Chapter 11

2.6K 42 2
                                    





Sa wakas!!!! Tapos na din! Alam niyo ba kung ano yung tapos na? Yung sa meeting namin dun sa kliyente namin na mag dedebut.

Nagustuhan niya yung iginihut ni crystal na gown, nag dagdag na lang siya ng mga gusto niya idagdag.

All set na ang hinihintay na langang araw na mag dedebut siya.

Sobrang gaan sa pakiramdam, ang kaso kung kailan wala na kong proproblemahin yun naman yung time na uuwi na si crystal sa kanila.

Tumawag kasi si mommy yung mommy ni red na pinapauwi na si crystal dahil tumawag ang teacher ni crystal at may kailangan daw gawin at si crystal ang pinaka importante sa gagawin nila.

Kaya ngayon ihahatid namin si crystal sa bahay ng magulang ni red.

"Tal!!!! Ano? Tapos kana ba?" Sigaw ni red mula sa baba ng hagdan.

Narinig namin sumigaw si crystal na patapos na siya sa pag aayos ng kwartong ginamit niya mula sa taas.

Maya maya wala pang limang minuto naka baba na si crystal.

Naka sakay na ang dalawa sa sasakyan habang ako kinandado naman ang pintuan ng bahay namin.

"Sayang naman tal, kung kailan makakapag bonding na tayo ng walang ako pinorpoblema saka ka naman aalis" malungkot na sabi ko sa kanya habang nasa byahe kami.

"Oo nga ate eh, di bale po by next week titignan ko schedule ko para maka bonding ko kayo ni kuya" ngiting sabi ni crystal saakin.

"Tal, wag mag boboyfriend hah!" Pag papa alala ni red sa kapatid niya.

Natawa naman kaming dalawa sa sinabi ng kuya niya sa kanya.

"Kuya, mag tatapos muna ako ng pag aaral. Wag momo tulad sayo na malandi hahahaha!" Humalagpak ng tawa si crystal nang matapos niya ang kanyang sasabihin.

Nadala ako sa tawa niya kaya natawa din ako.

"Bakit? Ate Lhain mo lang naman linalandi ko ah? Walang nang iba" sabi ni red habang pasulyan sulyao na tumitingin saakin.

"Loyal ka kuya?" Natatawang tanong ni crystal sa kuya niya.

Napatango naman si red at nginitian ako, kinuya niya ang aking kamay saka ito hinalikan.

"Loyal ka sa lima?" Humalagpak na naman ng tawa si crystal dahil sa kanyang sinabi.

Napa simangot si naman si red dahil sa sinabi nang kanyang kapatid.

"Siraulo!" Galit na sabi ni red

Napahinto naman kami sa kakatawa dahil alam na naming halit ang isang 'to.

My Obsessed And Possessive HusbandWhere stories live. Discover now