Chapter 3

87 1 0
                                    

Sarah:

Halos limang buwan narin mula noong nangyari ang pag-aaminan naming ni Robin at ang pag-aaminan rin namin ni Manuel. Gayunpaman, ipinagsawalang bahala ko muna iyon dahil nalalapit nanaman ang eleksiyon.

Tuwang-tuwa ako nang malaman kong gusto ni Robin at ni Manuel na maging campaign manager ko. Sino ba naman ang tatanggi kung dalawang guwapo ang tutulong sa’yo diba? Siyempre pumayag na ako lalo na’t crush ko ang isa.

Kasagsagan ng meeting de avance, normal naman ang lahat.

Sa oras na ako’y nagsasalita, kalmado lamang ang lahat, ngunit nagulat ako nang biglang nagtilian ang lahat habang ibinibigay ni Robin at Manuel ang mga flyers na may nakasulat na “VOTE SARAH VICTORINA for PRESIDENT”

Nakakatuwang isipin ang dalawang taong naghahati sa aking puso ay nagkakandarapa sa pagtulong sa akin. Parang sila na nga ang best asset ko ngayong eleksiyon. Hindi na tatakbo bilang student council si Manuel sa kadahilanang di ko alam.

Sa bawat ngiting nakikita ko sa kampanya ay lalo akong naguguluhan kung sino nga ba sa dalawa ang pipiliin ko. Si Manuel ba o si Robin? Kayo? Sino ang mas gusto niyo? Kung pwede lang sanang hatiin ang puso ko eh. Hmmm. -___-

Robin:

Ang pag-amin ko. Oo, ang pag-amin ko ay parang may pinatutunguhan nga naman. Alam kong mahal din niya ako, sana.

Alam kong di tama kung makisingit ako sa busy schedule ng taong mahal ko. Sa hirap ba naman ng kampanya makakahanap pa siya ng oras para sa akin?

Iintindihin ko na lamang siya. Mahal ko siya at ayaw kong bigyan pa siya ng sakit ng ulo.

Eh si Manuel kaya? Ano nang nangyari sa kanila ni Annie?

Manuel:

Nag-usap na kami ni Annie.

“Mahal mo ba ako?” Tanong ko.

“Oo naman, bakit mo natanong?”

“Ano iyong nalaman ko na may ibang pumoporma sa’yo?”

“Ah… wala iyon…” Palusot niya pero alam kong may iba na siya.

“Break na tayo…” Sabi ko.

“Ha? Bakit naman?” Sagot niya na parang walang pakialam.

Di ko na siya sinagot. Alam naman niya ang dahilan eh, nag mamaang-maangan pa siya!

Sa mga taong nagpaalipin ako sakaniya, di ko akalain na lolokohin lang niya ako. Pero kung tutuusin, niloko ko rin naman siya diba?

Matagal-tagal narin pala mula noong umamin ako kay Sarah. Sa tinagal-tagal ng panahon na iyon, napag-isip-isip ko na ligawan na siya. Sa oras na manalo siya, aamin ako sakaniya sa harap ng madaming tao.

Sarah:

Sa araw ng eleksiyon, di talaga ako mapakali sa aking inuupuan. Kamot dito, kamot doon. Pero sa tuwing tumitingin ako sa kanilang dalawa, napapangiti ako nang di sinasadya.

Tapos na ang bilangan nang lumapit sa akin si Robin at niyakap ako nang mahigpit.

“Sarah! Nanalo ka!” Sabi niya. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noon.

Sa unang pagkakataon, mararamdaman ko kung gaano kahirap ibalanse ang aking oras sa akin opisina at sa mga taong nagpapasaya sa akin.

Muli, may nagtilian. Ang akala ko’y ako ang pinagtitilian dahil nanalo ako. Ngunit nagkamali ako, si Manuel pala iyo. Napatigil si Robin sa pagyakap sa akin at napatingin din kay Robin.

 Hawak-hawak ang mic, sinabi niyang

“Sarah…” nagtilian agad ang maraming babae.

“Sarah, alam mo naman na matagal na akong may gusto sa iyo… At ngayon, aamin na ako sa’yo”.

 Nabaling ang tingin ko kay Robin na nakangiti sa akin, ngunit alam ko na hindi siya masaya.

“Robin…” sabi ko.

“Ayos lang Sarah, noon pa lang naman alam ko ng hanggang ganito lang ako dahil si Manuel lang talaga ang para sa iyo at ikaw ay para sa kaniya, ngayon, sumusuko na ako” iyon ang huling sinabi niya sa akin at umalis na.

Pilit naman akong ngumiti kay Manuel. Pilit lamang ang ngiti ko sakaniya dahil simula nang makilala ko si Robin, wala na akong nararamdaman para sa kaniya.

Manuel:

Hindi ko maipagkaila ang sayang aking nadama nang umalis si Robin at ngumiti sa akin si Sarah, Yes!! Ibig sabihin lang nito na mahal din niya ako!

Abot hanggang langit ang ngiti ko nang biglang…

“I’m so Sorry” ang narinig ko mula kay Sarah at patakbo niyang hinabol si Robin at ito’y kanyang niyakap.

Di ko alam kung ano ang gagawin ko, sa sobrang kahihiyan, siguro di ko na muling maipapakita ang mukha ko sa mga tao.

Napaluhod na lamang ako…<//3

Sarah:

Sa huli, si Robin parin ang nakahuli ng puso ko. Alam kong sa pag-ibig, normal lang na may masaktang iba. Normal lang na may masagasahan ka. Ang mahalaga, nagpakatotoo ka dahil kapag nagpakaplastik ka, lalong lalala.

Ngayong student council president na ako. Hindi ko na alam kung paano ko babalansehin ang oras ko.

Kamusta na kaya si Manuel. Matagal-tagal narin mula noong huli kaming nag-usap. Sana nakahanap na siya ng babaeng magmamahal sa kaniya. Isang babaeng walang ibang nagmamay-ari ng puso kundi siya lamang.

Oops. Di pa ito wakas! Sa totoo lang, simula pa lang ito ng tunay kong story. Eto na. Ready?  1..2..3!

Loving a Student Council PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon