam.
"henry?" -tita
"henry?" -tito
"hwenery?" -yung cute na bata
di maidrawing ang reaction ni Nam nang makita nya ako. "anong ginagawa mo rito?" lumapit sya at tumabi saakin pero putla parin mukha nya. "uhmmm... para manligaw? at para makilala ako ng parents mo."
"WHAT THE?!!!!!" hinila ko si Henry sa labas. nakaramdam ako ng kilig at kahihiyan ngayon.
"seryoso ka ba?! pumunta ka pa dito sa bahay?!" mahinang pasigaw ko sa kanya. wag nyang sabihing porket crush ko sya, pagbibigyan ko sya. don't me.
"seryoso nga ako Nam. kaya kailangan malaman ng parents mo na manliligaw mo na ako simula ngayon."
"jusko. ano ba tong nangyayare sakin." napapaluha na si Nam. nahihirapan na ata sya sa ginagawa ko na pagiging rebound nya para kay Mika. pagnatapos lang tong planong ito, hihingi talaga ako ng tawad sayo Nam. hindi ko gustong saktan ka pero gusto ko rin namang lumigaya sa feeling ni Mika. patawarin mo ako.
***************************

BINABASA MO ANG
Every BH Needs a Rebound
RomancePaano nga ba nagsimula ang lahat? Isang taga hanga lamang si Nam ni Henry na hindi akalaing hahantong pala sa huli ang kaganapang hindi mawari ni Nam kung isang panaginip lamang ang lahat. Paano kung malaman ni Nam na isa lang pala syang REBOUND ni...