CHAPTER 6

118 13 18
                                    

"ATE Lyka, what do you think?" tinig iyon ni Princess. Kanina pa sila sa bahay ni Claudine. Nagmumukmok kasi ito dahil sa break up nito at nang long time boyfriend nitong si Geifford.

Wala sa usapan ang isip niya dahil lumilipad ang isipan niya sa halik na pinagsaluhan nila ni Neil. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nararamdaman niya pa rin ang mga labi ng binata. Akala niya immune na siya sa presensya nito. Pinilit niya ang sarili na maging kaswal sa pakikitungo sa binata.

Subalit lahat ng convincing words na sinabi niya sa kanyang sarili upang hindi maapektuhan sa presensya ng binata ay naglahong lahat dahil sa halik nito.

"Ahm, ano na nga yong sinasabi nyo?" aniya sa mga ito. Kumunot ang noo ng mga ito. "I'm sorry, I m not listening may iniisip kasi ako eh." Paliwanag niya sa mga ito. Pero siyempre hindi niya sasabihin sa mga ito kung ano iyon.

"Naku, pasalamat ka absent ang dilang tinubuan ng mukha, kung hindi puputaktihin ka na naman ng babaeng yon!" wika ni Erica sa kanya.

"Teka, bakit nga pala wala dito si Sister?" anang inosenteng si Nomerica.

"Eh kasi gusto niya daw na doon muna sa bahay nila sa Cavite dahil umuwi from Guam yong mom niya." wika ni Pie.

"Ang damot talaga nung babaeng yon." wika niya sa mga ito.

"Bakit naman?" tanong ni Claudine.

"Congrats, Claui, natagpuan mo na ang dila mo." singit ni Pie.

"Corny mo, Pie ha."

"Kasi, Ching, hindi niya tayo binigyan ng chocolate." wika niya.

"Binigyan niya kaya kami." si Erica iyon na pinagdiinan pa ang salitang kami

"Bat kayo lang ang binigyan niya?"

"Eh, kasi te Lyka, hindi ka naman kumakain ng chocolate na black di ba. White chocolate lang ang kinakain mo." sabi sa kanya ni Princess.

"Oo nga pala noh! Eh teka, ano na nga yong sinasabi mo sa kin Princess?" tanong niya sa huling nagsalita.

"Sabi namin, wag niyang pamihasain si Geifford na lagi na lang kay Claui nagmumula ang unang move para magkabalikan sila." litanya ni Princess sa kanila.

"Aba, Ching! Ano ka tanga? Nakita mo ng niloloko ka ng lalaking yon gusto mo pa rin siyang balikan. Where did you put your brain, Girl?" wika niya rito.

Wow, look who's talking! Anang isang pasaway na bahagi ng isip niya.

"Yan mismo ang sinabi namin dito sa babaeng to. Ang tigas ng ulo." wika ni Erica.

"Grabe naman kayo, baka mahal lang talaga ni Ate Claui si Kuya Geifford kaya di niya mapakawalan." anang pinakabata sa grupong si Nomerica.

"Hoy ne, anong love-love yang pinagsasasabi mo? Ang bata mo pa umaarya ka na sa mga love life na yan." sermon dito ni Princess.

"Excuse me, I m already 25 kaya pwede na ko dyan sa love talk na yan." wika nito.

"Tumigil na nga kayo! Nawala nga yong isang magulo, pinalitan naman nang dalawang mas magugulo! Hay naku naman!" litanya ni Erica maya-maya.

"Hoy grabe ka naman! Ikumpara ba kami kay Jen." protesta ni Princess.

"Walang tatalo sa ingay ni Sister no. Nag-iisa lang siya." Wika naman ni Nomerica na tatawa-tawa pa. "Ang sama natin kay Sister!" dugtong pa nito.

"Ano ka ba, Nomer. Masama din sa tin si Jentot! Mas masama pa nga yung babaeng yon kumpara sa pinagsama-sama nating masasamang ugali eh." hirit naman ni Pie.

Love At WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon