Chapter 30: Tears and Pain

2.2K 68 5
                                    

Zheira's POV

Kasalukuyan ako ngayong nakaub-ob sa upuan nang biglang nagsigawan ang mga babae dito sa classroom.

"Kyaaahh! Ang gagwapo!"

"Omo! Ang cute!"

Parang kwitis sa lakas ng boses. Ang sakit sa tainga. Tinakpan ko ang tainga ko at tiningnan kung ano ang pinagkaguluhan nila. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang mga lalaki sa harapan. Sila 'yung nakita ko sa Announcing Hall.
Anong ginagawa nila dito? Wag mong sabihing magkaklase kami? Magkaklase nga siguro, hindi naman sila pupunta dito kung hindi, tsk.

Naagaw ng pansin ko ang isang lalaki sa likod. Sa porma niya halatang hindi niya kilala ang mga lalaki sa harapan.
Pula ang buhok niya na emo ang style, 'yong tipong natabunan ang kalahati ng mukha niya. May suot na malaking eyeglasses, maluwag ang suot na uniform at mahigpit na nakahawak ang dalawang kamay niya sa brown na backpack. Parang kahit anong oras may aagaw sa bag. Mas pangit pa yata itsura niya sa akin.
Nakapagtataka lang ay nakapasok siya dito. Akala ko ba bawal mahihirap dito? Bakit may nakapasok? O baka mayaman talaga 'to pero ganyan lang ang ayos? Gaya-gaya din eh.

"Okey class take your seat. Transferees, please introduce yourself."
Bungad ni Ms. Dazes pagkapasok ng classroom. Tumahimik ang lahat maliban sa mga babae na walang-tigil sa pagtili. Ngayon lang yata nakakita ng gwapo.

Tahimik lang akong nakaupo at tiningnan ang limang lalaki na naglalakad papunta sa harapan.

"Cade Stiz, 18."
Cade Stiz, 'yan pala talaga ang tunay niyang pangalan. Akala ko gawa-gawa niya lang 'yon.

"Girl, ang gwapo niya!"girl 1

"Naman, ang sarap tadtarin ng halik."girl 2

"Aaron Davis, 18."

Sunod na pakilala ng isang lalaking pokerface ang mukha. Magkapareho sila ng expression ni Cade. Ang kaibahan lang ay ang mata niya na kulay blue.

"Nakakatunaw ang tingin niya."

"Mesmerizing eyes!"

"Be mine, please!"

Isa na lang lagyan ko na talaga ng packaging tape ang bibig ng mga babaeng 'to.
Parang baboy na kinatay kung makareact, ang lakas pa ng boses.

"I'm Drix Stuart, 17 years old."
Sabay ngiti nang nakaloloko. Sa inasta niya masasabi mong may pagkahilig sa babae. Oh well, lahat naman yata ng lalaki mahilig sa babae.

"Nginitian niya ako!"

"Gaga wag kang feeling, kita mo ngang sa akin siya ngumiti eh."

"Anong sayo? Bulag ka ba? Sa akin kaya siya ngumiti."

Tsk, nag-away pa. Halata namang hindi sila ang nginitian. Mga babae nga naman.

"Zared Akio, 17 years old."
Pakilala naman ng isang singkit na lalaki. Nakakakita pa kaya siya sa singkit ng mata niya? Japanese yata siya eh. Halos wala ng mata. Medyo mahaba ang buhok niya kaya natabunan ang kaliwa niyang mata.

"Hello! I'm Xiell Velo Fright, 17 years old. Kung bibigyan niyo ako ng chocolates, magkaibigan na tayo."
Alam niyo 'yong bagong takas sa mental? Ito yata 'yon eh. Ang laki ng ngiti parang kasya na nga ang isang kamao ko. Seriously, hind ba 'to abnormal?
Baka nagkamali lang ito ng pasok.
At chocolates? Makakakain ba 'yon?
Tsk.

"Uhmm, Mr? Pwede ka bang pumunta dito sa harapan para magpakilala?"
Tawag ni Ms. Dazes sa isang lalaki kanina kaya napatingin silang lahat sa kanya.
Hindi ito sumagot, sa halip ay kumuha ito ng isang chalk at pumunta sa blackboard.
Ano ang gagawin niya? Isusulat ang pangalan?
Hindi ba siya marunong magsalita?

Grave University 2: ZHEIRA✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon