Zheira's POV
Mabilis ang kilos na lumapit ako kay Frost na nakahandusay sa sahig. May sugat siya sa balikat na halatang tama ng isang baril. Parang silencer ang ginamit dahil wala naman akong narinig na putok kanina.
Binuhat ko siya nang dahan-dahan at inihiga sa kama.Napalunok ako nang ilang beses nang makita ko ang dugo niya sa katawan. Parang gusto kong tikman, gusto kong alamin kung ano ang lasa ng dugo niya.
Ipinikit ko ang mata ko para pigilan ang sarili. Hindi 'to pwede. Mali 'to. Pero talagang matigas ang ulo ko dahil ang kamay ko ay papalapit nang papalapit sa sugat niya.
"Urgh! Fuck! Stop yourself Zheira, hold your thirst. Kapag pinakialaman mo ang dugo niya, hindi mo na kaya pang pigilan ang sarili mo."
Parang baliw na iniling-iling ko ang ulo ko. Sinulyapan ko ulit si Frost papunta sa sugat niya. Parang may humihila sa akin papunta sa kanya. Itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang sariwang dugo na umaagos mula sa kanyang balikat.
Nanginginig ang kamay na inamoy ko ito. Parang naubos ang laway ko kakalunok nang maamoy ko ang dugo. Napakasariwa, parang ang sarap sipsipin.
Yumuko ako at lumapit sa sugat niya.
Two inches.
One inches.Konti na lang matitikman ko na ang dugo niya nang bigla akong mapaigting.
"That was closed."
Kinuha ko ang cellphone ko na walang tigil sa pagtunog.
Humugot ako nang malalim na hininga at tiningnan kung sino ang tumawag. Napakunot ang noo ko nang unknown number ang nakaregister.
May pagatatakang sinagot ko ang tawag."Sino 'to?"
"So its really you. Amazing."
Malamig nitong saad at biglang pinatay ang tawag. Nalilitong ibinaba ko ang cellphone.Sino 'yon?
Tsk, prank call lang siguro.Nagpakawala ako nang malalim na hininga at hinanap ang number niya sa phonebook.
Dahil hindi ko kayang gamutin o tingnan man lang ang sugat ni Frost ay napagpasyahan kong tawagan si Jason. Siya na lang ang pagagamutin ko sa sugat niya, dahil kung ako baka kung ano pa ang magagawa ko."Hello?"
"Its me, pumunta ka dito sa Dorm. Magdala ka ng gamot para sa sugat ng baril. "
"Faster."
Ibinaba ko ang tawag at pinulot ang jacket niya sa sahig. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang papel na nakasipit sa bulsa. Ang death list.
Kinuha ko ito at binasa ang mga pangalan na nakasulat. Tama nga si Jason, lahat ng tao dito sa GU ay nasa listahan. Pero bakit wala ang pangalan ko dito? Nakapagtataka.
Tiningnan ko ang lahat nang may pulang marka.
Karamihan ay puro freshmen.
Freya Sy, Gretel Fright, Vince Hale, Carlos Zrek, Frost Zane Park, teka Frost? Kasali siya dito?
May Flakka na din ba siya sa katawan?"Nasaan siya?"
Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Jason. May dala siyang bag na halatang medicine kit ang laman.
"Nasa likod ko, ang bulag mo naman kung hindi mo nakita."
Pokerface kong sagot.
Napailing naman siya at tahimik na lumapit Kay Frost. Ang tanga naman kasi, hindi ba niya nakita ang gagong Frost na 'to sa likod ko? Nagtanong pa kung nasaan eh wala namang ibang kwarto dito. Tsk."Punta lang ako sa library, ikaw na ang bahala sa kanya."
Dugtong ko at lumabas na ng kwarto.Kailangan kong makita ang Students book. Ang mga estudyanteng nandito sa listahan, kailangan ko silang mahanap pero hindi ko magagawa 'yon kung hindi ko alam ang itsura nila. Kung mangyari 'yon, mapipigilan ko ang plano ni Tania. Sana lang hindi pa huli ang lahat.
BINABASA MO ANG
Grave University 2: ZHEIRA✅
ActionCOMPLETED The game is not yet over. Its just a beginning. The Death is rising again. Another lives will be at risk. Can they still fight it until the end? Plagiarism is a crime.