The Kiss (One Shot)

133 6 0
                                    

Nagsimula sa kaibigan. Natapos nang magkasintahan. Dahil sa isang halik.

Paano yun nangyari?

Actually dyan talaga kadalasan nagsisimula yung mga lovelife eh. Nagsisimula muna sa kaibigan. Magkakagustuhan tapos mag-aaminan.

Ang haaaaarooooot! Hahahaha

Bigyan ko kayo ng sample kung paano nangyayari yun.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Magkaibigan kami ni Rachel simula nung grade 4 pa. Sobrang matalik na kaibigan. Sabay kumakain at umuuwi dahil isang sakayan lang naman yung meron malapit sa school namin. Oo aamin ko na crush ko sya. Pero magkaibigan kami kaya parang mali.

Nasa kolehiyo na kami ngayon pero magkaklase pa rin kami. Hindi kami pinaghihiwalay ng tadhana. Galing no?

Sa totoo, ayaw ko pa muna dati magkaroon ng lovelife dahil baka bumaba yung grades ko. Syempre pag-aaral muna. This year magagraduate na kami at sana hindi pa rin kami paghiwalayin.

By the way,

Hindi ko napigilan na sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Hindi ko na kayang itago lahat ng ito.

Nung grade six, sinabi ko na crush ko sya. Sobrang nagulat sya. Hindi na nya ako pinapansin. Hindi na kami magkasabay kumain at umuuwi. Ayaw na nya ako kausapin. Nilalayuan nya ako. Hindi ko alam kung maarte sya or kung ano pero bakit ganun?

Parang hindi na kami best friends. Nawala lahat ng mga yun.

Iba na yung mga kasama nya kumain. Yung mga girl friends nya. Pero ok na yun kaysa mag isang kumakain.

Dalawa lang naman yan eh. Una pag-inamin mo, sasabihin nya rin na gusto ka rin nya. Pangalawa, pag-inamin mo ay lalayuan ka naman nya. At yun ang nangyari saakin.

Tinatry ko lahat ang makakaya ko pero ayaw nya talagang makipag-usap. Sobrang na--- ewan. Di ko alam talaga.

Naging close na kami medyo nung grade 10 pero parang wala lang. Nakakausap ko sya pero pang stranger talk na parang onti onti lang.

Isang beses nga na kakatapos ko lang ng thesis ko tapos biglang...

"Anong date ngayon?"

Sinabi nya yun sakin. Ganon sya makipag-usap sakin tapos proud pa ko. Sinabi ko sa mga kaibigan ko yung nangyari pero wala silang peke. At least yun na ulit yung unang usap namin simula nung sinabi ko na crush ko sya.

Tapos tinawag nya ulit ako.

"John."

Sinigaw nya pa yun. Syempre tumingin agad ako dahil alam kong sya yun.

"Anong costume mo sa party bukas?"

Tinanong nya yun. Nagulat ako dahil tinanong nya ako. Ano naman kasing pake alam nya. Syempre sumagot naman ako.

"Peter pan."

Yun talaga yung susuotin ko dahil wala akong maisip. Teka saan naman ako kukuha ng costume na yun. Bahala na.

Nung 1st year college namin, mas nagiging close kami. Antagal na nung sinabi ko na crush ko sya. Alam ko na hindi nya pa yun nakakalimutan. Mas nakakausap ko na sya ngayon pero hindi yung tawagan namin dati.

"Rachel ano yung topic natin sa science?"

Ganun lang naman yung mga usapan namin kasi magkagrupo. Syempre kailangan mag-usap kapag ganun. Parang hindi naman awkward at mabuti yun.

Paminsan minsan sabay kami kumakain pero may kasamang iba. Hindi katulad ng dati na kaming dalawa lang.

Parang mas nagiging close na kami ngayon at natutuwa ako. Mas may chance na maging kaming dalawa. Siguro na hanggang kaibigan lang yung iniisip nya pero hindi pa rin ako titigil para maging kami.

Sa hindi inaasahang pagkakataon nung 2nd year college, kaming dalawa nalang yung kumakain. Ewan ko kung paano yun nangyayari. Sinabi ko sa kanya na mahal ko pa rin sya pero hindi sya umimik. Diretso pa rin sa pagkain. Onting tingin lang sakin. Yung parang pinaalala ko lang sa kanya.

Sabay na rin kami umuuwi pero di ko pa rin alam kung bakit. Mas nagiging close na kami. Mas mahaba na yung usapan namin. Sobrang masaya ako sa nangyayari pero sa tingin ko hanggang magkaibigan lang parin ang tingin nya sakin.

Nung 3rd year college, gusto ko syang ligawan. Hindi ko napigilan na sabihin sa kanya na...

"Can I court you?"

Sinabi ko talaga yun. Kaming dalawa lang sa lugar na yun. Kinakabahan ako dahil baka kung ano yung maging reaction nya. Sinabi nya na...

"John ano ba yang ginagawa mo? Magkaibigan tayo nung grade 4 hanggang sinabi mo na mahal mo ako. Hindi ko pa yun nakakalimutan. Nagulat ako sa sinabi mo. Tapos hindi ka parin titigil para maging tayo."

Sobra yung tulo ng luha nya habang sinasabi nya yun. Hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko or kung ano. Hindi ko napigilan yung sarili ko na sabihin na...

"Bawal ba maging magkasintahan yung magkaibigan? Bakit ba ayaw mo? Gusto ko patunayan na mahal kita. Wala ka bang nararamdaman sakin?

Bigla syang umalis nung sinabi ko yun. Gusto ko patunayan na mahal ko sya kaya itutuloy ko.

Binibigyan ko sya ng flowers once a week. Mabuti at tinatanggap nya yun. Sobrang saya sa pakiramdam nun.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakwento ko na yung nangyari samin simula nung grade 4 pero di pa natatapos dun yung kwento. This year, tinawag nya ko para kausapin. Sa lugar kung saan ko sinabi na kung pwede ko syang ligawan. Bakit nya ko tinawag? May kailangan ba sya?

"May sasabihin ako sayo John. Napakaimportante."

Nagsimula nang lumuha yung mata nya.

"Sobrang tagal kong tinago ang nararamdaman ko. Didiretsuhin na kita. Nagsimula ito nung tayo ay grade 4. Tapos nang sinabi mo na mahal mo ako. Hindi ako makapaniwala. Grade 4 mahal mo na ako. Alam kong napapansin mo na hindi kita pinapansin, hindi kinakausap, hindi sabay kumakain at hindi sabay umuuwi. Masyado pa tayong bata nun. Natatakot ako kung baka anong mangyari. Baka di ko mapilitang masagot ka ng oo. Hinantay ko hanggang sa matapos ang pag-aaral natin. Tinatanggap ko lahat ng binibigay mo sakin dahil baka hindi mo na ako mahalin at baka isipin mo na hindi talaga kita gusto. Isa lang ang masasabi ko ngayon at kailangan ko ng reaction at sagot mo."


"Mahal din kita John."

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ako makapag salita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Totoo ba ang mga nangyayari? Pero sana nga totoo. Ilang taon na hinantay. Ilang taon na pagsisikap. Nakamit ang tagumpay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ayan nakwento ko na yung mga nangyari sakin. Alam kong bitin kayo kaya ipagpatuloy natin ang nangyayari ngayon sa buhay ko.

Nandito ako nakatayo kasama si Rachel. Sa isang mataas na entablado habang may suot na itim na sumbrero na handang ibato mamaya.

Graduation day na. Naluluha habang tinatanggap ang papel na binibigay sakin. Bababa na ng entablado. Ibabato na ang sumbrero.

Isang masayang araw nanaman ang nangyayari sakin ngayon. Hawak ko sya habang hinihila. Papunta sa paborito naming lugar. Ito na ata ang oras para gawin ang gusto kong gawin. Alam kong walang pipigil sa amin. Hinawakan ko ang pisngi nya. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Ramdam na ramdam ko ito. Hinawakan ko ang beywang nya at nilapit sa aking katawan. Binalik ang kamay sa kanyang pisngi at palapit nang palapit ang aming mukha sa isa't isa. Pinikit ang mata at sabay ginawa ang inaasam na...





HALIK.

Napaka sarap sa pakiramdam na parang gumuho na ang mundo at kaming dalawa nalang ang natitira.

Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang lahat.



Lumuhod ako sa harap nya at sinabing...

"Can you be my girlfriend."

"Yes." Ang sabi nya.

-End

The Kiss ( One Shot )Where stories live. Discover now