Langit ka, Lupa ako

91 1 0
                                    

Langit ka, Lupa ako

Bakit ikaw pa?
Sa libo libong tao nakilala ko
bakit ikaw pa?
Ikaw na kahit kelan at kahit pagbalikbaliktarin man ang mundo
hinding hindi pendeng maging akin
Dahil ika'y langit at ako'y lupa
O ika'y pusa at ako ang daga
O ika'y tubig at ako ang langis
Na kahit kelan hindi maaring magsama
Hindi maari..

Naalala ko pa noong una kitang nakita
Nakuha mo na agad ang aking mga mata
Ika'y nakasuot ng isang napagarang damit
Damit na kahit kelan di ko kayang bilin
Ako'y humanga sayo lalo ng may isang matanda kang tinulungan na katulad ko
Mabait ka.
Mabait nasa sobrang bait ako'y nahulog,
Bumagsak,nalaglag na walang kasigaraduhan kung ako'y masasalo.
Dahil maari..
maaring hindi mo ako kilala.
Lalo pa ako nawalan ng pagasa ng naalala ko.
Oo nga pala ako
ako'y dukha at ika'y mayaman
Na hindi pedeng magsama
na maari ko na lang gawin ay tignan ka ng palihim.
Palihim.....
Palihim kahit masakit

Langit ka, lupa ako
Iniisip ko kung hanggang dito nalang ba tayo
Dito sa utak kong iniisip kung mapapaakin ka
Dito sa utak kong nagsasabing may pagasa pa
Pero realidad na mismo ang humaharang
Sinasabing hindi kahit kelan man mangyayari etong iniisip kong pagmamahalan
Dahil ikaw..
Ikaw lamang ay para sa katulad mong langit.
At ako nama'y para lamang sa katulad kong lupa.

Langit ka, Lupa ako
Pano ko ba to mababago?
Pano ko nga ba mararating ang trono mo?
Pano ko nga ba maipagmamalaki ang sarili ko sayo?
Ikaw na, hindi basta basta mararating ng kung sino sino.
Gusto ko ako ang maging dahilan ng mga ngiti mo.
Pero paano?
Sa bawat oras na itinutunganga ko, sinasayang ko ang sarili ko para sayo.
Kung ako'y magpupursigi, siguro mababago ko ang estado ko.
Di na ako magiging pabigat.
Pabigat sa ekonomiyang kinatatayuan nating dalawa.
Siguro maaabot na kita.

Langit ka, Lupa ako
Oo, ulit ulitin natin.
Langit ka, lupa ako.
Langit ka, lupa ako.
Hinding hindi yan mawawala sa utak ko. Tulad mo na ayaw lisanin ang puso ko.
Pero kasalanan ko pa din..
Dahil ako mismo ang ayaw bumitaw. Bumitaw sa mga nakakapanglokong pantasyang iniisip ko para saating dalawa...
Sino ka nga ba para pumatol sa isang katulad ko?
Katulad ko na walang pagunlad?
Katulad ko na walang kasiguruduhan saan dadalhin ng realidad..
Katulad ko na.. walang patutunguhan sa buhay..
Buhay na saakin mismo pumili upang magdusang isiping
ika'y langit at ako'y lupa.
Na hindi maaring magsama.

Langit ka, Lupa ako.
Mula ako'y sa poverty standard
At ika'y sa luxury standard
na kahit kelan hindi para sa isa't isa
Ipilit ko man, ako lang ang masasaktan
Kaya siguro tama na..
Tama na...
Masakit na...
Paalam na ....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Langit ka, Lupa akoWhere stories live. Discover now