Intoduction

11 1 0
                                    

"Introduction"
<☆•☆•☆>

(6,000 taon na ang nakakalilipas)

***Sa Impyerno***

Phius Mortem (Hell's Gatekeeper): "Krade Ibrahim,anim na pung taong gulang,namatay sa pa di matukoy na sakit--"

Krade Abraham: "P-Patay na ko?"

Phius (Isinara ang "Itim na Libro" kung saan nakalista ang mga pangalan ng mga kaluluwang pupunta sa impyerno): Kakasabi ko lang di ba.

Krade: H-Hinde..hindi pwede! Ayoko dito! Masusunog ako dito!

Phius: Natural. Makasalanan ka.

Krade: (Lumuhod) M-Maawa ka sakin..

Phius: Walang lugar ang awa dito. Ngayon,anong kayamanan mo?

Krade: K-Kayamanan?

Phius: Kayamanang ititimbang sa kasalanan mo.

Krade: Wala akong..kayamanan..

(Sa isang kisapmata ay naging abo ang kanina lang ay nagmamaka awang nilalang. Nagsigawan ang ibang mga kaluluwa sa pila.
Nagtulakan paatras ang mga nasa unahan at may ilan pang ninais tumakbo pero alam nilang hindi na sila makakaalis sa lugar na yon. Ilang segundo pa ay nilingon sila ng demonyong may hawak sa itim na libro saka sila tinitigan gamit ang pula nitong mga mata.)

Phius Mortem: Sunod.



***Sa Langit***


Prisma Mortem (Heaven's Gatekeeper): Kamusta Lewis?

Lewis Tran: N-Nasan ako?

Prisma: Ikaw ngayon ay nasa tapat ng Gintong Pinto papuntang langit.

Lewis: Langit? Bakit ako nandito?

Prisma: Dahil malaki ang naitulong mo sa iba. Hindi ka makasarili. Marunong kang magpatawad--

Lewis: Marami akong kasalanan--

Prisma: Pero humingi ka ng tawad at naglingkod sa Kanya. Matagal ng nailista ang pangalan mo sa Puting Libro. Nararapat ka lang dito sa langit.
Lewis: May anak pa ko.

Prisma: Wag kang mag alala. Pwede mo syang bantayan.

Lewis: Ha?

Prisma: Ikaw ngayon ay magiging anghel. Tagapagbantay sa iyong anak. Pinagbigyan nya ang huli mong kahilingan.

(Nanlalaki ang mga mata't di makapaniwalang napaiyak si Lewis. Magkahalong lungkot--dahil patay na sya at tuwa--dahil makakapiling nya pa ang anak nya--ang nararamdaman nya. Nagtiwala sya sa Diyos at ngayon ay pinagbigyan Nito ang hiling nya. Wala na syang gusto kundi ang mabantayan ang anak nya.)

Lewis: Salamat..salamat.

Prisma: Pumasok ka na.

Lewis: S-Sino ka? Hindi kita kalilimutan.

(Ngumiti ang anghel at hinawakan sya sa kanang balikat.)


Prisma: Prisma Mortem,heaven's gatekeeper.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gates of heaven and hellWhere stories live. Discover now